Chapter 34

11 2 1
                                    

Kelly's POV

Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya, yung suot niya napaka simple lang, puting pantaas at naka shorts pero bakit ang gwapo niya tignan? siguro kakagising ko lang kasi, napatigil ako sa pag iisip ng biglang pinatugtog niya na ang gitarang hawak niya.

Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit

akala ko hindi ko mararanasan ang ganitong klase ng panliligaw, yung tinatawag na Harana.

Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa

Umuwi ka na baby

nag pa flash back sa utak ko yung mga panahon na lagi kaming mag kasabay ni george tuwing uwian, ako lang naman nag pupumilit na sabayan siya eh.

Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa

napaka ganda ng boses niya, nakapangalumbaba lang ako dito sa may bintana ko habang nakatitig sa kanya

At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli

hindi ko lubos maisip na yung dating crush ko, eto na ngayon nililigawan ako.

Sa buhay kong puno ng paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha

At naglalagay ng ngiti sa mga labi

nagulat ako nung makita ko ang kuya ko na lumabas mula sa bahay namin at tumingin sa gawi ko at ngumiti ito ng pag kalapad lapad, kailan pa siya nakauwi? dali dali akong bumaba at ngayon kaharap kona si kuya at george.

'Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba

naging malungkot ang mga mata ni george nung kinanta niya yung part nayon, pakiramdam ko bawat lyrcis eh para sakin talaga.

Nakakabalisa, knock on wood
'Wag naman sana

Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

dati ako yung naghahanap sayo george, pero ngayon nabaliktad na. napangiti ako, napapa sway nalang ako sa bawat kanta niya.

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli

hindi mo na kailangan mag antay george, matagal na kitang mahal, ikaw lang naman tong pabebe eh.

Sa buhay kong puno ng paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha

nakita ko na din si tita sa may pintuan nila na may malapad na ngiti, gaya kay kuya.

At naglalagay ng ngiti sa mga labi

Gusto kong maluha, napakasarap sa pakiramdam kapag ganito yung manliligaw mo, yung hindi ka idadaan sa mga materyal na bagay, yung maka luma ba.

Umuwi ka na baby...
Umuwi ka na baby...
Umuwi ka na baby...

Umuwi ka na baby...
Umuwi ka na baby...
Umuwi ka na baby...

"ikaw lang gusto mahalin nito, ayaw niya sa iba" daretsyong saad ni george, na ngayon ay nasa harapan kona, hinawakan niya ang mag kabila kong kamay at inilagay ito sa may dibdib niya.

napangiti naman ako, gusto kong maluha at matawa sa itsyura ng kapatid ko, para naman akong kinakasal nito eh, kung makaiyak siya.

"Kelly Luis Thompson, will you be my girlfriend?" gusto ko tumalon sa kinatatayuan ko, pero kinalma ko ang sarili ko, puso ko lang ang di kayang kumalma.

"ako to" saad ko kay george, naguluhan ito sa sinagot ko, samantalang ako gusto kona matawa.

"ha" takang tanong nito, miski si kuya ay nagtataka.

"si natoy, na mahal na mahal ka" pag kabanggit ko non, halos gumulong na kapatid ko sa damuhan sa sobrang pag tawa, ako naman ay tawang tawa din hindi gaya ni george na hindi nagets ang sinabi ko,  uso yon sa facebook ngayon kaya naisipan ko lang gayahin kaso slow ata si george, nung makita ko na gulong gulo na ito sa reaksyon naming magkapatid ay lumapit na ulit ako dito.

"i mean yes, ikaw lang nasgjsmsjmsjyeb" hindi na ako makaimik ng ayos dahil niyakap agad ako ni george ng pagkahigpit higpit, buti nalang nasa likudan niya yung gitara.

"d-di a-ko mak-kahinga gago!" saad ko dito kaya naman agad niya akong binitawan, kitang kita ko sa mga mata nito ang lubos na pag kasaya.

"pwedeng joke?" pang aasar ko dito, biglang nag bago ang mood nito at napalitan ng pag kaasar, haha gustong gusto ko talaga pag naaasar siya.

"just kidding" at yumakap ulit ako dito.

"para kang sira" hinarap niya ako sa kanya at ngiting ngiti nanaman ang gago.

nilapit niya ang muka niya sa muka ko, malapit na mag dikit ang mga labi namin ...

"ehem, ehem" napatingin kami kay kuya trevor, naandito pa pala to. epal talaga.

"ay sorry kuya" paghingi ng pasensya ni george, pumunta muna siya sa bahay nila at niyakap ang kanyang ina kita ko na tuwang tuwa silang dalawa. I love this man, so bad.

"hoy luis" pagtawag sakin ni kuya at tumingin ako dito.

"o ano yon trevor?" pang gagaya ko dito, nakita ko na kumunot ang noo nito.

"joke, ano yon kuya?" napangiti naman ito agad.

"masaya ako para sayo bunso" nakita ko na naluluha na naman ang kuya ko.

"asus nag drama nanaman ang kuya ko" lumapit ako dito at niyakap ito

"kuya malaki nako, pwede ka naman ng mag asawa ih" sabi ko dito, niyakap niya rin ako.

"mas gusto kong unahin ka kaysa ibang babae bunso, gusto ko munang hanapin ang hustisya sa pagkamatay nila nanay, pag nahanap kona tyaka ako mag aasawa" dare daretsyong saad nito.

"hustisya?" nagulat si kuya nung tinanong ko iyon.

"ipapaliwanag ko sayo ang tungkol dyan kelly, pero wag ngayon okay?" kahit gulong gulo ako, sumang ayon nalang ako kay kuya.

kaya ba busy siya lagi dahil sa naghahanap siya ng hustisya? bakit hindi ko alam? ano ba talagang nangyari kela nanay?

"love? okay kalang?" napatingin naman ako sa tumawag sakin ng LOVE.

"love pala ha?" nakaisip na agad siya ng endearment namin, napaka landi talaga pero bet ko hahaha.

"ewan sayo, tara na nga may hinanda si mama na pagkain para sayo, kuya trevor tara kakain sa bahay" saad nito at tinawag niya din si kuya, napangiti naman ako.

hindi lang ako ang pinapahalagahan niya, pati kapatid ko at nanay niya.

pero nasagi pa rin sa isip ko kung ano nga ba talaga nangyare kela nanay, sinadya ba yon? o aksidente? gulong gulo nako.

Malaman ko lang na sadya ang nangyari sa magulang ko, humanda sila. Hindi ako mag dadalawang isip na,

Pumatay

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon