Chapter 20

22 2 0
                                    


Kelly's POV

"KELLLLYYYY!" malayo palang si alex pero tinatawag na agad ako nito, "NAMISS KA NAMIN BRUHA KA! KAILAN KABA KASI IIWAS SA GULO HA?!" sabi ni chloe at napangiti naman ako ng sermunan ako nito, niyakap nila akong dalawa nag iyakan kaming tatlo, at hinigpitan nila ang yakap sakin kaya naman napadaing ako.

"aray besh yung sugat ko" bigla naman nilang niluwagan ang pagkakayakap sakin,

"kamusta na pakiramdam mo? apat na araw ka ding absent ah" sabi ni alex, inexcuse naman ako ng mga prof namin dahil nalaman nila nangyari sakin, ang sabi nalang nila sakin ay malapit na finals kaya humiram nalang ako ng notes sa mga kaibigan ko.

uwian na namin ngayon at magkakasama kaming apat,

"kelly tara mag bar tayo ngayon! stressed out us mga sis!" sabi ni chloe at napangiti naman ako sa gusto nito,

"hindi pwede sumama si kelly, bawal sa kanya ang mapagod" ma awtoridad na sabi ni george kaya naman hinigit ako ng dalawa papalayo kay george at sunod sunod na tanong ang ginawa nila sakin.

"teka nga isa isa lang! nasakit ang braincells ko sa inyo kaloka!" sabi ko at hinilot ang sentido ko.

"ako kasi muna alex napaka epal mo! so ano na nga kelly? alam mo na ba na hindi bakla si george?" tanong ni chloe at mukang ako lang pala di nakakaalam na nagpapanggap lang si george dahil mukang alam ng dalawang to ang totoo.

"Oo sinabi sakin ni drake" sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanila bagkus nakatingin ako sa field, magkakatabi kasi kaming nakaupo ngayon dito sa may bato bato dito.

"ah, galit kaba sa kanya?" tanong ni alex.

"hindi" tipid kong sagot, hindi naman talaga ako galit sa kanya.

"mahal mo siya?" tanong ni chloe

"bet" sabi ko at kita kong nagtaka silang dalawa.

"hah?" sabay nilang sagot

"Betlog HAHAHAHAHAHAH" sakin lang ata havey eh, tatayo na sana yung dalawa ng bigla kong pinigilan.

"joke lang eh, oo mahal ko si george. Narealize ko yon nung grade 12 ako" pagkukwento ko at tumingin sa kanila kung gusto paba nila makinig, nakita ko ang mga itsura nila na parang mga timang kasi nakahawak pa ito sa mga pisngi nila na para bang nagkukwento ang lola nila "nung grade 11 ako ang gusto ko lang talaga asarin siya, pero nung nag grade 12 na kami , lagi ko siyang hinahanap. lalo na pag absent siya, tapos laking tuwa ko non nung malaman ko na lumipat sila ng bahay katapat ng bahay namin, kanila pala yon sadyang hindi sila tumira don nung bata pa siya" tumango tango naman sila alex "lagi ko siyang binibigyan ng luto ni mama, sabi nga ni mama tigil tigilan ko si george at baka mailang daw sakin ang mama niya at si george pero sa kabutihang palad ay nagustuhan ako ng mama ni george, lagi pa nga niya akong pinag bebake ng favorite kong cookies, hanggang sa nag college na kami, hindi naman sa gusto ko siya sundan, sadyang gusto ko lang din mag nursing" tumingin ako sa dalawa at nakikinig pa din sila "hanggang sa mag kaklase ulit kami at nakilala ko kayo, so ayon nga sa bawat araw na nadaan, lalo lang ako nahuhulog kay george, alam kong mali kasi bakla siya, dahil hindi ko pa naman alam noon yung totoo eh, pero netong isang buwan siguro yon, nakaramdam nako ng pagkahiya nung maramdaman ko na ayaw niya talaga sakin kasi sinabi niya na ayaw niya sakin at hindi kami talo, lagi niya namang sinasabi sakin yon pero nakaramdam ako ng pagod nung araw nayon, sakto may ginawa pa naman ako para sa kanya na photo album namin, inipon ko yon since g11 namin" at nakita ko ang lungkot sa mga mata nila, miski naman ako nalungkot din eh.

"simula nung malapit na ganapin yung week natin, umiwas nako sa kanya kahit mahirap, pero parang magkadikit na buhay namin kasi bukod sa kaibigan ko siya/natin eh kapitbahay kopa kaya naman lagi din kami nagkakakita, hanggang sa dumating na ex ko, masayang masaya ako nung makita ko si drake, pero habang magkayakap kami ni drake noon, si george ang naiisip ko. kaya nga nagpasalamat pako sa diyos dahil nangyari yung insidenteng yon dahil na kumpirma ko na hindi kona mahal si drake at alam ko naman na may gusto na din si drake sa fiancé niya, sadyang hindi pa lang alam ni drake"

nalungkot din ako nung mas pinili ni drake na protektahan yung nanakit sakin, pero okay lang sakin kasi alam ko na hindi ko na siya mahal, sadyang nalilito lang ako nung panahon nayon.

"kung tatanungin man ako kung mahal ko pa ba si george, oo mahal ko si george pero parang gusto ko muna magpahinga, kasi nasaktan ako nung maramdaman ko na ayaw niya sakin, gusto ko munang pahalagahan sarili ko, ayoko na maghabol, pagod nako maghabol at magpakatanga sa taong ayaw sakin" hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at lumandas na ito sa pisngi ko

"sino ba may sabing ayaw ko sayo?" napalingon ako at andon si george, tumingin ako sa dalawa at nag peace sign ang mga ito.

"kanina kapa ba dyan?" tanong ko

"oo, nakikinig ako sa kwento mo, kaibigan mo din ako kelly" sabi nito at umupo sa tabi ko.

"kelly, sorry kung pinagtatabuyan kita noon, ayoko lang kasi ma aattach sayo, ayokong mahulog" sabi nito habang nakatingin sakin.

"sasaluhin naman kita" sabat ko dito

"ayieeeeeee hahahahaha" pang aasar ng dalawa at namula si george, pinag susundot naman ni ang tagiliran ni george hahaha, mga baliw.

"kelly, please give me a chance" sabi nya at hinawakan ang kamay ko "please love me again" sabi nito at tuluyan ng nagtutumalon ang dalawa lukaret na andito habang nagtitilian.

"oh kayo na kaya dito, mas kinikilig pa kayo eh" sabay abot ko ng kamay ni george sa kanila, nagtawanan naman ang mga ito.

"so?" saad ni george.

"anong so? soso?" at napakamot naman ito sa ulo niya

"pag iisipan ko muna george" at nalungkot ang muka nito at tumayo nako at umupo ulit,

"napagisipan kona, payag nako" sabi ko

"hala kelly nag isip kana sa lagay nayon? magpakipot ka naman gurl" pagbibiro ni chloe at tinakpan ni george ang bibig nito

"wag kana nga magulo, baka mag bago pa isip niyan eh" at nagtawanan kaming apat, napakasarap sa pakiramdam dahil wala ng habulan na mangyayari.

"george basta pag iisipan ko pa okay?" seryosong sabi ko dito, oo mahal ko siya pero gusto ko muna mahalin sarili ko.

"i'll respect your decision sweetie" at niyakap ako ni george ng mahigpit.

"aray ha, yung dede kopo naiipit mo" sabi ko at bigla akong tinulak ni george at nasalo ako ng nila alex hindi naman ganon kalakas, at kitang kita sa muka ni george ang gulat at pamumula.

"HAHAHAHAHAAHAHHAHAAHH" tawa naming tatlo

"hoy george bakit ka namumula? ahahhahaha" tawang tawa na sabi ni alex

"hehe, ano wala ahhaha" at nakitawa nadin si george, napakasaya lang pag ganito.

"kelly?" napatingin kami sa lalaking tumawag sakin,

"Zeus?" sabay naming tawag ni george

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon