Chapter 45

10 2 3
                                    


A/N: sorry natagalan sa update, inuna ko kasi yung isa kong story "Way back in year 2020", Cellphone lang gamit ko sa pag tatype kaya medyo mahirap haha.

Guys kahit isa lang mag comment, gawan ko ba to ng book 2?

**

"open your eyes" saad ni Ivan, siya yung nag-ayos sakin kahit daw bakla siya gusto niya padin gamitin ang real name niya. sinunod ko naman at binuksan ang aking mga mata.

ngumiti ako sa harap ng salamin halos hindi ko na makilala sarili ko sa sobrang ganda ko ngayon, oo ngayon lang.

"i told yah, hindi mo kailangan ng makapal na make up, your simplicity makes you pretty" pagpuri ni ivan kaya nginitian ko nalamang ito, hindi ko magawang sumaya lalo na't alam ko na may mangyayaring hindi maganda ngayon. Pero pinilit ko parin ipakita kay Ivan na nagustuhan ko ang effort niya dahil ayoko naman na malungkot siya.

"For the finale, kindly wear this gown your highness" sabay umakting ito na isang lalaki na nagbigay galang sa isang prinsesa, hinampas ko nalang ng marahan ang kanyang braso, baka pag nilakasan ko umiyak siya eh.

"baliw" tinawanan nalang ako ni ivan, hinubad ko na ang puting tela na suot ko napatalikod naman si ivan, kaya napatawa nalang ako. Bakla ba talaga siya? baka kinekemerot lang ako nito ah.

"hala young lady bakit ka naghuhubad dyan, kaloka to!" umiling nalang ako at lumapit na sa gown ko, napaka ganda niya talaga, mahilig ako sa dilaw pero ang ganda ng pagka violet nito. Lalo pang nag papaganda dito yung mga paru-paro na nakaburda.

"ivan kindly help me to wear this beautiful gown" saad ko kay ivan at agad siyang humarap pero kita ko ang pagtataka sa muka nito.

"seriously? bakit may suot kapa na ganyan? tube and short? seryoso ka dyan gurl?" nagtatakang tanong nito. Nakasuot ako ng short kung saan hapit ito sa katawan ko, hindi ito maong. Mahihirapan ako kapag maong short ang sinuot ko, nagsuot na din ako ng tube which is may foam na sya na kasama to support my breast, hindi siya basta tube masyado siyang makapal para na ding sando pero makapal nga, tapos backless dahil makikita naman sa likod ng gown ko kung pa sando talaga diba? strapless din ito.

"tulungan mo nalang ako isuot to" sabay turo ko sa gown ko.

napatingin kami sa may pinto ng may biglang kumatok dito.

"young lady pinapatawag na po kayo ni master. mag-istart na daw po ang party within 5mins" sumagot nalang ako dito na susunod na ako. humarap muli ako kay ivan na halatang ayaw pa din sa panloob ko, what? hindi naman mahahalata na may panloob ako ah.

"you don't need that!" sabay turo niya sa pang taas ko "hindi mo na nga kailangan mag suot ng bra dito eh" alam  ko na hindi na kailangan, pero kailangan ko maging handa. tumingin nalang ako dito ng masama.

"okay fine! tss" wala na siyang nagawa kundi tulungan akong isuot yung gown. muli akong tumingin sa malaking salamin.

"pakisampal nga ako ivan" is this for real? pakiramdam ko isa akong prinsesa.

"bawal, masisira make up at gusto mo bang patayin ako ni Master?" inirapan ko nalang ito pero natawa nalang kaming dalawa, isinuot niya sakin ang maliit na crown.

"para saan yan?" tanong ko kay ivan, pakiramdam ko tuloy ginagawa niya na talaga akong prinsesa, ang ganda. Ang kinang nung maliit na bilog dun sa crown ko.

"Perfect" saad niya at napangiti na din ako. pinalabas ko na si ivan at sinabing susunod ako. Pagkalabas ni ivan agad kong pinalitan yung heels na suot ko, ang ganda pa man din pero sorry mas need ko yung komportable at safe ako. Sinuot ko ang mukang heels pero boots talaga sya. Ikinabit ko din sa may hita ko yung lagayan ko ng baril ko, i need to be alert gaya ng sabi ni kuya trevor.

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon