Chapter 27

2.1K 108 92
                                    

Chapter 27

Bad Girl

Pagkatapos noon, ilang estudyante man ang humarang para punahin o 'di kaya naman ay i-commend ang ginawa ko, umalis na ako sa quad ilang sandali pa.

SoundCheque wasn't able to follow me when I ran away without looking back. At kung may naging reaksiyon man ang Triad sa ginawa ko, hindi ko na napagtuonan pa ng pansin.

I roamed my eyes around the area as I continued walking. Hindi pa naman nagtatagal pagkababa niya ng stage dahil sumunod na rin naman kami ni Bria kaya nagbabaka-sakali akong nasa paligid pa rin siya.

Ngunit wala akong Klavier na naabutan pagkalagpas sa mga tao. Kung may nakita o naramdaman man ako, iyon ay ang kilabot na nararamdaman ko tuwing parang may nakasunod o nakamasid sa akin.

I narrowed my eyes and surveyed the vicinity. My guts told me there's really someone. But when I checked, there's no one around except for the crowd not so far away from me.

My face furrowed. Napagdesisyonan ko na lang na isalpak ang earphones habang patungo sa Neverland.

Hindi naman ako nabigo. Nakahinga ako nang maluwag dahil tulad ng inaasahan, nandoon si Klavier. Pero hindi tulad ng madalas niyang puwesto, nakahilig ang likod nito sa lamesang nasa tapat ng pisara habang nakahalukipkip, animo'y inaasahan na ang pagsunod ko rito.

I removed my earphones as I closed the door behind me. Nirorolyo ko ang kable habang naglalakad patungo roon, ramdam na naman ang tampong kinikimkim ko sa halos isang linggong pagkawala niya.

Suminghap ako pagkalagay ng earphones sa bulsa at ginaya ang pagtiklop niya ng mga braso.

Nasa tapat na niya ako. Nanatili lang siyang ganoon, tanging ulo lang ang gumagalaw para sundan ako.

"Should I welcome you back with arms wide open?" I prattled.

I frowned when his face didn't even flinch an inch. Well, I don't know. Maybe some parts of it. Only covered with his freaking disguise. Nilamon pa lalo ako ng tinanim kong sama ng loob.

"You didn't even tell me anything about your sudden absence," ani ko, umuusbong na ang munting tampong kinikimkim ko. Kaya nang napuna iyon, tumikhim agad ako at umayos ng tayo. "Well, why should I c-care, right?"

I groaned inwardly when I stammered. Again, my attempt was futile. Lalo pa akong napasimangot at nagmukmok nang wala man lang siyang reaksiyon!

My nose flared up. "After you kissed me, you ghosted me?!"

That was my last resort which I regretted right away when he rose from his position.

"Then to complete the sequence, after I ghosted you, should I kiss you again?"

My jaw slacked. He stepped closer and lowered his mask; I almost tripped on my own feet when he advanced. Napakurap-kurap ako sabay hakbang paatras.

This guy. He's driving me nuts! Tinawa ko na lang nararamdaman at pilit na magmukhang matapang. I cleared my throat. Nagtaas pa ako ng kilay.

"If that means ghosting me the next, no, thanks."

His brows furrowed. But there was a ghost of a smile on his lips.

"Who says I'll do that? For the record, I didn't even ghost you, Michaela."

I grimaced. "Apparently, that's how I felt. I-I had no idea what the hell happened."

"May kailangan lang na asikasuhin. I won't ghost you," he said like it was an insult to his ego.

Parang bigla akong tinraydor ng sariling emosyon. Biglang hindi ko na nahagilap ang tinanim kong sama ng loob nitong mga nakaraang araw. At dahil lang sa simpleng paglambot ng boses?!

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon