Chapter 14

2K 97 79
                                    

Chapter 14

Dumb

Sa kakaasar sa lalaking kasama, nawala sa isip ko ang batas para sa sarili! Heck, I did the first move!

Hindi ako makapaniwalang nauna pa ako sa pagtawag ng pangalan niya. I was just startled, alright! What the heck is he doing here? The last time I checked, he's with his band! With Dante at the quad!

Bwiset. Nagulat ako roon, a?

"Singh," he called back plainly.

Napairap ako.

Look at this man. Ang dami kong sinambit na pamumuri tapos ni-last name basis lang ako?

Lalo ko pang tinago ang braso nang lingunin ulit ako. Dahil sa paggalaw kong iyon, dumapo ang mga mata nito sa sikretong halata namang alam na niya.

Tss. What's the point of hiding it? In the end, I just let my arms rest on each side. Umahon na rin naman agad ang tingin niya roon at saglit akong sinulyapan bago muling humarap sa kiosk.

"What made you visit here," ayos niya sa mga naroroon. "Change of heart?"

Lul. Asa!

Umirap ako. Wala pa man ay nananalatay na ang iritasyon.

"Just came for the pamphlet," I answered flatly.

"Which one?" kaswal niyang tanong na hindi ko inaasahan.

Slightly confused, I shifted from my weight and gazed at the rack he's sorting out, too. May ilan kasing napapahalo sa ibang kulay ng edition.

"The one from... I mean... T-The pamphlet being distributed on the first day," I stammered in hesitation.

Bigla rin akong nahiya nang tapunan niya ako ng mapanghusgang tingin, para bang mas pinagdudahan pa ang pagkatao ko. The hell with his skepticism!

His eyes narrowed. "I ensured that each rookie will receive one that day."

"Then maybe you slipped away."

At siya pa talaga ang sinisi ko.

I was anticipating for another row of his argument to testify it but there was none. Instead, he pulled his eyebrows into a crease before staring at the pamphlets, animo'y may tinatatak sa utak.

I rest my elbow on the counter to gawk at his haywire demeanor and caught his attention. Pailalim kong pinanuod ang pagkolekta niya ng mangilan-ngilang edition ng pamphlet na nilalapag niya sa counter.

"Since you're a rookie, you might need a bunch," he scoffed nonchalantly.

I rolled my eyes. Hindi na naman ako nag-apila pa at pinanuod na lang siyang pinagpapatong-patong ang halos tig-iisang pamphlet sa bawat edition!

"Ang dami!" protesta ko na nang nasobrahan na ata!

"Talaga," he said with finality before pushing the pile of papers to me.

Laglag ang panga kong tinitigan ang mga iyon at hindi makapaniwalang tinapunan siya ng tingin.

"Are you kidding me?" I hissed.

Ezra simpered. "Even once, did you ever catch me kidding around? I'm always serious, Miss Michaela Singh. Especially... under suspicious and shady circumstances."

Tinawanan ko iyon at humarap na rin nang tuluyan sa kanya.

"Dumadaldal ka talaga tuwing nanghuhusga, e, 'no? Daig mo pa ang jowang laging may maling akala."

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon