Chapter 17

2.1K 88 38
                                    

Chapter 17

Tenor

"Attention, superstars. Especially, to all rookies or freshmen this school year. To welcome the month of September, we advise all superstars to kindly indicate your stage name on our system with its appropriate interpretation due until this week."

Tumigil ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa nang umalingangaw ang paging system sa buong Damgeen.

"I repeat, kindly indicate your stage name on our system with its appropriate interpretation due until this week. Thank you and have a good day."

Inalis ko na ang tingin sa labas nang natapos na ang announcement. Ganoon din ang iba pa, nagsimula nang magbulungan tungkol sa inanunsiyo.

Sigurado naman na mayroon na sila. Partikular ang bagay na 'yon sa mga rookie. And the strange part is, I'm part of it even if I'm in Grade 12. Kaya hindi na nakakapagtaka kung panaka-nakang may sumusulyap sa gawi ko sabay balik ulit sa kanilang bulungan.

"Class, focus! Stop murmuring!" si Maestro Dulcet bago ihampas ang kanyang stick sa lectern.

It's Tuesday. Maestro Dulcet assured us that we will have an early break as soon as we finished the activity.

Individual iyon at worksheet lang, application ng tinuro niya last week. Malapit na akong matapos kaya walang kahirap-hirap na lumipad ang utak ko sa alapaap para isipin ang tungkol sa announcement.

Naisip ko, parating na ang buwan ng Setyembre next week kaya siguro naanunsiyo na iyon. Malamang, hindi pa lahat ng estudyante nakapag-fill up na ng section na iyon. Well, I hate to admit that I'm one of the stubborn students who are not yet done with that part.

I heard that the upcoming month is the start of the very beginning of Damgeen. Magsisimula na ang tunay na mga activity in the sense of extra curricular. And one of the requirements is to have your stage name, like a ticket to the moon.

Mas malikhain at makabuluhang pangalan, mas malaki ang puntos na makukuha sa plarameter.

Since kasama ang "Rendition" o creative category doon, talagang kasama iyon sa criteria dahil may merits na paglalaanan. Bukod kasi sa mismong stage name, ilalagay rin sa system kung bakit iyon ang napiling pangalan. Kumbaga, isasalaysay pa ang kahulugan sa likod ng pangalang iyon. Be it background story or anything that drove you to come up with that name.

Kaya naman pala masyadong competitive si Dante tungkol sa pangalan ng banda nila at ng PRIMO, dahil graded na noon pa man. Sa akin kasi, ngayon ko lang din mararanasan kahit Grade 12 na, kasabay pa ang mga frosh. Isang beses lang daw sa isang taon pwedeng palitan. At kapag nakatungtong na ng senior high, permanente na ang kung anong ilalagay sa renewal ng pang-Grade 11. Hanggang graduation na iyon.

Pero ang Kaharayan, iyon na talaga ang band name nila dahil bago pa man mag-senior high, talagang magkakasama na silang lima.

Ano naman kaya ang sa akin? Tuwing may gig at contest, Michaela Singh lang talaga ang gamit ko. No more stage name. I thought it's no need. Mas masarap kasi sa pakiramdam na ma-recognize sa totoong pangalan mo.

However, that was before. Before I could know the story behind that name. Singh was probably my real father's last name. Ayoko na nito. Ayoko nang gamitin ang pangalang iyon sa pagtugtog. Isa pa, wala na naman sa plano ang seryosohin ito. I could play. But I would just literally play with it.

Iyon ang gumugulo sa isip ko hanggang sa ako na lang ang huling natapos sa activity. Tuloy, ang laki lalo ng galit sa akin ng mga kaklase dahil kailangan pa akong hintayin bago mag-dismiss. Nakakahiya!

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon