Chapter 37

2.1K 112 46
                                    

Chapter 37

Punong Maestro

Nagsilbing day-off ang Lunes para sa amin. Tiniyak naman ng mga Maestro na lahat ng mga klaseng hindi namin napasukan ay exempted na ang mga EE.

So today is a normal day in the mansion. Or that's what I thought.

Sa totoo lang, medyo balisa ako dahil paparating na ang foundation week slash music festival slash Oct-Over. Ibig sabihin lang noon ay malapit na rin ang pinakaiiwasan kong segment na Umbratonic.

Fuck that Rave Jackson, his creepiness, and unpredictability. Because of his wickedness, I'm suffering a labyrinth of a damn! Ano bang ginawa ko sa kanya sa past life ko at ganito niya ako parusahan? May kasalanan ba ako sa kanya? May galit ba siya sa akin? Ah, damn it!

Kakatapos lang ng lunch namin. Wala sina Mom at Dad. Si Hilary, as usual nag-aaral, kunwari mabuting estudyante. Kanina pa yata ako babad sa laptop kaka-scroll at basa ng articles tungkol sa nangyari noong Sabado.

Napukaw ng concert ang atensiyon ng media at publiko. Ngayong araw lang din ay nakita kong may na-publish na write-up. Pinarangalan ang Damgeen High School Musical sa pagdo-donate ng concert revenue para sa isang advocacy organization.

Bukod pa roon, malaki rin ang perang binahagi mismo ng mga Madrigal kaya limpak-limpak na salapi ang naging tulong at suporta nito sa malaking proyektong itatayo sa taong ito.

But the phenomenon didn't end there. Aside from the support and financial aid Madrigals have shared to the people, the concert itself was enough headline to arouse public's attention and media traffic.

Usap-usapan ang kahusayan anila ng mga estudyante ng eskuwela. Maraming nag-viral na video dahil maging ang official hashtag ng concert ay nag-viral worldwide.

Kasama na roon ang Dulcet Chamber Orchestra na c-in-onduct ni Klavier, ang flashmob ng Kaharayan, at ang pagrereak ni Alessia Cara sa rendition ni Bridgette Madrigal sa kanyang kanta.

Hindi pahuhuli ang PRIMO. Isa sila sa mga bumuhay ng event. They acted as one of the star turns of the concert. Bali-balita sa online website ng Damgeen na marami na ang kumokontrata at nag-aalok ng interview sa mga ito para lang makapanayam sila.

However, it didn't seem like it's their first time to receive such attention like this. I've seen related articles about them and it's been like this for almost every year.

And I admit, that's something worth bragging for. Kaya naman pala mayayabang. Bukod sa VOTY sila, mukha pang pinag-aagawan na sila ng mga scouts at iba't ibang agency hindi pa man nakaka-graduate ng Damgeen.

Pero sana lang ay doon na nagtatapos iyon subalit hindi.

When I came across a shady article about the concert, I thought it was just like any ordinary editorial entry. I was actually about to exit the tab but when my eyes spotted a collage picture of Klavier, my hundred percent attention was alarmed.

The collage was composed of two different photos. Iyong nagko-conduct si Klavier ng orchestra at iyong kuha sa grand finale. Summing it all up, the article was all about the mystery behind this mysterious musician.

Mukhang napansin ng journalist ang paggamit nito ng mga tabing sa mukha sa buong programa kaya ginawan ng entry. The journalist speculated that Klavier's hiding his identity, stirring up confusions and curiosity amongst his readers and other netizens.

Dahil tuloy doon, hindi ko na napigilan pa ang sariling magpadala ng mensahe sa kanya.


Me:

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon