Chapter 33

2K 102 56
                                    

Chapter 33

Plankton

  

They're confusing me. First minute they're cruel to me then next they're sympathetic. Were they playing mind games with me?

Hindi ko rin lubos na maintindihan ang takbo ng utak ng mga tao sa eskuwelahang ito. Parang kailan lang halos isuka nila ako paalis at ngayong napatunayang wala akong kasalanan, balik sila sa bait-baitan sa akin.

Mga balimbing! Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiirita sa mga nangyayari, e. Pakiramdam ko lahat ng tao rito, plastik!

"Mabuti kung ganoon. Makakabalik na ulit tayo nang maayos sa ensayo," said Maestro in relief.

Naging mabilis ang araw na iyon para sa akin. Hindi kami gaanong nakapagkita ni Klavier. Pero nakita ko siya kanina sa quad, huli na nang napansin kong nanunuod din pala.

Hindi na niya ako nilapitan. Bagay na pinasalamatan ko rin dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa hulog. Gulong-gulo pa rin ako sa takbo ng utak ng Kaharayan.

Nang nakarating sa parking para sana umuwi na, tumambad na naman sa harapan ko si Klavier na namumuro na sa kakahigit sa akin. Nakakagulat at bigla-bigla na lang sumusulpot!

"You know you can talk to me without dragging me like a sack," I announced in a matter-of-factly tone.

He chuckled. "Will keep that in mind."

Pabiro akong umirap ngunit may ngiti na rin sa labi kahit papaano.

Biglang sumagi sa isip ko ang usapan din namin kahapon. Ganitong-ganito rin iyon kaya tuluyan ko nang pinalaya ang umuusbong na ngiti sa mga labi ko.

"I really did get through it," I claimed.

Marahan siyang tumango at umayos na ng tayo. "I told you. You did a good job."

"But I didn't do anything."

"You did a good job holding your temper, Athena."

"Sure, Peter." I made face.

Hanggang ngayon, nakakapanibago pa rin na dito namin ginagawa ang mga ganitong usapan. I missed our Neverland. Maybe I'll visit it tomorrow.

"Any plans for tomorrow?" biglang tanong niya.

Napanguso ako dahil iyon na nga ang iniisip ko ngayon.

"Yup. I'll go to Neverland."

Hindi agad siya nakapagsalita, mukhang may iniisip. Kung paano ko nababasa iyon kahit takip na takip ang kanyang mukha ay palaisipan din para sa akin.

But wait. Hmmm. What if we go there togethe-

"I'm sorry... I can't go there with you," he said, cutting of the surging idea in my head.

Napakurap-kurap ako. "Bakit?"

"Our stuff will be delivered tomorrow. It's our dress rehearsal," he answered thickly, as if he didn't like what he just said.

Dress rehearsal? Ang garbo naman ng production nila ng partner niya. Kailangan pa ng buong araw para lang sa isang dress rehearsal. Edi sila na!

"Okay. No problem," ngiti ko, kahit ang totoo, medyo nanghinayang ako. Medyo may tampo rin... slight.

Saglit siyang hindi nakasagot doon. Inabot niya ang braso ko at marahang hinaplos iyon.

"I'm sorry... but what do you think about going out after school?"

Parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig. "Tomorrow?"

"Yeah."

Umusbong ang nguso ko nang may natanto. "If you're just guilty because you can't come with me tomorrow, it's-"

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon