Someone's POV"master, tumawag sa akin si trevor. Papunta na daw sila" sabi ni ruiz sa kabilang linya.
"okay, ipahanda ang mga tauhan. Keep updating me ruiz" pinatay kona ang call at ininom ang wine na nasa harapan ko.
ito na ang oras para sa katotohanan
--
Kelly's POV
"kuya tama ba na sundan sila?" tanong ko dito, hindi ako sinagot ni kuya kaya napairap nalang ako dito.
tumigil ang sasakyan nila sa isang ice cream shop, hah? ililibre ba nila kami ng ice cream? myghad hindi nila kami masusuhulan ng ice cream.
"Seryoso?" saad ni kuya, bumaba na din kami at sinundan yung mga men in black.
"good day maa/sir!" masiglang bati nung babaeng may headband na ice cream. Eh?
"this way" saad ni ruiz, yun kasi sabi ni kuya.
Unti lang ang customer sa shop na ito, hindi ba sila naluluge? o sadyang maagap pa. Dare-daretsyo lang sa paglalakad yung mga tauhan ni ruiz, ako naman ay namamangha sa shop na ito, puro Double dutch ang flavor pero may cookies and cream din, pero parang main nila ay double dutch wuuu!! bet ko to. Huminto si kuya kaya napahinto din ako.
"aray, nasa likod mo kaya ako" nauntog kasi ako sa pader nyang likod.
pinindot ni ruiz yung isang ice cream na logo na nakadikit sa pader, agad naman itong bumukas at pumasok sila. Woah? may ganyan din sa amin ah? uso na ba yung may pa secret wall?
pumasok na kami, ewan ko ba bakit kami nasunod. napaka lawak ng loob nito, hindi mo aakalain na may ganito sa loob ng Ice cream shop na ito. Iba't ibang weapon ang nakasabit dito. napatigil lang ako nung may nakita akong weapon na kagaya sa knife na napili ko, hahawakan ko na sana ito pero biglang hinawakan nung kalbo yung kamay ko.
"Miss wag mong susubukan, ma-aari kang makuryente pag hinawakan mo yan" saad niya, pinaliwanag niya na may kuryenteng nadaloy dito, tila ba chinacharge ito. Yun ang pagkakaintindi ko. Dinala nila kami sa isang office, sure bang office to? parang bentahan ng baril eh, ang daming nakasabit na iba't ibang baril, nakakamangha.
"Master andito na po sila" pinaikot nung MASTER na tinatawag nila yung inuupuan niya, humarap ito sa amin. Halos hindi na ako maka galaw sa kinatatayuan ko, kita ko din sa gilid ko na ganon din si kuya.
"Tay?" saad ni kuya.
"mga anak ko" sambit ni tatay, hindi nag si sink in sa utak ko ang nangyayari.
"kuya paki batukan nga ako" pakisuyo ko sa kapatid ko, agad naman niya akong binatukan kaya napatingin ako sa taong nasa harap namin. totoo nga, buhay si tatay.
"TAY!!!" sigaw ko at niyakap siya. si kuya din ay yumakap. nag-iiyakan kaming dalawa ni kuya, si tatay naman nakayakap pa din sa amin.
"tay? nasan si nanay? bakit hindi ka umuwi? tay akala namin patay na kayo huhu! ano bang trip niyo ha!" naiiyak kong sambit dito, humarap ito sa amin at kita mo sa mga mata niya ang saya.
"anak kailangan naming gawin yon ni nanay niyo para mailigtas kayo at ang kompanya, si nanay niyo ay nasa kabilang kwarto" tumango tango naman si kuya trevor, samantalang ako wala akong naiintindihan. Kompanya? mailigtas kami?
"hon luto na ang pag---"
"NAYYY!!!" sabay ulit naming saad ni kuya at gulat na gulat si nanay ng makita niya kami kaya tumakbo na din siya papalapit sa amin at niyakap niya kami ni kuya.
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...