Chapter 36

14 2 0
                                    

Kelly's POV

"para saan to kuya?" nagtatakang tanong ko kay kuya trevor, binigyan niya ako ng susi. Baka mamaya susi ng kotse to eh.

Inabot niya sakin ang isang itim na kahon, anong pakulo nito?

"bakit hindi mo nalang pinag sabay ibigay kuya!" naiirita kong saad, sabi ni kuya gusto niya lang daw macurious muna ako, baliw eh.

binuksan kona yung kahon na binigay ni kuya, tumambad sakin ang isa pang GRRRR!

"ANO TRIP MO KUYA!!!" sigaw ko dito, si kuya naman ay kalmado lang. Ang laman lang naman nung kahon ay isa pang SUSI!

"okay hindi talaga kita isasama" paalis na si kuya ng hinawakan ko ang braso nito.

"joke lang kuya, kalmado kaya ako, ito naman di mabiro" sinusundot sundot ko pa ang tagiliran niya dahilan para matawa ito, tinulak niya na ako papunta sa banyo at iniharap ako sa malaking salamin na nandito.

"kita mo ang pangit mo" pang aasar nito dahil kitang kita dito ang buong pigura namin, inirapan ko nalang ito at lumapit si kuya sa may salamin. May pinindot siya don kaya nagtaka ako kasi muka siyang timang, pindutin ba naman ang salamin ano inaasahan niya bubukas to? pero laking gulat ko ng bigla itong bumukas.

"baka pasukan ng langaw yan" sabay turo sa bibig ko. Sino ba naman hindi mamamangha? like wtf?!!! 22 yearsold na ako pero ngayon ko lang nalaman na may ganito sa bahay namin?

sinundan konalang si kuya nung pumasok siya sa loob, hindi pa din ako makapaniwala. Dati nakakapanood lang ako ng ganito, alam kaya nila nanay to? Ay nako pagkatanga mo naman kelly, malamang alam nila to.

huminto si kuya kaya napatigil din ako, sinilip ko bakit siya huminto at napagtanto ko na may pintuan dito.

"use your key" saad ni kuya, kahit gulong gulo ako sinunod ko naman siya. kung kanina papasukan ng langaw bibig ko, ngayon baka mahulog na panga ko.

"woah" manghang mangha ako sa nakikita ko, grabe napaka daming baril dito at iba pang mga kagamitan na pang laban.

Rifles, Shotguns ,Handguns, Pistol, Revolvers, Machine Guns.

yan lang ang alam ko sa mga baril na nandito samantalang may mga swords din pero napukaw ng atensyon ko ang isang knife, lumapit ako dito dahil may mga pangalan naman na nakalagay kung ano tawag sa weapon na iyon.

Dragon Claw Crescent Knife

hindi ko alam pero pakiramdam ko ito yung bagay sakin, mahilig ako makipag suntukan hindi ako mahilig sa long range

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


hindi ko alam pero pakiramdam ko ito yung bagay sakin, mahilig ako makipag suntukan hindi ako mahilig sa long range. kinuha ko ito at sinuot ang apat na daliri ko, napaka angas shet! may dalawang blade pa sa magkabilang side kaya lalo kong nagustuhan.

"nice choice" saad ni kuya trevor. Nandun naman siya natingin sa mga baril, first time ba ni kuya makapunta dito? pero parang hindi naman.

"kuya?"

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon