Trevor's POV"wag niyo ako bigyan ng kung ano anong excuse! SABIHIN NIYO PAANO NAKALABAS ANAK KO!" halos mag-echo ang boses ni tatay dito sa kwarto, nasa ospital pa din kami at eto kami ngayon' hinahanap si kelly.
(Trevor Lei Thompson Portrayer)
Kaninang umaga ng magising siya napansin ko na nagbago ang pakikitungo niya sa'min, miski ako ayaw niya akong kausapin, nakita ko din kung paano mag maka-awa si george para lang hindi siya iwan ng kapatid ko
Wala ako sa lugar para pakielaman ang nangyayari sa kanila, pero pakiramdam ko may hindi sinasabi si kelly' Hindi siya ganon' tao, alam namin kung gaano niya kamahal si george simula pa lang nung Senior Highschool sila, akala niya hindi ko pansin pero alam ko na may gusto din si george sa kapatid ko.
Sarap nga kutusan ng kapatid ko noon dahil imbis na lalaki magbigay ng flowers at chocolates, siya pa nagbibigay non kay george.
Nung nalaman ko na namatay sila nanay, halos gumuho na ang mundo ko non' paano na kami ng kapatid ko? Hanggang sa may tumawag sakin at sinabing kailangan ako ng kumpanya namin, Oo alam ko noon pa man na may kumpanya kami, Bata pa lang kami ni kelly' hinahasa na ni tatay ang skills ko, nakapag tapos din ako ng Business Management dahil nga may mga negosyo kami, hindi lang nila sinasabi kay kelly dahil gusto ni tatay at nanay na mamuhay si kelly ng simple.
Intindi ko yon dahil ako ang kuya, ako ang gumawa ng lahat, hindi alam ni kelly na nag aasikaso na ako noon sa kumpanya namin nang makapagtapos ako sa kolehiyo, nag-umpisa na akong mag sanay sa mga negosyo namin' una pa lang alam ko na Mayaman kami pero kahit ganon' sinanay kaming mamuhay ng simple.
Nung nabalitaan ko nga na namatay sila nanay, agad akong pumunta sa manila' para patakbuhin ang Kumpanya namin, akala ni kelly nagtatrabaho lang ako sa manila pero hindi niya alam na inaasikaso ko ang mga naiwan nila tatay, madaming negosyo ang naipundar ni tatay.
KL Luxury Hotel which is nasa manila,
Ice cream Factory dahil miski sila tatay at nanay mahilig sa ice cream, kaya naman hindi lang factory ang pinatayo nito' meron din kaming Ice cream shop at sampung branch ang meron kami dito sa pinas.
May school din kaming pag mamay-ari, ang nag mamanage nito ay si Ruiz'. Ruiz is my bestfriend since 10 yrold pa lang ako anak siya ng driver namin, hanggang sa ngayon nagsisilbi pa din siya samin pero ngayon maganda na ang buhay niya at ng pamilya niya, madami pa kaming negosyo kaya nga nahirapan ako noon dahil kaliwat kanan ang inaasikaso ko, pero ang kumpanyang inasikaso ko ay yung The Royals Company which is mga weapons, cars etc, nahirapan ako nung una syempre dahil hindi lang kami basta nagbebenta, Taga protekta din kami sa mga taong humihingi ng tulong samin tuwing may death threats na pinapadala sa kanila,
gaya nga ng sabi ni tatay samin ni kelly, may grupo na masama at meron din' mabait. Kami yung organization na inuuna ang kaligtasan ng mga tao, hindi kami basta pumapatay o nakikipag basag ulo para lang sa wala, ginagawa namin yon to protect other people' meron din kaming pinoprotektahan na officials, hindi basta basta ang trabaho na iniwan ni lolo kay tatay.
nabalik na lang ako sa reyalidad ng may mabangga akong babae, hindi ko na napansin dahil nakatulala lang ako habang hinahanap si kelly dito sa loob ng ospital.
"S-sorry" she said, tumingin ito sakin at kita ko sa muka niya ang lungkot' may mga luha pa na namumuo sa mata niya, kinuha ko kaagad ang panyo sa bulsa ko at inilahad iyon sa kanya.
"here" umalis na ako doon at nagsimulang hanapin si kelly.
Napatigil ako ako sa pag mamaneho ng may nakita akong kumpulan ng lalaki sa may gilid kung saan walang tao ipagpapatuloy ko na sana pagmamaneho ng biglang may nakita akong isang pamilyar na damit.
Naka nike shirt
shit! that's my sister! dali dali akong bumaba at tumakbo papunta sa kanya, shit! sa tantsya ko walong katao ang kinakalaban niya ngayon, hindi ko alam bakit siya nakikipag away kaya naman nung makalapit ako sa kanya agad ko itong tinulungan sa mga kaaway niya.
"ano bang iniisip mo ha!" galit na saad ko kay kelly habang nakikipagpalitan ng suntok, tatlo nalang ang natitira' alam kong kaya ni kelly ang mga to pero kakagaling niya lang sa sakit!
"i'm bored" walang emosyon niyang saad sabay suntok sa huling kalaban, tinignan ko ito pero malamig lang ang ekspresyon niya, parang hindi siya yung kelly na masiyahin at puro kalokohan ang alam.
"look" sabay hawak ko sa magkabilang braso niya "panibagong peklat nanaman yan" pero wala itong sinabi at lumakad papunta sa kotse ko, halos maawa ako sa itsura ng kapatid ko'
nagulat ako ng may nakita akong dugo na nagmumula sa likod niya' hindi ito basta dugo, Dumudugo iyon! shit!
hindi niya ata nararadaman na may sugat siya sa likuran, lumapit ako dito at tinignan ang sugat na iyon.
"kelly manhid kaba? shit! look, nasaksak ka!" pagkabi ko noon bigla siyang lumingon sakin at ngumiti, kita ko na may lumabas na dugo sa bibig niya, bigla nalang siyang natumba kaya naman nagmadali akong dalhin siya sa ospital.
nakakadurog makita ang kapatid ko na nagkakaganito.
--
George's POV
gabi na ngayon pero nandito ako sa labas ng ospital, parang hindi ko kayang magpakita kay kelly' baka ipagtabuyan niya lang ulit ako.
kalahating oras na akong nakatayo dito sa may labas, aalis na sana ako ng biglang may tumigil na kotse na pamilyar kung kanino ito.
"kuya trevor?" nakumpirma kong siya ng ng bumaba siya pero may kinuha siya sa loob ng kotse niya at binuhat nito,
kelly?
"Nurse! nurse!" sigaw ni kuya trevor, walang malay si kelly habang buhat ni kuya, kita ko din na madaming dugo si kuya trevor sa puti niyang damit, lumapit ako dito at tinignan si kelly.
"george tumawag ka ng nurse!" sigaw ni kuya trevor sakin, hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko si kelly kay kuya trevor at binuhat ito, nakasubsob si kelly sa may leeg ko, tumakbo ako papasok sa ospital at humanap ng nurse.
"love? wag kang bibitaw ha?" naiiyak kong saad dito, hindi ko na ininda ang sakit ng kamay ko sa pagbubuhat sa kanya.
"sir ano pong nangyari" hindi kona pinansin ang nurse at hiniga si kelly sa kama. Inasikaso naman siya agad ng mga nurse.
lumipas ang ilang oras at lumabas na ang doctor, naandito na din sila tita at tito.
"okay na ang pasyente ngayon, she need to rest" tumango tango lang kami dito.
sumilip ako kay kelly at tuluyan ng umalis, alam kong ayaw niya na akong makita' siguro kailangan kong patunayan sarili ko sa kanya' ayokong maging pabigat,
sa pangalawang pagkakataon, wala akong nagawa para protektahan siya.
"Babalik ako kelly, babalikan kita" sabi ko bago ako umalis ng tuluyan sa ospital.
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...