Chapter 24

1.9K 100 82
                                    

Chapter 24

Captain Hook

  

"That haunted room... That room can be our Neverland."

It was almost a whisper. A whisper that I didn't expect would haunt me until home.

Klavier insisted to drive me until our house but I resisted. Masyado na siyang maraming nagagawa para sa akin.

Nagpahatid na lang ako sa Damgeen dahil medyo matagal na ring naghihintay roon ang driver namin. Buti na lang, hindi na ito nagtanong pa kung bakit ako sakay ng ibang sasakyan at bakit wala ako sa school.

Pagkauwi, minabuti ko na lang na huwag nang ipaalam kina Mom at Dad ang nangyari sa akin. I don't want them to go postal on me again because I fainted, especially now that I've got a plan for tomorrow.

Kaya naman sa hapunan, nang nakapagpaalam ako ay suwerteng pinayagan nila ako.

"Hello? Mich?" said a very familiar female voice.

Lumawak ang ngiti ko ngunit nang naalala ang pakay, agad iyong naglaho.

"Milly..." malambing kong sagot.

I pinched my lips when I heard she freaked out on the other line. I just inhaled the fresh air of night breeze as I enjoyed the broad city view from the balcony.

"Oh, my god! Totoo ba ito?!" eksaheradang tanong ni Mildred nang nakabawi na sa tili.

"Oo, Mildred. Kamusta na?"

Tumili ulit ang kausap. "Naku! Ayos lang, ano! Asenso pa rin. Iba nga lang kapag madalas ka rito."

Malungkot akong napangiti nang nahimigan ang paghina ng kanyang boses.

"I'm sorry..." I sighed.

"Ano ka ba? Wala 'yon. Syempre naman, nakaka-miss lang ang mga bagets dito. Lalo na kapag kasama mo si Emmanuel, laging namamakyaw sa menu!"

The smile I was forcing to draw faded. Hindi pa nakatulong na kasabay noon ay ang malakas na pag-ihip ng hangin, animo'y nakikiramay sa parteng gumuho sa akin.

Napatikhim ako, sinubukang tumawa. But the more I strained my laugh, the more constipated it sounded.

"Napatawag ka nga pala?" balik ni Mildred nang mukhang naalala.

Umahon ako mula sa pagkakahilig ng siko sa railings at umayos ng tayo.

"Luluwas sana ako dyan. Puno na ba ang lineup? Pa-insert sana kahit hmmm... dalawang set list? Ayos lang din naman kung sit-in lang kaso-"

"Anong sit-in? Syempre dapat spotlight ka!"

"So uhm... ayos lang? Kahit last minute scheduled gig?"

"Leche! I-cancel ko pa sila lahat makatugtog ka lang!"

Nauwi sa tawanan ang phone call na iyon. Pagkatapos kay Mildred, sinabihan ko na rin sina Natasha at iba pa naming kaibigan na papasyal ako bukas.

Excited naman sila sa gc. Napagkasunduan na sa Asylum na lang magkikita-kita at libre ko na ang inumin at pulutan. Ambagan na lang sila sa magandang puwesto para sulit. Sakto at Sabado bukas kaya maraming makakadalo kahit na ba biglaan lang ang pag-aaya ko.

Aaminin ko, kung mayroong pinakamasaya para bukas, ako iyon. I missed this feeling and I so need this break away from this reality.

If I could just really run away from reality like what the song Klavier and I played entailed, I was probably in a marathon for a long time by now.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon