Chapter 19

19 2 1
                                    

George's POV

sobrang bilis ng pangyayari, habang papalapit sakin si kelly ay bigla niya akong tinulak para matumba ako, at ng makita ko yung fiancé ni drake na may hawak na baril agad akong napatingin kay kelly na nakahandusay din katabi ko.

"mag iingat ka sa susunod ha? stupid" at ngumiti ito at hinawakan ang muka ko, naramdaman ko ang init ng kamay niya at pag katingin ko dito ay may dugo ito.

"k-kelly?" at umubo ito ng may dugo, tumakbo si kuya trevor papunta samin at pinilit na buhatin si kelly, nakatulala lang ako, hindi ko alam ano gagawin ko, kahit kanina hindi ko alam pano ako makakatulong, napaka duwag ko.

"GEORGE TARA NA!" sigaw ni kuya trevor at sinakay sa kotse si kelly, mabilis niyang pinaandar ito, at muntik pang banggain sila drake.

1 week later

"kuya kamusta si kelly?" tanong ko kay kuya trevor, nandito ako sa may sala nila. mas minabuti ng ilipat si kelly dito sa bahay, pinayagan naman sila ng doctor, buti nalang daw ay naisugod agad namin sa ospital si kelly dahil dalawa pala ang tama ng bala nito sa braso niya, bukod don madami siyang galos kaya halos maubos na dugo niya, sinalinan na din ito ng dugo at kuya niya nag donate sa kanya dahil pareho sila ng Blood Type, si kuya trevor naman ay hindi ganon kalala ang natamo niyang sugat.

"sabi ng nurse na nagchecheck sa kanya, stable naman na daw kalagayan ni kelly pero hindi padin siya nagigising" Isang linggo na nung mangyari ang insidenteng iyon, isang linggo na din siyang nakahiga, isang linggo na siyang walang malay.

"sir thompson!" sigaw ng nurse na nang galing sa kwarto ni kelly.

nagkatinginan kaming dalawa ni kuya trevor at agad pumanik.

--

Kelly's POV

masakit ang buong katawan ko at halos hindi ko maimulat mata ko, para akong lasing na lasing sa antok, napatingin ako sa paligid ko at napangiti ng mapagtanto kong nasa loob ako ng kwarto ko, napatingin ako sa gawi ng babaeng nandito sa kwarto ko

"uh miss?" mahina kong tawag dito, at mukang nagulat ito kaya naman bigla itong lumabas sa kwarto ko, lah? multo naba ako?

napatingin ako sa magkabila kong braso, psh may nakabalot dito, pati nadin sa binti at pisngi ko, napatigil ng biglang pumasok si kuya sa kwarto ko, kasama si george.

"luis!" sigaw ni kuya at agad akong niyakap, naririnig ko ang paghikbi nito, tinignan ko si george na mukang masaya siya kahit nagluluha na din ang mga mata niya, nakaisip naman ako ng kalokohan.

"s-sino k-ka? sino kayo?" at may pautal utal pakong nalalaman.

"hala? nurse akala koba walang natamaan na critical sa kapatid ko? bakit parang nag ka amnesia siya?" natatarantang sabi ni kuya, gusto ko nang matawa pero tiniis ko muna tawa ko.

"ah sir baka temporary memory loss, tatawagan kopo si doc" sabi ng nurse at lumabas ito, nako yare haahhah.

"ikaw" sabay turo ko kay george

"ako?" tanong nito.

"bakla kaba?" halos matawa na si kuya sa sinabi ko at alam kong nagets niya trip ko, sanay na sanay na ito sakin kaya lagi lang ito nakiki ride sakin.

"kelly stop it, boyfriend mo siya" sabi ni kuya at napangiti ako ng naki ride na siya, iba talaga kapatid ko madaling maka gets, napatingin kami kay george, tinitigan ni kuya si george at parang sinasabi sa tingin nito na Umoo-ka-look.

"a-ah oo, boyfriend moko kel,--- boyfriend niya ako?" at nagulat ito, parang lutang ito sa nangyayari, bumangon ako at ramdam ko ang kirot ng braso ko, inalalayan ako ni kuya.

hinawakan ko ang muka nito at natuod na siya sa kinatatayuan niya, para bang payag siya sa ginagawa ko, nilapit ko ang muka ko sa muka niya, nakatingin ako sa labi nito at pumikit na ito, napangiti naman ako sa itsura niya, napaka cute pala ni george.

"Hi george" sabi ko at tawa kami ng tawa ni kuya, halos mapaupo nako kakatawa, si kuya naman may pag palakpak pang nalalaman habang tumatawa, at yung nurse na kakapasok lang eh nakitawa nadin.

lumabas si george ng nakasimangot, halos sirain na ang pinto dahil sa pagkakasara niya.

sinundan ko ito at nakita kong nasa kusina ito, at nainom ng tubig.

"hey george" pag tawag ko dito at nasamid pa ito dahil nagulat ata siya, lumapit ako at hinaplos ang likod nito dahil nauubo na ito.

"kalma george, ako lang to ahahhah" pagbiro ko dito at sinamaan niya ako ng tingin pero biglang napalitan ito ng lungkot at bigla niya akong niyakap.

"kelly wag mona uulitin yon ha?" sabi nito habang nakayakap sakin.

"ang alin?" kunware hindi ko alam

"yung iligtas ako" at inisiksik niya ang muka niya sa leeg ko.

"aray! gago yung braso ko!" hinigpitan niya kasi ang yakap niya kaya naman na saktan sugat ko, nag peace sign ito at tinanggal ang pagkakayakap.

"ginawa ko yon kasi alam ko na shushunga shunga ka" pagbibiro ko dito at imbis na matawa ay naiyak ito.

"huy bakit ka naiyak? joke lang eh, hindi ka shunga promise, slight lang?" hindi ko talaga magawang magseryoso pag dating sa kanya, gusto ko lagi siyang inaasar.

"baka kasi sa susunod mawala kana ng tuluyan s-sakin, kelly" sabi nito at tinakpan na ang muka niya gamit ang dalawa niyang kamay na parang bata na ayaw ipakita sa mama niya ang nangyayari sa kanya.

hinawakan ko ang kamay nito at ibinaba, pinunasan ko ang mga luha nito at hinawakan muli ang kamay niya.

"tahan kana, hindi ko din kasi alam bakit ko ginawa yon ih" sabay kamot ko sa ulo ko.

"k-kelly, w-wag mokong iiwan ha?" sabi ni george at ako naman ang nagulat ngayon, bakit wag ko siyang iiwan? may nararamdaman naba siya para sakin?

"uhhh?" wala nako masabi eh.

"dito kalang sa tabi ko, please?" sabi niya at halos matunaw puso ko ng makita ko ang mga mata niya na parang nakikiusap sa kanyang ina.

"lagi naman akong nasa tabi mo george" at tinapik ang balikat nito.

"alam ko, p-pero iba pa din kung sakin ka" sabi nito, at nagulat nanaman ako.

"huh?" takang tanong ko. humarap ito sakin at hinawakan ang magkabila kong kamay

at

biglang dumating si kuya at hinila ako para pakain dahil isang linggo na daw akong walang kain, pinauwi niya naman na si george dahil lagi daw akong binabantayan ni george sa kwarto, minsan nga daw nakakatulog na ito sa pag babantay sakin.

--


Hi guys? ituloy kopa ba? :/ nag babasa paba kayo? hehe.

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon