Chapter 28

2K 104 64
                                    

Chapter 28

Enemies

  

"Kudos! Galing mo!"

"Congratulations!"

"Keep up the good work!"

"Congrats, Ate!"

Tanging tango at ngisi lang ang nasusukli ko sa bawat bumabati. May iilang nasasagot ko pa ng "thanks" ngunit madalang lang. Nalulunod kasi agad ako sa dagat ng mga kaisipan.

"Found yah!"

Isang mabigat na braso ang bumagsak sa balikat ko. Pagkalingon ko, bumungad sa akin si Lancelot.

Nasa likod niya pa ang tatlo at manghang-mangha ring nakatingala sa malaking screen. Bukod pa roon, may pa-vertical banner flag pa ang bawat team na naglalaman ng band name at pangalan ng mga myembro nito sa baba.

Nakapaskil sa Main Music Building ang flags ng Exclusives samantalang sa kaliwang bahagi naman ng quad ang sa Ensembles.

Sa gitna, iyong malaking screen sa entablado, fina-flash ang hinandang TVC para sa mga napiling Ensembles at Exclusives. Syempre, hindi mawawala ang Triad sa huli. Kasama pa roon ang pangalan ni Klavier kasama ang iba pang tinitingala at nirerespetong musicians o superstars sa Damgeen kaya kahit papaano, napapangiti rin ako.

"Tayo 'yon! Tayo 'yon!" turo ni Faye sa pangalan namin nang nag-flash iyon sa screen.

"Oo nga, Achelois. Wala namang umaagaw," pambabara ni Nolan.

Pabirong sinapak ni Faye ang balikat nito bago muling itutok ang mga mata sa big screen. Pati ang ibang estudyante, kahit ata ilang beses nang napanuod nang paulit-ulit ang TVC, animo'y nasa pinilakang-tabing kung tutukan pa rin ng mga tao.

"Galingan natin," sambit ni Cruz habang nakapamewang na nanunuod sa TVC.

"Gigilingan ko lang 'yan sila, pre," si Lancelot.

"Please don't. Baka agad tayong ma-disband kapag nandiri sayo si Mich!" reklamo ni Faye.

"Weh?" silip ni Lancelot sa akin habang nakaakbay pa rin. "Baka mahulog pa ito sa akin, ha? Mich, be professional. Trabaho lang."

Akmang sasaludo na ang gitnang daliri ko nang biglang umingay sa bandang likod namin. Dahil napalingon ang mga kasama, mas lalo akong binalutan ng kuryosidad kaya agad din akong nakisali.

Nasama ko ang braso ni Lancelot nang pihitin ko ang katawan para lumingon. Natanaw ko si Klavier na nasa gitna ng mga taong nakapalibot.

Hindi nito alintana ang mga nagpapaligsahan na estudyante para pukawin ang kanyang atensiyon, seryoso lang siyang nakatanaw sa big screen.

He's here. Everytime he saunters around, he never fails to attract poles of people like a magnet. Tuwing may maingay, malaki ang posibilidad na nasa paligid lang siya, nakabuntot at pinalilibutan ng mga tagahanga.

I couldn't blame them though. I understand their fascination towards him. There's something in his air that looked very striking and mesmerizing, as if looking away from him was heavy and difficult for the heart. He's such a head turner and an eye candy.

"Parang ang hirap naman niyang abutin," rinig kong biglang komento ni Faye sabay sulyap sa akin. "Kaya nga laking gulat ko nang samahan ka sa stage nung araw na iyon, e. Close kayo?"

Hindi ako nakapagsalita. Lalo na nang habang sinasabi niya iyon, bumaba ang tingin ni Klavier mula sa screen na nasa taas ng entablado patungo sa akin.

Dahil nakababa ang mask, kita ko ang pagsusuplado lalo ng kanyang ekspresyon nang bahagyang ikiling ang ulo.

Saka ko lang natanto na baka hindi nito gusto ang nakikitang pag-akbay sa akin ni Lancelot kaya agad akong napabalikwas para alisin iyon. Nagtaka naman doon ang huli ngunit napaiwas na lang ako at niliko ang mga mata.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon