Chapter 18

14 1 0
                                    


Kelly's POV

"gotcha" sabi ko ng matanggal ko ang lubid na ipinangtali sakin. nagulat ang babaeng nasa harap ko which is yung nanampal sa pisngi ko kanina psh, agad kong hinila ang paa ng nung lalaking nasa kanan ko gamit ang lubid na pinangtali nila, agad naman itong napagbagsak sa sahig, rinig na rinig ko ang lagabog nito, awts that hurts.

sumugod sakin ang isa pa niyang kasamahan at may hawak itong kutsilyo na pilit isinasaksak sa akin pero magaling ata to boi, ang nagagawa ko lang sa ngayon ay ang pag iwas at pang sangga sa bawat atake niya, nakita ko naman na tumakbo ang babaeng nanampal sakin paakyat ng hagdanan, at dahil napatingin nga ako sa babae, nagkaron ng tyansa etong lalaki na madamplisan ako sa braso.

"ahhhhh" pag sigaw ko "gago kaba? ano suntukan nalang?" pag hahamon ko dito para patas.

"aba matapang ka ha? oy nene hindi mo kilala kinakalaban mo!" sigaw nito sakin at galit na galit na nakatitig sakin.

"as if i care" sabi ko at inirapan ito, agad itong tumakbo papalapit sakin at agad din itong natumba sa sahig ng may tumamang bala sa braso niya, napatingin ako kung saan iyon nang galing at nakita ko don sila ...

"kuya?" tawag ko dito

"tara na umalis na tayo dito" sabi ni kuya at agad akong hinila pero nag pumiglas ako dahil nakita ko yung lalaking hinila ko ang paa na may hawak na baril at nakatutok ito kay george,

"george!" napatingin ito sakin pati nadin ang lalaki na balak barilin si george, kinuha ko ang hawak ni kuya trevor na baril at itinutok ito sa lalaki at agad ko itong pinatama sa hita niya dahilan para mapaluhod siya.

gulat na gulat ang reaksyon nilang tatlo lalo na si george na kamuntikan ng mamatay.

"ano tutunganga nalang ba kayo diyan?" at natauhan naman sila, nakalabas na kami ng bahay at pasakay na sana sa kotse na dala nila ng biglang may nag pa putok ng baril, napatingin kami sa gawi kung saan iyon nang galing, nakita namin ang sampung lalaki na naka suot ng itim na tuxedo? para silang mga body guards hahahah.

"shit" pag mumura ni drake kaya naman napatingin kami sa kanya.

"kilala mo ba sila?" tanong ni kuya trevor kay drake,bakit naman makikilala ni drake yan, si kuya talaga laki ng galit kay drake eh.

"opo, tauhan sila nila Mr. Ly" at nagtaka naman ako, sinong Mr. Ly?

"tatay ng fiancé ni drake" bulong ni kuya sakin at halos lumuwa na mata ko sa gulat, Fiancé?

"i'll explain it to you later" sabi ni kuya at nagulat sila sa sunod kong ginawa.

"hoy gago" pagtawag ko kay drake at gulat na gulat ito dahil tinutok ko sa kanya ang baril ko, Oo baril ko to buti nalang dinala ni kuya at dala niya din yung kanya, lagi kaming handa.

"k-kelly" utal na tawag ni drake sakin.

"sinabi mong mahal moko, pero may fiancé kana pala, isa kang malaking gago!" pag kasabi ko non ay ipinutok ko ang baril ko sa may gilid niya dahil nandon ang mga tauhan ng fiancé niya kuno, tinamaan ang isa sa kanila sa braso, halos matumba na si drake dahil akala niya sya babarilin ko.

dahil sa halo halong emosyon na ang nararamdaman ko, sunod sunod kong pinaputukan ang mga kalaban, kaya naman nag iwasan ang mga ito at sumugod papalapit samin, psh mukang makakapag exercise nanaman ako ah, sabi ko sa isip ko.

"george, pumunta na kayo ni drake sa kotse, kami na bahala dito" sabi ni kuya trevor sa dalawa, walang magawa sila george kundi sumunod dahil magiging pabigat lang sila samin ni kuya.

"let's do this" sabi ni kuya at lumapad ang ngiti naming dalawa, it's been a year simula nung huling nangyare ang ganitong eksena. agad itinutok ni kuya ang baril sa lalaking papalapit samin at ako naman sumugod para makipag laban, si kuya sa baril ako sa pisikal, nasa likod ko siya para suportahan ako, pang long range siya kumbaga.

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon