Chapter 18

2.2K 100 71
                                    

Chapter 18

Minervela

It's also my first time to join Kaharayan on one of their victory parties. Hindi na rin kasi ako makatanggi. This is a special occasion for them. They just nailed Clock Out a while ago so I shouldn't act like the VIP here.

"Nailaw plara mo, Darna!" turo sa akin ng isang kaibigan ng Kaharayan sa palapulsuhan ko.

Gusto ko pa sanang magreak dahil sa itinawag niya sa akin pero sinilip ko na rin agad ang tinuro niya.

"Naka-off ang vibration mode niyan?" tanong pa ng taga-SOLMA.

I think I should memorize their names from now on.

"Oo," tipid ko lang na sagot habang pinapanuod ang munting animation doon.

A sparkling "20" plastered on my screen. Napa-whoah ang mga nakakita. Pati sina Dante ay napunta sa gawi namin ang pansin dahil sa ingay ng mga kasama ko.

Currently, I have 38 points on my plarameter. Nadagdagan pa iyon ngayon ng 20 kaya 58 na sumatutal. How did I get that?

"Nice! Not bad for a rookie," komento ni Dante sabay lagay ng kaonting alak sa baso ko. "Shot 'yan!"

Napailing ako, nagtataka pa rin, bago iahon ang tingin mula sa plarameter.

"Paano ko naman nakuha ito? Wala na tayo sa... Damgeen?" kuryoso kong tanong.

In fact, nasa bakuran na kami ng malaking bahay nina Allen. Ito kasi ang pinakamalapit sa Damgeen na hindi na kailangan mag-commute. Convenient din dahil welcoming ang pamilya at maluwag ang lugar. Makulimlim at mahangin pa dahil maraming tanim na puno sa palibot. Presko.

Ang mga nakatayo mula sa kabilang table ay napabisita na rin dito dahil nandito si Dante at nauupo na, hindi tulad kanina na panay ang tayo dahil pasalit-salit sa mga table para i-entertain ang mga kaibigan.

"Hmm. Posibleng ma-delay ang pagdating ng merits, Darna. Lalo na kung sinuri muna ng mga nasa taas bago i-record sayo," aniya sabay tagay sa hawak na baso.

"Huh?"

"PLARA could be subjective, too. Lalo na sa Personality, Rendition, at Application."

My face aggravated in confusion. Napansin iyon ng iba pa naming kasama sa table kaya nagtawanan at nagbato ng samu't saring opinyon.

"Mahirap paniwalaan dahil komplikado. But that's how it works. Amazing, right?"

"Kaya kung delay ang points mo nang halos isang oras at hindi mo napapansin kung saan galing, it's time for you to think about it."

"It only falls down to those three categories. Pwedeng isa sa kanila o lahat din nang sabay-sabay."

Napanguso ako nang bahagya dahil litong-lito na. "Hindi ba makikita sa track record?"

"Hindi, e. Ayaw kasi nilang namimihasa at sinasadya ng estudyante na imbes natural na lumalabas, ginagawa na para lang sa merits."

"But that's okay. At the end of the year naman, makikita mo ang summary ng PLARA mo sa assessment, e."

Kahit papaano, medyo nakuha ko naman ang ibig nilang sabihin.

Nagpatuloy si Dante sa pakikipag-usap sa mga kaibigan, pasalin-salin pa rin sa mga table dahil bentang-benta sa mga bisita. Ganoon din ang apat pa. Maliban nga lang kay Ezra na seryosong nakikipag-usap sa iilang SOLMA tulad nila Melisma, Duckie, at Jace.

Napairap ako at kuha sa basong nilagyan ng alak ni Dante.

Seryoso ba siya? Pati ba naman dito dinadala pa rin ang trabaho? Workaholic spotted!

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon