Kelly's POV
bakit ang lamig? ang lamig sa pisngi, parang may yelo? bakit mamasa masa?
dahan dahan kong binuksan ang magaganda kong mata at bumungad sakin ang gwapo kong kuya, napatingin ako sa hawak niya na nakadait sa pisngi ko.
"KUYA! MALILINTIKAN KA TALAGA SAKIN ! ow para sakin ba to?" napaupo ako ng ayos, dahil may hawak si kuya na isang galon ng ice cream, para akong tigre na naging tuta, tinawanan nalang ako ni kuya sabay gulo ng buhok ko. parang hindi ko kapatid to?
"problema mo kuya?" nagtataka na ako, bigla siyang naging sweet, may ginawa ba siyang kasalanan at nagbibigay bigla ng suhol. hahahah pasalamat nalang ako.
"wala naman, by the way bunso laro tayo? ano pustahan?" nakangiting saad nito. para siyang timang ngayon, hindi ko lang alam bakit.
"hinahamon mo ba ako?"
"hinahamon kita, ipupusta ko ice cream ko kapag nanalo ka" kala mo naman na mananalo siya tss.
"yun ay kung mananalo ka" mapang asar na saad niya, binato ko ito ng unan kay tumakbo na ito palabas.
Nakaupo kami ngayon sa may carpet dito sa sala, naka indian sit kaming dalawa at ang pusta ko ay 50pesos at si kuya ang pusta niya 5 scoop ng ice cream niya daw, napaka kuripot diba? imbis na ibigay nalang sa kapatid niya. pero mahalaga samin ang bawat scoop ng ice cream lalo na't hilig namin ito.
si kuya ang nag balasa, ang laro namin ay Unggoy ungguyan eto nilalaro namin simula pa noon.
"oy kuya handa kana bang matalo?" mayabang na saad ko dito with matching smirk. dalawang baraha nalang ang hawak ko, isang Queen at isang Alas. samantalang si kuya ay pito pa ang baraha na hawak niya.
"in your dreams" sabi nito at bumunot na ako ng baraha, nakakuha ako ng Jack kaya inilagay ko iyon sa kasamahan ng jack tyaka binaba ang Queen na hawak ko, isa nalang natitira sakin.
"bye" saad ni kuya, agad niyang ibinaba ang tatlong queen na hawak niya, tatlo na King at ang last na baraha na nasa kanya ay hinagis niya sa sahig.
"unggoy! HAHHAAHAH" napairap nalang ako dito, inilahad niya ang kamay niya para kunin ang singkwenta pesos na nasakin, ayaw ko itong ibigay kaya naman hinigit niya ang paa ko at kinamot ito.
"HAHAHAAHHA eto na enap hahahahaha kuya hahahahah" halos mautot na ako sa kakatawa, inabot kona sa kanya yung pusta ko, nakakapanglumo.
patuloy pa din kami sa paglalaro, hanggang sa nag movie marathon naman kami, ewan ko ba kay kuya. Sabi ko lalabas lang ako aba hinarangan ba naman yung pinto, bawal daw at gusto niya maka bonding ang MAGANDA niyang kapatid.
sabi ko aakyat na ako sa kwarto sabi niya bawal daw, gusto pa daw niya manood ng nakakatakot, gusto niya daw kasama ako para may mababatukan siya tuwing natatakot siya. Ang weird diba?
"kuya naman! sisilipin ko lang si george sa may bintana!" hawak hawak ni kuya ngayon ang damit ko na para bang maliit na bata ako na binabawalan.
"bawal nga eh! puro ka george tss, tatampo na ako" pagmamaktol nito. wala nanaman akong nagawa kundi manood nalang kasama si kuya.
"kuya?"
"hmm?"
"parang may nakilos sa labas? parang may maingay don? titignan ko la--"
"hep, baka sa kapitbahay lang yon. umupo ka dyan"
"pero kuya parang sa may bakuran natin eh"

BINABASA MO ANG
Love Kelly
AçãoPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...