Chapter 52

2.2K 92 46
                                    

Chapter 52

Coward


Sinamahan ako ni Rave sa maliit na garden ng ospital. Nauna nga lang ako roon dahil aniya'y may bibilhin lang saglit. Pagkarating, may hawak nang supot ng pagkain at inumin.

"Kumain ka na," lapag niya noon sa tabi ko bago umupo.

Sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya bago umiling.

"Wala akong gana."

"Huling beses na sinabi mo 'yan, na-confine ka," he said, pertaining to what transpired last night.

Guilty, napayuko lang ako at wala nang nasabi pa. Nanumbalik sa akin ang insidente kanina.

I should be happy now that he's recovering from the gunshot, but in exchange, another problem occurred. Maybe it's just overwhelming. Nahihirapan akong iproseso lahat at ang bigat-bigat na.

Nanatili kami sa ganoong sitwasyon ni Rave at na-appreciate ko iyon. Lumipas ang ilang sandali, nakita kong sumandal siya at tiningala ang matayog na puno sa harapan namin.

"Everything's fucking sickening, isn't it? Want a stick?" aniya sa mapaglaro niyang tinig.

Umiling lang ako at napangisi. Tipid lang.

"I thought you're gonna cry though," dagdag pa niya.

"The tears. They're probably tired of me now... the same way I am to my life."

He chuckled. "How come even just for a minute, he doesn't get tired of you."

Lito akong napabaling sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay para ipahiwatig ang ibig sabihin kaya napailing ako, hindi sang-ayon sa sinabi.

"I beg to disagree."

"For sure," he spat.

Bumagsak ang tingin ko sa mga paang nakaangat ngayon sa lupa at binalikan ang huling pagkikita namin noon ni Emman.

"Why would he left when he wasn't tired of me, Rave?" I smirked without humor. "He told me he's done with me before he left that time. Tao lang din siya at napapagod. Maiintindihan ko naman kung ganoon."

"Never imagined myself defending that bastard but..." Bahagya siyang natawa at ikiniling ang ulo para hanapin ang mga mata ko. "That's not true, princess."

"Huh?"

"Maybe he's done with the charades. But he never was done with you."

"I can't follow."

Ngumisi siya at nilipat muli ang tingin sa puno.

"Hindi siya umalis dahil pagod na. Umalis 'yon dahil iyon ang plano."

I narrowed my eyes and fixed them on him.

"Bukod sa pakikipagkasundo niya sa Kaharayan at kay Philip para matyagan ka, inasikaso niya rin ang plano para makaupo sa kompanya na pinamumunuan ni Madrigal."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Isn't it Mr. Ambrose the one affiliated with Madrigal?"

"Really? You bought that deceit?" hindi niya makapaniwalang tingin sa akin at medyo natawa pa. "Ni hindi kilala ng pinsan namin ang ungas na Madrigal nang pumasok siya sa kompanyang 'yon. It was all Manuel who bought a controlling share from the company and processed everything to sit on the Board, Mich. He only used Ambrose' name and presence to make it more pragmatic. But the money and legwork? Ambrose has already a lot of stuff on his plate to even accept another workload. It was Manuel who invested all efforts. Matagal na itong nakaplano, Mich. Bago pa man siya bumalik ng Pilipinas noon para i-boycott ang kontrata."

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon