Agad akong lumapit papunta kela tatay. seryoso ba si tatay? Tinignan ko si george, hawak siya nung dalawang tauhan ni tatay, nakapiring ito, nakahinga ako ng maluwag dahil wala itong galos o pasa."mama!!! pakawalan niyo ko! wala akong ginawang masama! bakit niyo ko dinampot sa mismong bahay ko!" pag sigaw ni george. tinignan ko si papa ng masama, nagkibit balikat lang ito.
"tay, pabitawan mona si george" bulong ko kay tatay, ngumiti lang ito ng biglang sumigaw si george.
"kelly? love ikaw ba yan? wag na wag niyong hahawakan girlfriend ko!!" nagpupumiglas na si george sa mga tauhan ni tatay kaya tumakbo nako papalapit dito at tinanggal ang piring.
"kelly? t-tito?" gulat na saad ni george ng makita ako at si tatay. Syempre ang alam namin wala na sila tatay.
"pasensya na george kung pinakuha kita sa mga tauhan ko, alam naman ng nanay mo kung nasaan ka, don't worry" pagpapaliwanag ni papa, gulong gulo si george pero tumingin ulit ito sakin at bigla akong niyakap.
"l-love a-akala ko n-na k-kidnap nako" pagiyak ni george sa may balikat ko, si tatay kasi bakit kailangan sa ganitong paraan ipakuha si george. natakot tuloy yung isa.
"ehem" pagpaparinig ni tatay kaya bumitaw sa pagkakayakap si george.
"mano po tito" pag mano ni george sa tatay ko, kilala naman ni tatay si george kaya hinayaan niya lang ito.
"kumain kana ba iho?" saad ni nanay na kakalabas lang galing kusina dahil naka apron pa ito.
"a-ah hindi pa po tita" kita ko sa muka ni george ang pagkagulat dahil nakita niya din si nanay, siguro ay gulong gulo na din siya. Pinapunta na kami ni nanay sa kusina para kumain. Katabi ko si george sa kabila ko naman si kuye trevor, sa gitna si tatay at sa kabilang side ni tatay ay si nanay.
"Kain na" masiglang saad ni nanay at kumain na kami, lumingon ako kay george na hindi ginagalaw ang pagkain.
"love, kain kana" pagsuyo ko dito. Tumingin siya kay tatay at napatingin din ako. Kaya pala hindi maka-kain dahil nakatingin sa kanya si tatay, para bang tinatakot ito.
"tay naman, magagalit na ko niyan sa inyo eh!" inis na saad ko kay tatay, samantalang dati napaka dikit nila sa isa't isa, tapos ngayon tatarayan ni tatay si george.
"okay sorry anak, kakain nako" biglang nagiba mood ni tatay at kumain na ito. si george naman ay patuloy sa pagsubo, akala mo'y mauubusan, natawa nalang ako.
matapos naming kumain nagtungo na kami sa salas habang nakain ng ice cream. Si george ay tahimik sa tabi ko habang nakahawak ang kamay niya sa kamay ko.
Napangiti ako, dahil yung lalaking mahal ko kilala na ng pamilya ko, matagal na silang magkakilala ng pamilya ko, pero bilang bakla at kaibigan ko. Iba yung ngayon.
napahikab na ako kaya tumayo nako para umakyat sa kwarto pero dahil hawak padin ni george kamay ko, hinigit kona din siya patayo. Sa kwarto ko nalang siya matutulog, aalis na sana kami ng nagsalita si tatay.
"saan kayo pupunta?" mataray na tanong nito, samantalang si nanay ay tatawa tawa lang sa inaasta ni tatay.
"tay tutulog na kami, pwede bang sa kwarto ko na siya matutulog?" sagot ko dito at ngumiti ng malapad si tatay kaya nagkatinginan kami ni george at ngumiti din. whuu akala ko hindi papayag si tatay.
"syempre naman anak ...
bawal" yung ngiti niyang malapad naging busangot, napatingin naman ako sa gawi ni nanay para sabihin na baguhin desisyon ni tatay, tutal nasunod si tatay kay nanay.
"hep, nanay mo nagsabi non anak hindi ako" paghabol ni tatay dahil nakita niya na nakatingin ako kay nanay.
"eh saan siya matutulog tay?"
BINABASA MO ANG
Love Kelly
AksiyonPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...