Kelly's POV
1 week later
"luis!!!!" narinig kong sigaw na nagmumula sa baba, agad akong tumakbo kung nasan si kuya.
"kuya bakit ka nasigaw?! ano nangyare!?" natataranta kong saad kay kuya. si kuya naman ay nakapamewang lang, nandito kami sa kusina.
"sinong kumain nung dalawang galon ng ice cream dito kelly luis?" habang sinasabi yon ni kuya unti unti akong nalakad pa atras, at tumakbo, nasa may hagdan palang ako ng hawakan ni kuya ang damit ko.
"saan ka pupunta, makulit na babaita?" taas kilay nitong tanong sakin, hawak hawak niya padin ang damit ko, para akong bata na nagnakaw tapos hinuli ng may ari.
"kuya wala naman ako alam kung sinong kumain nung sinasabi mo eh! nakakain ba yon? " pag mamaang maangan kong sagot.
"kelly tayong dalawa mag kasama sa bahay, hindi naman ako nag dadamot diba? ang akin lang tirhan moko, hindi lang ikaw may favorite non!" parang bata na saad ni kuya, wala akong nagawa kundi napatawa nalang at nag peace sign.
"kelly? kuya?" napatingin kami sa taong kakapasok lang sa bahay namin.
"oh george" saad ni kuya at hila hila ako sa may damit ko, yung kwelyuhan ko ba. mukang nagtataka si george kung bakit hawak ako ni kuya.
"kuya trevor bakit hawak mo si kelly sa damit?" tanong ni george, tumingin naman si kuya trevor sakin.
"ah eto? inubos kasi yung DALAWANG GALON na ice cream, at hindi manlang ako tinirhan" pag kasabi ni kuya non ay kinutusan ako, natawa naman ako sa inaasta ng kuya ko, si george naman ay mukang naaawa sakin.
"bakit ka napapunta dito love?" bigla naman napangiti si george at si kuya naman ay mukang nasusuka.
"tara na nga dun tayo sa labas, may epal dito eh" hinigit ko si george papunta sa may bakuran namin.
"ah kelly saan mo gusto mag bakasyon?" saad ni george.
"hmm, gusto ko lang dito sa bahay eh. Ikaw ba mag babakasyon ba kayo ni tita?" tanong ko dito, nakaupo na kami ngayon sa may mini garden namin.
"gusto ni mama pumunta sa kamag anak namin dun sa cebu sabi niya baka gusto mo daw sumama" sabi niya at mukang nahihiya pa ang mokong.
"haha, hindi ako makakasama eh. Ayoko umalis ng bahay, sensya na love kayo nalang ni tita ha?" ayoko kasi mag gugumala ngayon, masyadong madaming isipin.
"sure kaba love? gusto ko sana ipakilala ka sa mga kamag anak ko don" bigla naman lumungkot ang muka nito.
"makikilala ko din naman sila soon, may mga dapat pa akong asikasuhin sa ngayon. I-update mo nalang ako basta ha?" tumango naman ito.
umuwi na si george tapos ng usapan naming yon, simula nung naging jowa ko si george, lagi siyang pumupunta dito sa bahay, napaka clingy niya pero minsan hindi siya makalandi kasi si kuya napaka epal.
"bunso" napalingon ako nung tinawag ako ni kuya.
"mukang alam ko na kung sino.." nakaramdam ako ng galit, naikuyom ko ang mga kamao ko.
"pero hindi ko padin sasabihin sayo kung malaman ko man" bigla naman ako naasar sa inasta ng kapatid ko.
"kuya naman!" bulyaw ko dito, tinaasan lang ako nito ng kilay.
"as long as hindi mo alam paano icontrol sarili mo, hindi kita isasama kelly" para akong batang pinagbabawalan ng kuya.
"okay fine, kakalma ako" sabi ko dito.
"ayoko lang mapahamak ka bunso" malungkot na saad ni kuya, alam ko namang nag aalala siya sakin eh, kasalanan ko din naman, hindi ako maalam mag timpi.
"sorry kuya, a-ayoko lang palagpasin g-ginawa n-nila kayla nanay" tuluyan na akong naiyak, umaasa ako hanggang ngayon na baka buhay pa sila.
"bunso wag kana umiyak kasi.."
"kasi ano kuya?" tuloy padin ako sa pag-iyak.
"kasi ang pangit mo pag naiyak ka, muka kang tubol" pang aasar nito sakin, natawa nalang din ako sa kapatid ko. Kapag alam niyang malungkot nako, asahan ko na magbibiro na to para mapatawa ako.
"i'll make sure they will pay for this" seryosong sabi ni kuya habang nakahawak sa baril niya, nakakatakot makita si kuya pag ganitong sitwasyon
"hindi ko sila hahayaang mabuhay" at lumapit ito sakin, May inilagay ito sa kamay ko.
isang susi.
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...