Third Person POV
Mabilis lumipas ang panahon at natapos na ang school year ng walang stress na naiwan kayla kelly, natapos nila ang thesis nila at naipasa, kaya naman ang iisipin na nila sa susunod na pasukan ay ang kanilang OJT.
"tara mag beach tayoooo!" masayang saad ni alex
"good idea alex! stress out naman us wuuuhhhh" sabi ni chloe at kunwaring sumasakit ang sentido nito.
"set agad ng date, bago pa maging drawing" saad ni kelly
"nasan si george?" tanong ni kelly sa dalawa, pero nagkibit balikat lang ang mga ito.
habang nagkukwentuhan ang tatlo biglang napatigil sa pagkukwento si alex at natulala kaya naman sinundan iyon ng tingin nila kelly.
"si george yon diba?" sabay turo ni chloe, si george na may kasamang sexy, maputi at magandang babae.
"kilala mo ba yon kelly?" tanong ni alex kay kelly, pero miski si kelly hindi alam kung sino ito.
kasalukuyan kasing nasa mall silang tatlo dahil nga bibili sila ng susuotin nila para sa outing ng mga ito, nakapag decide sila na mag stay nalang sa resthouse nila alex dahil nga sa mayaman ito, may dagat din don kaya tuwang tuwa ang dalawa nung malaman ito.
"sino kaya yung kasama ni george ano? naiintriga kasi ako mga te" sabi ni alex, dahil wala pa naman napapakilala si george sa kanila na Ex or girlfriend.
"baka kaibigan lang" sabi ni kelly
"bakit hindi manlang pinakilala satin? tss" sagot ni chloe. napaisip naman sila, kung bakit nga wala silang alam kung sino ito.
kinalimutan nalang nila alex at chloe ang tungkol kay george pero si kelly ay lutang dahil sa nakita niyang babae na kasama ni george.
"tss akala ko ba gusto niya ako? bakit lumalandi pa siya? kainis" sabi ni kelly sa kanyang isipan dahil baka pag binanggit niya yon sa mga kaibigan niya eh baka awayin pa si george.
habang namimili sila ng damit, napatingin sila sa dumaan, nakita nila si george kasama ang babaeng nakita nila kanina habang nakangkla naman kamay ng babae sa braso ni george, si george naman ay parang okay lang sa ginagawa ng babae.
halos umusok na sa selos si kelly kaya naman hinila na ng mga kaibigan si kelly paalis sa botique na pinagbibilhan nila.
"kaibigan pala ha" ngising sabi ni alex
"tapatin mo nga ako kelly, kayo ba ni george?" direktang sabi ni chloe
"hindi" tipid na sagot ni kelly at kita sa muka nito ang lungkot.
"guys, nakita ko sila pumasok sa sinehan" sabi ni alex sabay turo sa direksyon kung saan ang sinehan, tumingin si chloe kay kelly
"gusto mo ba malaman kung ano yon ni george? baka kasi umaasa ka lang sa wala kelly!" sabi ni chloe at maluha luha na si kelly dahil nga sa selos at lungkot na nararamdaman nito.
"wag na tara uwi na tayo" sabi ni kelly at naglakad na paalis ng mall.
--
Alex's POV
nakisuyo si chloe na sundan ko sila george at kasama niyang babae, ayaw namin nakikitang nasasaktan si kelly, kaya eto ako ngayon aalamin kung ano ba yon ni george, si george kasi hindi talaga yan nagsasama ng ibang babae bukod samin at sa mama niya, kaya takang taka kami.
nandito ako sa may likudan nila george kaya kitang kita ko mula rito kung anong ginagawa nila, hindi niya pwedeng paasahin si kelly, hindi kami papayag!
napaka clingy naman nitong babaeng to! kung hindi ko kilala si george iisipin ko na mag jowa yan! nakakainis!
"so baby" mapang akit na sabi ng babaeng linta kay george namin, myghad baby?
"uhmm?" saad ni george na para bang walang pake.
"let's make love" direktang sabi ng linta kaya sa sobrang inis ko eh binuhos ko ang popcorn na hawak ko sa kanya bago pa nya ako makita e agad nakong tumayo para umalis ng biglang ...
"alex?" pagtawag ni george, pero hindi ako tanga para lumingon, edi nalaman niyang ako nga kaya nagtuloy lang ako sa pag alis.
bwiset na yan! napaka clingy na nga nung babae tapos gusto niya pa mag make love sila ni george myghad! pupuntahan ko si kelly!
SHE DOESN'T DESERVE THIS KIND OF SHIT! that jerk argh! pano niya nagawang paasahin si kelly ng ganon? akala ko ayos sila, pero kailangan ko ding iklaro kung ano bang namamagitan sa kanila ni kelly bago ako magalit ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...