George's POV
Hinila ako ni kelly at iniwan sila chloe at alex. bakit parang napaka big deal naman sa kanya na halikan ko siya sa pisngi 🙄, siya nga lagi niya akong ninanakawan nang halik simula shs namin eh.
bigla akong napatigil ng maramdaman kong may basa sa aking ibaba,
😳
"kelly water vender kaba?" napatingin naman agad sakin si kelly at tinignan niya din ang kamay niya na nakahawak sakin. nakaramdam kasi ako na parang mamasa masa na nang gagaling sa kamay niya.
"gago! kung lunudin kaya kita dyan?!" tinanggal niya na ang pag kakahawak sa kamay ko. kunware hindi nya alam, galawang kEllYngOt
"anong klaseng lunod?" tinignan ko ito na ng nakakaakit at hinawakan ang kanyang braso, pinadulas ang daliri ko sa magaspang nyang balat, inilandas ko ang magaganda kong kamay sa pangit niyang muka at hinawakan ang baba nito, hindi ko alam ano bang ginagawa ko basta ang gusto ko lang ngayon ay asarin siya.
*chup*
nagulat ako nang mag kadikit ang labi namin dalawa ni kelly, hindi ako ang may gawa non kundi yung dalawang tukmol, itulak ba naman ni alex ulo ko kaya eto, naka score tuloy si kelly, sana manlang tinagalan nila pag hawak sa ulo ko no?
"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHA" tawang tawa yung dalawa at nag apir pa.
"kayo ha? hanap kaya kayong hotel, tutal wala naman klase ngayon, sige na hindi na namin kayo aabalahin." panloloko ni alex, at hinila si chloe pero may pahabol pa si chloe kaya napatigil ito.
"gusto ko batik!" saad ni chloe.
"ako yung brown ha?!" pag sabat bi alex.
bakit ko ba kaibigan to? ginawa naman nilang aso si kelly,
ah si kelly? oo nga pala. napaharap muli ako kay kelly at nakita ko itong namumula.
"oy kelly? ilan gusto mong anak?" pang aasar ko dito at gulat na gulat ang reaksyon nito.
--
Kelly's POV
"oy kelly? ilan gusto mong anak?" tanong ni george na lalo kong ikinagulat, hota! hindi pa nga ako maka get over sa halik kanina, tapos anak naman ngayon.
siguro mga lima kung siya magiging tatay? Hahahaha i mean AYOKO! syempre ayoko mag anak ghad ano ako eAsy tO gEt?
"mga lima, umpisahan na natin ngayon" saad ko dito na ikinagulat naming dalawa. akala ko nasa isip ko lang, pero nasabi ko.
Pero hindi talaga ako E2G (easy to get) slight lang promise.
HEY SOIL, EAT ME WELL 😰
jusme baka isipin niya payag ako kahit OO, pero nakakahiya talaga grabe! lupa kainin mona ako! Oh kaya si george nalang kumain sakin hehe.
"kelllllyyy" naputol ang tensyon sa pagitan namin ni george at napatingin kami kay mike na natakbo papalapit samin.
"oy kelly! kanina pa kita hinahanap! may prac---mmmmm" tinakpan ko agad bibig ni mike, napaka daldal gurl,
"oo na tara na! may practice tayo sa archery ngayon ano?" pag babago ko ng usapan, baka mahalata si bakla eh.
"archery? kailan pa nag karon ng ganon satin kelly?" tangang tanga naman to si mike, hindi baga makiride. kahit kailan eh slow tong hinayupak na to, paano nalang sa question & answer bukas, baka kung ano ano nalang isagot nito ah.
"hehe, ah george puntahan mona sila alex at chloe, mag aasikasuhin lang kami ha? byeeee" sabay higit ko kay mike para makaalis na kami don.
Kinahapunan
"okay, galingan niyo bukas ha? basta tandaan niyo lang kung saan kayo naka pwesto, bukas 6:00 am sharp. bawal ang late, intendes?" pag kaklaro ng handler namin.
pinauwi na kami at ako naman ay dumaretsyo sa mall, mamimili kasi ako ng mga pagkain para sa bahay, tutal nakuha ko na yung scholar ko, nakuha ko yon kanina habang break time sa practice.
6,500 ang scholar namin kaya madami dami din ang mabibili ko kahit dito manlang e makatulong ako sa expenses namin sa bahay at isa pa wala naman akong pag kakagastusan, bukod sa ililibre ko yung tatlo, pero may scholar din naman sila.
Kaming apat ay nag asikaso noon para sa scholar, actually madami kami scholar dahil the more the merrier ika nga, pero ginagamit naman namin yon sa tama, so ayon na nga andito nako at ipamimili kona tong 4k.
nasa may counter nako at nung matapos niya i check mga binili ko nagbayad nako, bumili na din ako ng eco bag para maganda naman ang lagayan ko.
nakita ko na may sinisilid pa si ate sa dalawang ecobag at isang kahon.
"ay ate, hindi akin yan" kasi inabot niya sakin yung dalawang ecobag na may laman' at kahon na mukang botchog, isang ecobag lang naman binili ko ah? baka nalito si ateng cashier.
"pina paabot po sa inyo to kanina nung naunang bumili, kakilala niya daw po kayo, sadyang na ccr na sya kaya iniwan niya na at ako na po ang pinag abot" sabi nito.
ah baka si chloe or alex, yun talagang mga yon napaka sweet, sarap kurutin eh. pero bakit hindi nalang nila inabot sakin sa bahay, bakit hindi manlang nila ako tinawag kanina kung namimili din sila?
"salamat po ate" nakangiti kong saad dito at binuhat na mga pinamili ko.

BINABASA MO ANG
Love Kelly
AcciónPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...