Kelly's POV
Nanonood lang ako sa dalawang tao na nasa harapan ko, nasa magkabilang sofa si george at zeus, walang nag papatalo sa titigan nilang dalawa.
"so" pag putol ko ng katahimikan
"bakit kayo nandito?" tanong ko, at binaling na nila ang tingin nila sakin.
"i was about to give you my gifts yesterday, but you're not around" saad ni zeus at tumango naman ako, tumingin naman ako kay george.
"may sasabihin lang sana ako sayo" saad ni george.
"sabihin mona ngayon george" sabi ko at nakatingin kami ni zeus kay george.
"tyaka na pag tayong dalawa nalang nandito" sabi ni george, napatingin kaming tatlo sa kumatok sa pinto.
tumingin ako sa kanila na para bang nagtatanong kung nag imbita ba sila, sino nanaman ba to?
"Hi" bati nito pag kabukas ko ng pinto.
"do you know him kelly?" tanong ni zeus na ngayon ay nasa likod kona din.
"no! i mean nakilala ko lang siya kagabi sa bar" sabi ko sa kanila at kumunot naman ang noo ni zeus at george.
"mind if i come in?" saad ni matt, at tumango ako at pumasok na ito, pano niya nalaman bahay ko? myghad! ano bang meron bakit nandito silang tatlo! yare ako kay kuya trevor nito.
"ano bang mga pakay niyo?" nakapamewang kong tanong sa kanilang tatlo "bawal ang lalaki dito, yan ang bilin ni kuya, kaya sabihin niyo na anong trip niyo at nagpunta kayo dito! nag usap usap ba kayo?" takang tanong ko sa kanila.
"i'm here because i want to court you" sabi ni matt at ikinagulat ko, malamang magugulat ako dahil hindi ko naman kilala to, binaling ko tingin ko kay zeus.
"like him, i'm here because i want to court you, kahapon sana kaso nga wala ka tss" iritang saad ni zeus, napapanganga nalang ako sa mga trip neto aba, and last tumingin ako kay george.
"mahal kita kelly" halos malaglag na panga ko sa sinabi ni george, hindi naman nagulat si matt at zeus.
"kelly you okay?" tanong nilang tatlo ng mapasapo ako sa ulo ko, alam kong maganda ako pero hindi ko ineexpect na magiging ganito yung manliligaw sakin.
"maaari na kayong lumabas" saad ko, natutol sila pero sa huli napapayag kona sila. nag si labasan naman na sila at tinawag ko si matt
"matt, maiwan ka may gusto lang ako itanong sayo" nung sinabi ko iyon, ngiting ngiti si matt pero yung dalawa halos patayin na si matt sa paningin nila.
"one point for me? haha" mapang asar na sabi ni matt, isip bata pala to.
"pano mo nalaman bahay ko? sino kaba talaga?" tanong ko dito.
"ang sakit naman na hindi moko naaalala kelly" sabi nito at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"i'm sorry, hindi ko lang talaga matandaan kung sino ka" sabi ko dito.
"gusto mo ba ipaalala ko?" sabi nito at tumango naman ako.
-
"luis let's play!!!" sigaw ng batang lalaki kay kelly.
"pero tawag nako ni nanay" at nalungkot si kelly, ganon din si ang batang lalaki
"bukas nalang?" sabi ng batang lalaki at tumango si kelly.
--
"luis sabay na tayo mag lunch!" malayo palang pero nasigaw na si matt, napangiti naman si kelly dito, napaka ingay talaga.
"may dala kabang pack lunch?" tanong ni kelly, at ngiting ngiti na itinaas ni matt ang dala niyang lunch box
"here!" at tumawa silang dalawa, si matt kasi ay mayaman kaya naman lagi siyang nakain sa canteen or sa labas ng school kasama ang mga kaibigan nito, pero mas gusto niyang kasabay si kelly kaya naman naisip niya na mag dala nadin ng pack lunch.
--
"kups, i didn't expect na aalis agad siya, pero alam ko naman reason pero masakit padin eh!" sabay hagulgol ni kelly, at hinahaplos naman ni matt ang buhok nito at pinupunasan ang mga luha na nalandas sa mga mata ni kelly.
"shh stop crying luis, pangit kana nga lalo kapang pumapangit" pang aasar ni matt kay kelly, hinampas naman siya ni kelly sa braso at natawa silang dalawa.
--
"akala ko ba pareho tayo ng school na papasukan!" sabi ni kelly kay matt, si matt kasi ay pinag aaral sa states, dahil may business na kailangan asikasuhin ang mga magulang nito.
"sorry luis, ayoko din naman na malayo sayo, pero sila mommy na nag decide" naiiyak na sabi ni matt, hindi alam ni kelly na may lihim na pagtingin sa kanya si matt, nahihiya siya magsabi kay kelly dahil baka mareject ito at masira ang pagkakaibigan nila.
"babalikan kita ha? at sa pag balik ko, liligawan kita luis" sabi ni matt, at niyakap si kelly ng mahigpit.
--
"kups??" nagtataka kong tanong, at nangingilid na ang luha ko dahil sa kwento niya, bakit ba napaka makalimutin ko.
"luis" sabi niya at napaiyak na talaga ako dahil siya lang naman yung childhood friend ko at ultimate best buddy ko, simula 7yrsold kami hanggang mag highschool ako eh nasa tabi ko siya. hindi ko alam bakit ba hindi ko siya nakilala, ni wala ako idea kung sino siya, para bang may parte ng utak ko na nabura.
"i miss you kups! bakit ngayon kalang nagparamdam sakin! nakakainis ka!" sabi ko habang nakayakap padin sa kanya.
"nagparamdam nako sayo nung nasa mall ka" sabi nito at kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya.
"hah?" pinilit kong alalahanin kung kailan yung sinasabi niya.
"i gave you some goods" whaatttt? siya yon?
"haha, muka kapa ding sira, bibig mo baka pasukan ng langaw" pang aasar nito dahil napapa what ako ng literal.
"gago!" sabay suntok ko sa braso niya at umarte siya na nasaktan siya.
"maiba tayo, ano namang pakulo mo na liligawan moko aber?" seryosong sabi ko, at umayos din siya ng tindig niya.
"hinayaan na kita noon na mapunta kay drake, pero ngayon hindi kona hahayaan na makuha ka nung dalawang asungot nayon, tsk di hamak na mas gwapo ako sa kanila" pagpapaliwanag nito, oo gwapo talaga siya, pero mayabang padin gaya dati haha, hindi ko magawang seryosohin sinabi niya, nasanay siguro ako na puro kami kalokohan.
"as if naman na ikaw pipiliin ko" pang aasar ko dito at napalitan ang ngiti niya sa lungkot.
"then i'll make you fall inlove with me, only me" saad nito at naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko, shet! wag sana mamula.
"look who's blushing" pang aasar ni matt sakin, wala nakong magawa kundi matawa nalang, hindi ako naiilang sa presence niya kaya komportable ako kahit asarin niya ako ng ganyan.
hinatid kona sa labas si matt, sabi ko kasi tyaka na kami mag usap, pero ayaw niya at gusto talaga patunayan yung sinabi nya i'll make you fall inlove with me, tsk.
kumaway ako dito at umandar na ang sasakyan niya, nung mawala na sasakyan niya napatingin ako sa mga matang nakatitig sakin, si george, bigla siyang pumasok sa bahay nila at sinalpak ang pinto.
"problema non" saad ko at papasok palang ako ng tinawag ako nito.
"kelly!!!!" sigaw ni george kaya napatigil naman ako at tinignan siya, may dala siyang big stuff toy na kulay yellow, tapos may 5 paper bag na malalaki, wt?
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...