Third Person POV
"anong oras kaya sila gigising?" saad ni alex na kasalukuyang nakatingin sa dalawang tao na magkayapos habang mahimbing na natutulog.
"hayaan nalang natin sila" sabi naman ni sophia. Sumang-ayon naman sila alex at chloe, nagtungo na sila sa baba para kumain.
"hi ladies" sabi ni matt habang pababa sa hagdanan kasabay nito si drake.
"nasan si kelly?" tanong ni drake sa mga binibini.
"tulog pa" tipid na saad ni chloe.
"si george?" tanong ulit ni drake.
"tulog pa" sagod ni sophia, napa tango nalang si drake at dumaretsyo na din sa hapag kainan.
"fix your things, uuwi na tayo mamaya" sabi ni chloe at nagtanguhan naman silang lahat.
sa kabilang banda, naalipungatan si george dahilan para mapamulat ito, gulat na gulat ito ng makita kung sino ang katabi niya.
"k-kelly?" mahinang sambit ni george, naalala niya kagabi na may unan na nakaharang sa higaan niya, akala niya ay unan ito, yun pala si kelly. napasapo nalang ito sa noo niya pero nakaramdam din siya ng kilig.
pinagmasdan lang ni george ang muka ni kelly, natawa ito ng nakabuka ang bibig nito,
"kulang nalang pasukan ng langaw" napangiti naman si george, kahit ganito ang itsyura ni kelly, para kay george napakaganda pa din ng dalaga.
biglang gumalaw si kelly at yumakap ng mahigpit, halos maubusan na ng hininga si george dahil sa kilig na nararamdaman niya.
nagmulat si kelly at nakita niyang nakatingin si george sa kanya.
"aahhh!!!" sigaw ni kelly at sa kasamaang palad nag kalabog ito sa sahig dahil sa sobrang gulat.
--
Kelly's POV
"anong ginagawa mo sa higaan ko!" sigaw ko kay george.
"hala, higaan ko to! anong malay ko..." napatingin si george sa kama na hinihigaan niya dahil pinandilatan ko ito at inginuso na tignan yung higaan "na higaan mo nga hehe" sabay kamot nito sa ulo.
"kaya pala ang tigas tigas ng kayakap ko, akala ko naman matigas yung unan" nagtataka ako kagabi bakit naging matigas yung unan, akala ko panaginip eh.
"kaya pala mabango yung unan" mahinang saad nito pero rinig ko.
"chansing ka lang kamo" saad ko dito at tumayo na ako para bumaba.
"ikaw nga tong wagas kung makayapos saki-- aray!" binato ko ito ng tsinelas na nadampot ko. Oa di naman masakit yon.
"tara na nga, baka kung ano pa isipin nila" iritang saad ko at bumaba nako para kumain.
-
"sa kotse ko sasakay si kelly!"
"anong sayo! baka ipahamak mo lang si kelly! sa kotse kona!"
"aba't sabit kalang naman dito ah!"
naririndi na kami sa pagtatalo ni drake at matt, nagtatalo sila kung kaninong kotse ang sasakyan ko, mga isip bata.
"kelly dun kana sumakay sa kotse nila chloe" saad ni george, at tumango naman ako dito, nakita kong nginitian ni george ang dalawang isip bata at sumimangot naman sila, at nagtuturuan na para bang sinasabi na *kasalanan mo to eh*
"kelly tabi nalang kayo ni george" sabi ni chloe, si george ang magmamaneho kaya naman sumang ayon nalang ako, nasa likod naman ay sila Chloe, Alex at sophia.
gising na gising pa din diwa ko samantalang yung tatlo sa likod ay tulog na tulog na, napangiti naman ako dahil ang cute nilang tignan, magkakayapos sila na para bang kaclose nila si sophia.
"wag ka ngumiti, nakakatakot" pang aasar ni george kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"baka pagod kana, ako na mag da-drive" pag piprisinta ko, kanina pa kasi siya nag mamaneho, baka inaantok na siya.
"wag na, matulog kana lang dyan" saad nito habang nakatutok padin ang tingin sa dinadaanan namin.
sobrang tahimik, wala manlang nag sasalita samin ni george, kaya naisip ko na kausapin ito.
"george"
"kelly"
natawa naman kami ng nagkasabay kaming mag salita.
"you first" saad ko dito. huminga muna ito ng malalim bago siya mag salita.
"i-i like you" hindi bagay sa kanya ang kabahan haha, nung nagpapanggap palang siyang bakla noon, napaka tapang nito, dare daretsyo ang bunganga sa pag sasalita ng kung ano ano, pero ngayon.
nginitian ko lang ito, hindi ko alam sasabihin ko ih, sabihin ko din ba na I like you too, samantalang nakakailang sabi nako non sa kanya, dati.
"ayokong makita ka na nilalapitan ng ibang lalaki" this time kinilig nako, ghadd for how many years, ngayon ko lang narinig yung mga katagang yon, yung tipong ipagdadamot niya ako.
"damot mo naman ser" pag bibiro ko dito, ayoko kasi ipahalata na MARUPOK ako.
"mahal kita, kaya gusto ko ako lang kelly. Selfish na kung selfish" seryosong saad nito.
"kung maka angkin ka akala mo naman iyo ako ah" sabi ko dito.
"then i'll make sure you'll gonna be mine" tumingin ito sa mga mata ko pababa sa labi ko. Napalunok nalang ako sa ginawa niyang yon.
"hays ano bayan may natutulog dito, pag ka landi landi niyo namang dalawa" iritang saad ni sophia, nagising daw siya dahil sa kaharutan namin ni george, natawa nalang kami.
"bye kelly! sa susunod ulit sis. Mamimiss ko kayo" sabay yakap ni chloe sakin, bakasyon na namin ngayon kaya naman naisipan ng magulabg niya na magbakasyon sa paris. yaman diba.
"ano kaba, uuwi ka din naman ah? pasalubong ko ha?" sabi ko dito at nag paalam na, hinatid niya kami ni george sa mga bahay namin. Pumasok nako sa loob ng bahay at nagpahinga.
naalipungatan ako at tumingin sa wall clock, 8 na pala ng gabi. Napasarap tulog ko ah, napatingin ako sa may bintana dahil may ilaw na nakatutok dito.
"ano naman yon" tumayo ako at binuksan ang bintana, tumingin ako sa may baba at nakita ko ang isang gwapong nilalang na nakatayo doon ...
dala ang gitara niya 🙊
--
A/N:
HAPPY 507 READS! 😭 sobrang saya ko lang, mag comment lang kayo if may mga suggestions kayo ha? mwaaa.

BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...