guys may changes lang po ha? si kelly nalang po ang may POV 😬 para focus. Haha salamat sa APAT na nagbabasa ng storya ko 💞 well appreciated.
**
Nakatitig lang ako sa mga pagkain na nakahain ngayon sa harapan ko. Napaka-dami at mukang masasarap.
"amen" saad ni tatay, nanay at kuya. nagdadasal muna kami bago kumain ang problema lang hindi ako nakasabay sa pagdadasal nila dahil natatakam na ako sa mga pagkain na nandito.
"kain na tay---" hindi kona pinansin si nanay at sumandok ng bawat putahe, pinaglalagay ko ito sa plato ko. Kagaya nalang pag may Fiesta? nag simula na akong kumain, hawak ko sa kabilang kamay ko yung hita ng manok, samantalang sa kabilang kamay ko naman ay nilalantakan ko ang caldereta. Hmmm the best! bye instant noodles.
"anak hinay hinay lang, ano kaba kelly kababaing tao mo napakatakaw mo naman ata" pag-saway sa akin ni nanay, umayos na ako sa pagkakaupo ko at inayos ang pagkain ko.
"Ngayon ka lang ba nakakain ng ganyan anak, maghinay-hinay ka madami yan okay?" natatawang saad ni tatay. Napatingin naman ako dito dahil totoo naman na ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito. :/ lagi kayang noodles. Chilimansi, calamansi, sweet&spicy tssk.
"ngayon nga lang po" pag sagot ko at kinain ko muli ang manok, napakasarap.
"anong? trevor, hindi mo ba pinapakain kapatid mo?!" inis na tanong ni tatay kay kuya. bahala sila, kakain ako. Namiss ko luto ni nanay.
"tay hindi ko siya maipagluluto, lagi po akong nasa trabaho. Inaasikaso ko po yung naiwan niyong negosyo" pangagatwiran ni kuya, tumingin ito si kuya sakin nginuso niya sila tatay kaya nagets ko naman na need niya ng pag sang-ayon ko. you need help pala ha.
"Nako opo tatay, si kuya po lagi siyang nag tatrabaho para sakin" tumingin ako kay kuya at ngiting-ngiti ito kayla nanay, kulang nalang ay tumayo ito at hampasin ang kanyang dibdib. Yung parang proud na proud ba? yung kagaya sa gorilla? HAHAHAH "sa katunayan nga po lagi niya akong binibili ng mga stock ko, iba't ibang flavor pa nga po eh. puro pancit canton po tapos minsan po ay sosyalin din ang binibili niya kagaya po ng cup noodles kaya po masyado akong natatakam sa mga nakahain ngayon" nawala ang ngiti ni kuya at pinandidilatan ako, natawa ako sa reaksyon ng kapatid ko. Haha ano ka ngayon kuya. "ay alam niyo din ba tay/nay si kuya lagi niya po akong binibigyan ng allowance, tapos po tinitipid ko yung allowance ko kasi akala ko walang pera si kuya, na-aawa pa nga po ako sa kapatid ko kaya minsan yung naiipon ko pinangbibili ko ng stock ko" napakalapad ng ngiti ko ngayon, si kuya naman ay hindi malaman kung anong ire-react sa sinabi ko. pagpuri yon sa sarili ko kuya.
"trevor totoo ba yon? laging noodles ang kinakain ng kapatid mo?" mahinahon na tanong ni tatay kay kuya.
"o-opo tay kasi nga po lag--" pinutol agad ni tatay ang sasabihin ni kuya, itinaas kasi ni tatay kamay niya.
"alam ko anak, alam ko na nagta-trabaho ka para mapangalagaan kumpanya natin, pero anak dapat alagaan mo din kalusugan ng kapatid mo, paano kung habang buhay yun nalang kainin niya? hindi malabo na magkasakit siya pag nagkataon" tumingin ako kay kuya, nakayuko lang ito. Nakukunsensya naman ako, babawiin ko na sinabi ko kela tatay, pabiro lang naman yon eh.
"Tay wala pong kasalanan si kuy---"
"at ikaw naman kelly, dapat matuto kang magluto hindi yung iaasa mo sa instant noodles kakainin mo, kahit prito man lang. Paano kung mag ka asawa ka? asawa mo paglulutuin mo?" panenermon sakin ni tatay, hala nadamay pa ako. napanguso nalang ako, kaya naman ni george magluto ah? tss. si kuya ay nakatingin sakin at alam kong pinipigilan niya lang na hindi matawa.
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...