Chapter 26

2K 98 55
                                    

Chapter 26

Sabotage

I don't want to react like it's my first time to be kissed like that.

Sa katunayan, marami na akong karanasan dati na mas malala pa roon. I mean, that's just a smack for Pete's sake! Pero kung makaakto ako pagkauwi sa bahay, parang kada naaalala ay nahihimatay ako!

Why did he do that? Hindi ko pa siya ganoon kakilala pero nahalikan na ako!

At the back of my mind, a faint voice whispered. Ang iba sa night club na wala pang isang oras nakakausap, nauuwi na rin naman sa halikan, Mich! Nakapatong ka pa minsan!

"Ugh! This is terrible! Panindigan niya ako!" bato ko ng bag pagkarating sa kuwarto.

Kinagabihan, kakatapos lang ng dinner nang kumatok si Mommy. Medyo inaasahan ko na iyon dahil kakaiba ang tingin nila kanina sa akin ni Daddy, para bang may gustong itanong na hindi lang maisatinig sa hapag kanina.

Bumungad sa akin ang ngiti ni Mommy pagkabukas ko ng pinto. Tinanggap ko ang saglit nitong paghagkan sa akin bago niya ako hilahin paupo sa dulo ng kama.

"How's your day, hija?"

I reached for my small pillow and put it on my lap. "Ayos lang po, Mommy."

Iwas ko ng tingin dahil alam ko naman ang totoo. Maraming nangyaring inilihim ko lang sa kanila. Ayokong mag-alala ang mga ito sa akin. At siguro, may takot din na makarinig ulit ng konklusyon mula sa kanila tungkol sa... problema na meron ako.

Tulad ng nabanggit ni Klavier. Ayokong isipin na may posibilidad iyon. Sa isip ko, lahat naman siguro ng tao ay may yugto talaga sa buhay nila na tulad nito kaya...

Umiwas ako ng tingin dahil bumaba lalo ang tingin sa akin ni Mommy.

"Sa school mo? May nang-aaway pa rin ba sayo, anak?"

Bahagya akong napasimangot sa paraan ng tanong ni Mommy. Para akong batang paslit na kinakamusta sa drawing session namin sa school tapos nabalitaan na may umagaw ng crayons ko.

"Wala na naman po gaano. Medyo okay na naman," tikhim ko.

"Hindi ko alam kung bakit ganoon ang ugali ng mga kaeskuwela mo at tinatrato ka nang ganyan. Nakausap namin ang assistant ng principal noon dahil wala mismo ang principal. Nabalitaan namin ang nangyayari. Nakakapagtaka na hindi pala sila natanggap ng transfer kapag Grade 12 na kaya..."

Bumuntong-hininga ito. Hindi ko na nagawang makapagsalita at hinayaan lang si Mommy.

"Pagpasensiyahan mo na, Mich. For some reason, hindi refundable ang tuition at... sinubukan namin ng Daddy mo na kausapin pati ang President tungkol sa isyu na 'to pero..."

I looked up at Mom again and she seemed to struggle with words after that. This is the first time we seriously talk about this matter.

Nitong mga nakaraan kasi ay naging abala sila bigla. Hindi pa nakatulong na right after nilang makipanayam sa school, nasundan agad ng pagkawalan ko ng malay at sunod-sunod pang gulo.

Everytime I come home, I always pretend okay in front of them. But then, they were transparent with their problematic faces everytime they go home from work. Hindi nagtutugma ang mga oras at kondisyon namin kaya naman ngayon na lang ulit nagkausap nang ganito kalalim.

"Anyway, uhm... a-about your nightmares..." Mom broke the silence.

Ito na nga ba ang hinihintay ko. I expected this one approaching actually. And now that Mom brought it up at last, it still felt overwhelming and too much to bear.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon