Chapter 29

2K 99 99
                                    

Chapter 29

Coffin

Another dream woke me up. Ah, no. Scratch that. It's a nightmare.

"Settled na tayo sa piyesa natin. Any violent reactions or suggestions?"

"Kailan start ng practice, Maestro?"

"We can start tomorrow habang nilalakad ko pa ito. Every Tuesdays and Thursdays, pwede kayong mag-practice nang wala ako dahil may mga klase pa ako ng tanghali."

"Vocals na po talaga ako?"

"Oo, hija. Gusto mo bang tumugtog?"

"Ah! Okay na naman po. Pero kung pauunlakan ni Nolan, gusto ko pong mag-chimes."

"No. Mag-shaker ka na lang."

"Ang damot naman ng pagkatao mo."

"Ikaw, Michaela? May sasabihin ka ba?"

Wala sa sarili akong napatuwid ng upo nang sikuhin ako nang malakas ni Faye. I cleared my throat and pointed at myself while turning to Maestro Gibs.

"A-Ako po?"

Imbes na sumagot, humalukipkip ito at animo'y sinusuri ako.

"Are you sure you're okay, hija? Kanina ka pa namin hindi mahagilap."

The four snickered that were immediately restrained by Maestro Gibs. Muli itong humarap sa akin gamit ang nagtataka at kuryosong hitsura. Umiling ako.

"I-I'm sorry. Uhm... Kulang lang po sa... sa tulog," tikhim ko.

Kailangan ko pang umiling nang ilang ulit para lang mahimasmasan sa kalutangan.

Worriedly, Maestro nodded his head and slapped his thighs before standing.

"You are dismissed. Humabol na kayo sa mga klase ninyo," he declared.

Nagsitayuan na rin kami para magpaalam. Pinatawag kasi kami ni Maestro Gibs sa kanya-kanya naming klase sa katauhan ng SA niyang si Philip para sa panandaliang meeting at signing of contract.

It indicates the terms of agreement such as staying in the band at least until the end of October and that our performance for the concert is a must for our recital debut. No backing out.

Bago tuluyang makalabas ng opisina ni Maestro, tanging tango at munting ngiti na lang ang iginawad sa amin ni Philip pagkaalis. Besides, hinahanda ko na rin ang earphones ko ngunit mukhang hindi iyon hahayaan ng kadaldalan ni Achelois.

"Navi-visualize ko na ang performance natin. Ikaw ba, Mich?" Faye asked enthusiastically as we paved our way to our separate classes.

Napakurap-kurap ako dahil medyo tulala pa rin kahit sa pagbaba sa Strings Department. Napabitaw na lang ako sa earphones at nakuntento na sa paglalakad.

"Uh... O-Oo."

She slanted her head to catch my vision and smirked teasingly.

"Ano ulit ang tanong ko?"

"Huh?" Napalingon na ako dahil para akong na-corner.

"Hindi mo naman narinig pero sumasagot ka dyan!"

Bumuntong-hininga ako at napamasahe na nang tuluyan sa bandang kilay. Simula pa lang kaninang umaga kahit bago pa man pumasok, pansin na rin iyon nila Manang Tina at ng mga trabahador namin.

I'm certain it was because of that drea-I mean,  nightmare. Because this time, they both visited me last night. That pianist guy and the origin woman whatsoever.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon