George's POV
halos madurog na puso ko sa nakikita ko.
si kelly na nakayakap kay matt.hindi naman ako martir para panoodin sila, umalis nako sa lugar na yon at pumasok na sa kwarto namin, nandito ako kasama nila chloe samantalang sila drake ay sa kabilang kwarto.
"hoy anong nangyare sayo?" tanong ni sophia sakin, lumapit ito at tinignan maigi ang mga mata ko na para bang may sinusuri ito.
"what's your problem cous? umiyak kaba?" nag aalalang tanong ni sophia, kasalukuyang tulog na sila chloe at alex kaya naman sinabi ko kay sophia na wag siyang maingay, pag nagising yung dalawa baka lalo lang sila magtanong.
"maniniwala kaba pag sinabi kong napuhing ako?" tanong ko kay sophy
"i'm not that stupid, spill it out cous" umupo ito sa tabi ko at nag aantay na magkwento ako.
kinwento ko sa kanya kung anong nakita ko, para akong bata na nagsusumbong sa kanyang nanay tss so gay.
"yun lang?" nang aasar ba to? anong yun lang? ang sakit kaya makita na may kayakap na iba yung taong mahal mo.
"hindi kaba nakikinig sa kinwento ko? i saw them sophy! kelly is hugging that bastard! tapos sasabihin mo yun lang? hindi na lang sana ako nag kwento sayo!" naiinis na saad ko kay sophia, bakit parang wala lang sa kanya? nasasaktan nako o, pakiramdam ko talo nako.
"tss, narinig moba pinag uusapan nila?" tanong nito
"hindi" sagot ko
"pano mo nasabing may meaning yung YAKAP nayon kung hindi mo naman pala alam reason kung bakit niyakap ni kelly yung matt nayon" napaisip ako sa sinabi ni sophy.
"at base sa kwento mo hindi yumakap si matt kay kelly diba?" pagpapatuloy ni sophia at tumango naman ako.
"malamang may sinabi si kelly na hindi nagustuhan ni matt that's why hindi siya nag tugon sa yakap ni kelly, george mag pa ka lalaki ka nga, ayaw mong mapunta sa iba si kelly? pero bakit hindi ka nagawa ng paraan para mapunta siya sayo? ano yon kusa nalang magiging kayo ni kelly? c'mon cous do something!" deretsyong saad ni sophia, natauhan ako don, tama siya kailangan kong gumawa ng paraan para mapasakin si kelly, walang magagawa pag mumukmok ko dito.
napatingin kami sa may pintuan dahil may kumatok dito.
"drake?" pag tawag ko dito.
nandito kami ngayon sa may kusina nila chloe, inaya ako ni drake na mag inom buti nalang at may alak dito, pumayag naman ako dahil kahit ganon ang nangyari samin eh pinsan ko padin siya.
"kamusta na kayo ng fiancé mo" pag basag ko sa katahimikan naming dalawa, uminom muna ito bago sumagot sakin.
"umatras ako sa marriage na gusto nila" tumango lang ako dito at hinahayaan siyang magkwento "nung araw nayon, hindi ko alam kung sino ba ang lalapitan ko si kelly ba o si siara, hindi ko alam bakit si siara ang pinili kong lapitan" nakita ko ang pagkuyom nito sa kanyang kamay.
"nagulat din ako na yung fiancé mo ang pinili mo, akala kopa naman si kelly ang mahal mo tss" sagot ko dito bago ako uminom.
"siguro natakot ako, natakot ako na kapag si kelly ang pinili ko baka mapahamak ang nanay ko" bakit naman mapapahamak nanay niya? "kilala ang pamilya nila siara sa pagiging mayaman at magaling sa business world, pero habang nakikilala ko si siara at ang pamilya nito, napagalaman ko na kapag may sagabal sa plano ng kanyang ama ay hindi siya nag dadalawang isip na ipapatay ito" nagulat ako sa kinwento ni drake, hindi ko lubos akalain na ganon ang pamilya ng mapapangasawa niya SANA.
"george alam mo naman na si mommy nalang ang meron ako diba?" uminom ulit to sa bote ng alak na hawak niya, ayoko sanang sabihin na naiyak siya pero yun na nga ang nangyayari, masakit makita na nasa ganitong sitwasyon ang pinsan ko.
"pero nakakapagtaka lang, pinayagan ka nilang umatras?" nakakapagtaka lang kasi, akala ko ba pag may sagabal ay pinapatay nila?
"hinayaan lang nila ako" saad nito "hindi ko na inalam bakit nila ako hinayaan basta masaya ako at malaya nako sa mga kamay nila" ngumiti ito kahit malungkot pinapakita ng kanyang mga mata.
"kaya ba pumunta ka dito?" tanong ko sa kanya.
"yeah, pumunta ako dito para humingi ng sorry sayo at kay kelly, ayokong isipin niyo na hindi ko kayo pinili nung mga oras na yon, sadyang naiipit lang ako sa sitwasyon, sorry sky" napatungo naman ito at tuluyan ng humagulgol, siguro ay napaka bigat ng dinaramdam niya, tinapik ko lang ang likod nito.
"okay lang sakin yon hindi naman ako nasaktan eh, kay kelly ka mag sorry" sabi ko dito, alam ko namang mahal pa din ni drake si kelly, pero kahit ganon hindi ko hahayaang bumalik si kelly kay drake, lalo na ngayon sa nalaman ko, baka ikapahamak lang ni kelly pag naging sila ulit ni drake.
"nakita mo ba siya?" tanong sakin ni drake, oo nakita ko nandon kasama ni matt tss.
"nasa labas, kasama ni matt" saad ko at inistraight inumin ang alak na hawak ko.
"woah, i smell something fishy" saad ni drake at lumapad ang ngiti nito.
"tss" yan nalang nasabi ko.
"don't tell me that you're jealous?" mapang asar na ngumiti si drake sakin.
"nah i'm not, hindi ako mag seselos sa mukang unggoy nayon, mas gwapo pa ako don at sayo" matapang kong sagot dito na ikinatawa niya naman.
"hindi ko aagawin sayo si kelly, una palang na humingi ako sayo ng pabor alam ko na ang kapalit non na magkakagusto ka sa kanya" hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pag kaluwag sa loob ko? siguro'y dahil na din sa hindi na siya magiging dagdag sa manliligaw kay kelly.
"but you still love her, it's kinda obvious drake" sabi ko dito at ngumiti ito ng peke.
"yeah, i still love her pero mas iisipin ko nalang kaligtasan niya, ayoko naman na pag initan siya nila Mr. Ly, alam ko pati na hindi na niya ako mahal gaya dati" kitang kita ko ang lungkot sa muka ng pinsan ko.
"paano mo nasabing hindi kana niya mahal gaya dati?" curious ako.
"secret hahaha" sabi nito sabay tawa, nababaliw na ba to? ang bilis mag bago ng mood ah.
"so gay" saad ko, pa sikret sikret pang nalalaman.
"curious kalang" pang aasar nito.
niligpit kona yung pinag inuman namin ni drake, si drake ay kasalukuyan ng natutulog sa sofa, napadami din pala kami ng inom, miski ako ay nahihilo na pero kaya kopa namang umakyat papunta sa kwarto hindi gaya ni drake, weak.
binuksan ko na ang pinto ng kwarto namin at dahan dahan itong isinara baka magising sila, hilong hilo na ako kaya nung nakita kona kama ko ay humiga agad ako dito, medyo nakaharang ata unan pero sakto nadin yon dahil pag natutulog ako lagi akong may kayakap na unan, niyakap ko ang unan na nandito at inisip na sana si kelly nalang to. napaka bangong unan ang meron sila chloe, nakakatuwa at tuluyan nakong nakatulog.
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...