Chapter 10

36 2 0
                                    

George's POV

Naglalakad na kaming apat palabas ng gym, 1st runner up si kelly pero sobrang proud kami sa kanya, kasi hindi namin akalain na maglalakas loob siyang sumali sa ganito, oo madaldal to at kalog pero mahiyain to kapag madami ng kaharap na tao.

"so gurl, bakit mo naisipang sumali sa pageant?" tanong ni alex kay kelly.

"para sa grades tyaka sa premyo" sagot ni kelly. bakit niya kailangan sumali para sa premyo? eh ang pagkakatanda ko ang premyo ng mananalo ay 5,000.

"may premyo ba kahit runner up?" tanong ko, curious akes e.

"yes, may 3,000 pesos plus mga gifts mula sa sponsors" masayang saad nito at ipinakita samin ang tatlong libo na hawak niya.

"oh sa inyo nayang 1k, tutal nakakuha nako ng scholar kahapon" pagkasabing pagkasabi non ni kelly ay kinuha agad ni chloe at hinigit si alex papunta sa registrar, tss mga mukang scholar.

"oh bakit andito kapa? kunin mona din yung iyo" sabi ni kelly, pano ko siya maiiwan eh baka mamaya may mambastos dito, naka shorts kasi to ngayon at white shirt na fitted tss.

"kasi walang magbibitbit ng mga to" pag sisinungaling ko, at tinaas ang bag niya na dala ko. pero syempre dahil mukang pera din ako, hinila kona lang si kelly para kasama siya papunta sa registrar.

-

Kelly's POV

Nakakapagod na araw, nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nanonood ng divergent, napakaganda talaga nito e tapos ang sarap pa ni four ahe.

nasa kasagsagan ako ng panonood ng may narinig ako na kung ano sa may bintana ko, tumayo ako para silipin ito, baka mamaya si bakla lang pala eh.

😳

nagulat ako ng makita ko kung sino yung nambabato sa may bintana ko.

"drake?" pag tawag ko dito. bakit nandito to?

"Hi luis" sabay kaway nito. hindi nako nag aksaya ng oras at tumakbo nako pababa ng kwarto ko at pinuntahan siya sa labas,

"anong ginagawa mo dito? kailan kapa umuwi?" tanong ko dito.

"nung nakaraang araw lang, pumunta ako dito kanina sa inyo kaso lang sabi ni kuya nasa school kapa daw kaya naisip ko na gabi nalang kita pupuntahan" pag papaliwanag nito

"hindi mo ba ako namiss baby girl?" sabi nito at hindi nako nag pa bebe pa, agad ko siyang niyakap.

"grabe drake namiss kita!" hindi kona din mapigilang hindi maiyak.

si Drake Lark Henster lang naman yung First Boyfriend and last kasi hindi pako nakaka move on sa kanya since then, 4th year kami non nung maging mag on kami hanggang sa mag si-senior high na sana kami ng biglang sinundo siya ng mama niya dito sa pilipinas papunta sa korea, nung una ayaw sumama ni drake gawa ko, hindi niya daw kaya kapag hindi ako kasama, pero sinabi ko sa kanya na para naman yon sa future niya at kung babalik man siya tatanggapin ko siya ng buong puso.

Kasi wala kaming sama ng loob sa isa't isa, at sa loob ng isang taon naming mag on, pinaramdam niya sakin kung gaano niya ako kamahal, pakiramdam ko noon ako lang ang pinaka magandang babae na nakilala niya, kahit muka akong ewan noon, ni hindi ko lubos maisip na nagustuhan niya ako dahil kumpara sa mga umaaligid sa kanya eh pwet lang ako.

Kasi wala kaming sama ng loob sa isa't isa, at sa loob ng isang taon naming mag on, pinaramdam niya sakin kung gaano niya ako kamahal, pakiramdam ko noon ako lang ang pinaka magandang babae na nakilala niya, kahit muka akong ewan noon, ni hindi ko...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


siya kasi yung tipo ng lalaki na pagkakaguluhan ng kababaihan, Matangkad siya, Maputi siya at maganda ang mga ngiti niya na sinasamahan ng magaganda niyang mata, kinailangan lang namin maghiwalay para sa pag aaral niya, ayaw niya makipag hiwalay. pero ako hindi ko kaya na malayo siya, wala eh mga bata pa kasi kami noon, ayoko din maging sagabal sa pag aaral niya don.

"hey baby girl, stop crying

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"hey baby girl, stop crying. nandito nako okay? remember what i've told to you before i leave?" at pinupunasan niya ang mga luha ko na hindi nagpapapigil lumabas. oo tandang tanda ko yung sinabi niya nung araw na aalis siya.

--

"when i come back, we will continue our love story sweetie, and i can asure you baby , my love for you will never fade, lagi ka lang nandito" sabi ni blake habang nakayakap sakin, nasa may airport kami ngayon, aalis na siya at pupunta na sa korea kasama mama niya 😭 napakasakit syempre pero mahal ko siya kaya susuportahan ko.

"babalik ka ha?" sabi ko sa kanya, mahal na mahal ko kasi tong lalaking to eh.

"oo babalik ako para sayo, at pag balik ko I'll marry you" sabay halik niya sa noo ko.

--

"alin don?" sabay punas ng luha ko, baka kasi mamaya ang isagot ko eh yung sa kasal eh, hehe.

"that we will continue our love story, pero kung may minamahal kana na iba, hindi kona matutupad yon hehe?" sabi niya at parang natatawang mahina.

"gago ka talaga, blake simula umalis ka, hindi nako nag try mag mahal ulit, kasi alam ko na babalikan mo ko" hinawakan ko ang muka nito at hinalikan sa pisngi.

"what do you mean by that?" tanong nito.

"ikaw padin mahal ko, andito kapa din sa puso ko blake. hindi ka nawala dito" sabay turo ko sa dibdib ko, napaiyak naman ito at niyakap ako ng mahigpit.

"thank you kelly, i love you so much baby and i miss you so bad!" sabi niya at patuloy na naiyak habang nakayakap sakin.

napatingin ako kay george na nasa labas ng bahay nila, at nakakatuwa lang dahil naka thumbs up ito at kita ko na tuwang tuwa siya dahil nandito na yung taong inaantay ko.

hindi ko lubos maisip na hindi pala pag mamahal ang nararamdaman ko kay george noon, siguro nagustuhan ko lang na asarin siya noon kasi gumawa ako ng ibang paraan para makalimutan ko yung lungkot nung umalis si blake, si george yung nandyan nung mga panahong wasak na wasak ako, si george yung naging sandigan ko,

kaya si george yung lagi kong kinukulit kasi bakla siya, kasi alam kong hindi niya ako magugustuhan pabalik, pero netong mga nakalipas na linggo naramdaman ko na parang nakakaramdam na si george ng pagmamahal sakin, hindi ako bulag o manhid, sadyang hindi alam ni bakla yung nararamdaman niya kasi nga hindi pa siya nag kaka jowa.

"blake wait lang" kumawala ako sa pagkakayakap ni blake at pumayag ito. tumakbo ako papunta kay george at niyakap ito.

"george thankyou!" naiiyak kong sabi dito at niyakap niya din ako.

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon