George's POV
Nagising ako nung may naramdaman akong dumampi sa hita ko napamulat ako bigla.
"Anong ginagawa mo?" napatingin ako sa taong gumagawa nito.
"Hulaan mo" ngumiti ito na parang demonyo.
Nagulat nalang ako ng bigla syang lumapit sakin, mala sadako ang datingan ha. nung makalapit na sya sakin, hinawakan nya ang baba ko, at ipinantay nya ang muka ko sa muka nya. halos hindi ako makagalaw sa pwesto namin ni kelly, napaka lapit nya, amoy na amoy ko ang hingi nya na amoy strawberry.
nabalik lang ako sa realidad ng batukan ako nito,
"aray! para saan yon?!" grabe napakasakit naman non, napaka brutal neto tungunu eh.
"muka bang inidoro itong damit ko ha?! tignan mo nga oh! oh!" ipinapakita nya sakin yung suka sa damit nya, wag nyang sabihin na ako may gawa nyan?
"wag kana mag-isip bakla at wala ka non" binato niya sakin ang towel na hawak nya.
akmang lalabas na ito sa kwarto ko, pero hinawakan ko sya sa kamay."ano nanaman ba yon? hindi paba sapat yung suka mo ha?" ani nito.
"gaga! yung palanggana namin dala mo! ano iuuwi moyan? wala ba kayong palanggana sa bahay ha? ha? tsk, akin na nga yan!" at kinuha ko yung palanggana namin, kaloka to.
--
Kelly's POV
Napahiya ako don ah, malay kobang bitbit ko yon, hampas ko sa muka nya palanggana namin sa bahay e, bumaba nako at nag paalam na kay tita na uuwi nako.
"iha, salamat ah? salamat kasi inaalagaan mo si baby sky ko" sabi ni tita at may inabot sakin na box, ang cute nga at mint pink ang kulay.
"nako tita wala lang yon, ah ano po ito?" nagtataka kong tanong, baka cupcakes ulit? bubuksan kona sana ng pigilan ako ni tita.
"wag mo munang buksan, itetext kita pag bubuksan monayan okay?" wow may pa ganon si tita ha, na cucurious naman ako pero sinunod kona lang ito, at tuluyan nakong umuwi samin.
1 week later
"kelly tara gagala tayo?" pag aaya nila alex sakin, CONA WEEK na ngayon kaya naman nag aaya mag gala itong mga kumag na to.
yung pag sali ko nga pala sa pageant eh palihim lang yon, dahil alam ko naman na tatawanan lang nila akong tatlo, gaganapin yon bukas ng umaga.
busy ang iba't ibang section, yung iba nasa basketball court dahil nandon ang mga Fafa, samantalang yung iba e nasa volleyball court at ang naglalaro ngayon eh mga babae kaya naman nagluluwaan na ang mata ng mga lalaking nanonood, tsk.
napagawi ang tingin ko sa mga booth, bongga. last yr walang ganito ah, asensado naba hahaha.
ang mga booth na nandito ay yung common, lalo na ang wedding booth. agad naman kaming hinila ni george dun sa photo booth tss kireng bakla.
itong photo booth nato, eto yung may timer? tapos minsan dalawahan na haba? ahhaah hirap iexplain basta kagaya kela kenjie at athena.
pumasok na kaming apat at ang kaso hindi ito ganon kalaki or kaluwag para magkasya ang apat.
"dalawa lang ata kasya e?" sabi ni alex. oo nga dalawa nga lang kasya, pero pede naman kandong diba? #friendshipgoals
"o edi una una, kami muna ni alex" sabi ni chloe at hinigit si alex papasok sa booth, at kami ni george ang susunod as if my choice kami?
"kayo naman, wuuuhuu ganda natin dito gurl" kahit kelan mababaw talaga kasiyahan ni alex. pumasok na kami ni george at humarap sa camera.
"ano ipopose natin?" humarap ako dito, mukang nagulat sya. napakasikip naman kasi dito eh no, siguro nataba na sya.
*click*
pota nag start agad, apat na shot kasi to. mabilisan nga pala to at ako na umisip ng pose, hinawakan ko si george sa pisngi at pinisil ito ginaya nya din ako at ngumiti kaming dalawa.
*click*
sunod na pose e parang pang ID PICTURE hahahha kaya ko to kaibigan e maalam maki ride, hindi kona alam next posing ng biglang hinawakan ni george ang muka ko at inihirap sa kanya at hinalikan ako sa pisngi 😳
*click*
halos mangamatis na muka at tenga ko dito.😳
"parang ang init dito no? una nako" sabay labas ko sa booth.
"oy gurl, ano't pulang pula ka?" nagtatakang tanong ni chloe
"oo nga chloe tignan mo tenga sobrang pula din" tinignan pa talaga nila tenga ko ha.
"ah? allergy siguro ako?" hindi kona alam sasabihin ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.
"allergy saan?" bakit ba tanong ng tanong tong dalawang to.
"ano,uhmmm allergic ako sa bakla!" mukang napatigil yung dalawa, nakatingin sila sa may likod ko, alam ko na nandon si george.
"oh bakit ganyan kayo makatingin sakin?" tanong ni george sa dalawa.
"bakit namumula to? don't tell me nag an---" tinakpan ko ang bibig neto dahil kabalugaan lang ang sasabihin neto,
"gotcha!" napatingin kami ni chloe sa likod namin kung saan nag sabi ng gotcha, hindi namalayan ni george na nakuha ni alex yung picture na nasa kanya, tss.
"kaya pala namumula si kelllyyyy" pinakita ni alex yung picture namin ni geroge kay chloe, miski si chloe e nagulat pero napalitan ito ng kilig. nagtilian silang dalawa.
agad kong hinila si george palayo sa dalawang yon, may gusto lang akong linawin, masyadong malabo eh.
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...