Chapter 20

2.2K 98 66
                                    

Chapter 20

Cold

  

Soft hands started caressing my sensitive skin, wiping off my young teardrops. A figure of a woman was seen. But her face was unidentified.


"Everybody needs somebody

And you got me.

You know that I know that you know

That I'll be there for the highs and lows.

Give you mine if your heart gets broke

By your side when you're all alone,

I will be there..."


I was sitting at the edge of a little bed, crying like a baby, folding my knees and hugging it in a very tight manner, afraid of something else. While the unrecognized woman kept on soothing me, singing a very beautiful music in her own version of its slower and gentler pacing.

May kadiliman ang paligid. Tanging ang ilaw lang sa lampara at munting liwanag mula sa buwan ang nagbibigay ng kapasidad upang makilala ang bawat sulok. Ngunit kahit anong sikap ko, sa gitna ng mga hikbi, bigo ako sa pagkilatis sa ginang.

"W-Who are you?"

"I am your hidden origin, honey... Nasa paligid lang ako palagi..."

She paused.

"Nakabantay sayo..."

"W-Who are you?"

"I am your hidden origin, honey... Nasa paligid lang ako palagi... Nakabantay sayo..."

"W-Who are-"

"Your hidden origin... Nakabantay sayo..."

"Nakabantay sayo..."

"Who-"

"Nakabantay..."

"...sayo."

"Michaela! Michaela!"

"Gumising ka, anak!"

Umahon ako mula sa kama nang nahimasmasan. I was panting so hard, hopelessly catching for my breath. Para akong nasa kailaliman ng dagat kanina, ngayon lang nakaahon mula sa pagkakalunod.

"Mich! What happened?!"

"I-Is this about your nightmares again?

Nasa magkabilang gilid ng kama sina Daddy at Mommy, hawak-hawak ang kamay ko, sukdulan ang pag-aalala sa mga hitsura.

Lumipat ang mga mata kong nanlalabo pa rin sa kanilang likuran. Naroon si Manang Tina, nasa likod pa ang ilang kasambahay, lahat ay puno ng pag-aalala at pagtataka ang mga mukha.

"Diyos ko! Anong nangyayari, ading?" nag-aalalang tanong na ni Manang Tina, magkasalikop ang mga kamay sa kanyang dibdib.

Inabutan ako ni Mommy ng tubig. Nanginginig ko iyong inabot. My throat was droughty, I only realized it when the tempting image of water appeared in front of me.

"Mich, are you okay?" haplos ni Mommy sa aking buhok pagkabalik ko ng tubig kay Dad.

Napalunok ako at marahang tumango.

"T-Those strange dreams again. They're... T-They're getting often..."

Napadaing ako nang biglang humilab ang ulo. Natatarantang sumulyap si Mommy kay Daddy.

"S-Should we visit a psychiatrist now?" she whispered to dad.

Para ata akong nabingi at mabilis na napalingon sa kanila.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon