Chapter 30

11 2 0
                                    

Kelly's POV

"pero bakit nung nakita namin kayo sa mall, napaka clingy mo?" tanong ni alex kay sophia, nandito kami ngayon sa tabing dagat, gabi na ngayon kaya naisipan naming lima na mag bonfire, may dala din kaming mga marshmallow at hotdog.

"it was my plan, to make her jealous" at itinuro ako ni sophia, paloko ko itong inirapan.

"sorry kung tinapunan kita ng popcorn ha?" saad ni alex na ikinagulat namin ni chloe.

"you what?!!!" sabi ko, aba nagulat ako eh.

"kasi naman si sophia sabi niya kay george mag make love sila! syempre bilang kaibigan mo ayoko ng ganon!" natunaw naman ang puso ko don at natawa, sobrang swerte ko sa kaibigan ko.

"payakap nga kainis ka!" tutal magkakalapit lang kami eh niyakap ko si alex dahil iniisip nila lagi ako, yumakap na din si chloe at nagtatawanan kaming tatlo, dahil sinasabi ni alex na hindi na siya makahinga pero hindi padin kami nakalas ni chloe.

"pwede ba maki join?" sabi ni sophia at hinigit na siya ni chloe at nakayakap na din siya samin.

"ako ba pwede?" sabi ni george at akmang yayakap na samin ng hinawakan ko ang muka nito papalayo samin.

"gay is not allowed" pang aasar na saad ko dito at nagiba timpla ng muka nito.

"gay huh?" kumalas na kami sa pagkakayakap at binalingan ng tingin si george, seryoso kasi itong nakatingin sakin.

"oy george gay ka daw oh?" pang aasar ni sophia, lalo naman ako kinabahan sa mga titig niya, dati nga bakla tawag ko sa kanya eh, anong big deal don?

"whatever" saad ni george kaya nakahinga ako ng maluwag, akala ko mapapano nako eh.

nag decide na kami pumasok na sa mansyon, para makapag pahinga, si sophia at george ay sa kwarto na din namin matutulog, pina ayos na ni chloe na maglagay ng limang kama dito sa iisang kwarto, wala naman issue samin si george.

tulog na silang lahat at ako naman eto hindi makatulog ng ayos, dahan dahan akong bumangon at hindi gumawa ng ingay para hindi sila magising, lumabas ako ng mansyon at pumunta sa may tabi ng dagat.

napaka peaceful, kitang kita ko mula dito ang buwan at ang mga bituin, namimiss kona sila nanay at tatay, sa huling sandali hindi manlang namin sila nakita, ni hindi namin nakita ni kuya trevor ang mga katawan nito, hindi nadaw matagpuan ng mga pulis dahil naaksidente ang bus na sinasakyan nila at nahulog sa bangin.

"hey" tumingin ako kung sino nagsabi non.

"george" sabi ko at tumingin ulit sa langit.

"bakit hindi kapa natutulog?" sabi ni george at tumabi sakin, nakaupo kami sa may buhangin.

"naiisip ko lang sila nanay at tatay" saad ko dito, alam niya din ang nangyari kayla nanay.

"masaya na sila kung nasan na sila ngayon" sabi ni george at napasinghap ako.

"nalulungkot ako kasi hindi manlang namin nakita katawan ng magulang namin,hindi manlang namin nasilayan kahit sa huling araw nila, ni hindi manlang namin nabigyan ng hustisya pagkamatay nila" pagkukwento ko kay george at tuluyan nakong umiyak, basta usapang pamilya mahina ako.

inakbayan nalang ako ni george at inihiga ang ulo ko sa dibdib niya.

"alam mo may mga bagay na mahirap tanggapin" tumango lang ako dito hudyat na nakikinig ako sa sinasabi niya. "pero may mga bagay din na kailangan nating i accept at mag move on" pagpapatuloy niya.

"p-pano kung buhay pa sila?" sabi ko, kasi simula nung namatay sila nanay, nagtataka padin ako bakit walang katawan nila na ipinakita samin, walang pruweba na sila yon.

"pero bakit hindi sila umuwi kung buhay pa sila? bakit hindi sila nagpaparamdam sa loob ng limang buwan?" natauhan naman ako sa sinabi ni george, hindi nga naman magagawa nila nanay at tatay yon kung buhay sila, uuwi at uuwi sila dahil mahal na mahal nila kami ni kuya trevor.

"kelly tara na? baka lamigin kana dito, wala akong dalang jacket eh" sabay kamot nito sa ulo niya.

"george thank you" sabi ko dito at tuluyan ng pumasok sa mansyon.

--

George's POV

ang tagal naman nilang mag gayak, nandito nako sa may dagat, inaantay sila dahil napag usapan namin na mag swimming kami, pero kanina pa sila nasa loob ng bahay.

nakasuot ako ng white shirt at shorts na hanggang hita ko, naka tsinelas lang din ako.

natanaw kona sila alex, chloe at sophia na nakasuot ng mga pang swimming nila, wala naman ako masasabi sa katawan nila dahil hindi naman ako nag nanasa sa kanila at hindi ako interesado, napatingin ako sa babaeng naka suot ng two piece na color yellow.

"cous, laway mo tumutulo" sabi ni sophy at nagtawanan silang tatlo, papalapit na sakin si kelly.

"ano gandang ganda ka nanaman sakin?" sabi ni kelly, tss kahit kailan talaga.

"tss" saad ko at nauna ng lumangoy sa may dagat, napaka init, napaka sexy napaka sarap--- ng view dito, gawa ng dagat napakalinaw, utak ko nadumi.

laking pasalamat ko na walang tao dito bukod samin, kundi baka mapatay ko sila pag tinitigan nila ang kelly ko tss, bakit ba kasi ganon suot niya! damn it napaka sexy niya, halata ko naman na yon dati, pero ngayon kitang kita ko ang kurba sa mga baywang niya, ang hinaharap nito shit! ano ba sinasabi ko.

nagsimula na din silang lumangoy papunta kung nasan ako, may dala silang salbabida, parang mga bata.

masaya akong makita sila na nag eenjoy, ako ay nakabantay lang sa kanilang apat syempre bilang lalaki ako ang may cargo sa kanila i will protect this 4 brats.

napatingin ako sa gawi ng lalaking papunta sa gawi namin, anong ginagawa niya dito? tumingin ako kay chloe na para bang nagtatanong ako kung inimbita niya ba to at nagkibit balikat lang ito,

"drake?" sabi ko at napatingin na din sila kelly kay drake na papalapit samin, at may isa pang rebulto na peste ang paparating ano bang meron? bakit nandito sila!

umahon na sila kelly at yung tatlo sa dagat at lumapit sa gawi namin, nakatingin naman si drake at matt kay kelly, oo nandito si matt.

"anong ginagawa niyo dito?" takang tanong ni kelly sa kanila.

tumingin kaming lahat kay alex except sa dalawang peste,

"what? i didn't invite them!" saad nito kaya naman napabalik tingin namin kayla drake.

"don't worry guys we're not here to harm you, gusto lang namin maki join, nakita ko kasi post ni kelly sa insta at napag alaman ko na nandito kayo, sumama naman tong si drake tsk" inis na saad ni matt.

"hindi kayo welcome dito" mataray na saad ni chloe, sa kanyang resthouse to eh.

"o-okay, aalis na din kami" sabi ni drake at agad naman nag salita si kelly.

"ah wait, let them stay chloe" sabi ni kelly kaya nabaling naman tingin namin sa kanya.

"tutal last night na natin to diba?" pagpapatuloy nito.

"sure kaba diyan kels?" nag aalalang tanong ni alex,

"oo naman, tara na kakain na tayo" at naglakad na silang apat na babae papasok sa mansyon, kitang kita ko na naglalaway na tong dalawang to sa katawan ni kelly tsk!

"anong sadya niyo?" tanong ko kay drake.

"gusto ko lang sana kausapin si kelly" sagot ni drake, dahil simula nung insedenteng naganap nung gabing yon e hindi na kami nagkausap tatlo, binaling ko tingin ko kay matt.

"at ikaw?" saad ko

"gusto ko siyang ma pa sakin" at sinamaan ko siya ng tingin "i mean gusto ko din siyang kausapin" at naglakad na din kami patungo sa mansyon.

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon