George's POVPagkatapos kong marinig na gising na si kelly, dali-dali akong pumunta dito sa ospital' kabado akong buksan ang pinto, hindi ko alam bakit siguro dahil masaya ako at gising na siya.
"okay kana ba? anong gusto mong kainin? anong masakit?" narinig kong saad ni tito kay kelly, napatingin si kelly sakin pero bakit ganon? parang nag-iba siya' lumamig ang mga tingin niya sakin, baka guni-guni ko lang 'yon.
"H-hi love" sabay yakap ko dito, sa wakas gising na siya' sobrang saya ko ngayon gusto kong umiyak pero pinilit kong wag dahil ayokong makita ako ni kelly na mahina.
"masakit paba ulo mo? anong gusto mong kainin? ipagluto kita? may dala akong ice cream para sayo" nakangiti kong saad kay kelly, lahat kami ay masaya dahil sa wakas gising na siya.
"i'm fine" malamig na saad nito sakin, miski sila tito nagulat sa inasta niya kaya tinapik lang nito balikat ko hudyat na iiwan muna nila kami ni kelly.
"nasa labas lang kami" sabi ni kuya trevor sakin sabay tapik sa balikat ko, may mali ba? binaling ko ang tingin ko kay kelly na ngayon ay nakatulala, epekto ba 'to ng pagkaka aksidente niya? Intindi ko naman eh.
"L-love kamusta kana?" aaminin ko natatakot ako sa aura niya ngayon, para bang puno ng galit ang aura niya. May nagawa ba akong dapat niya ikagalit?
Tinignan niya lang ako at tumango.
"Love prutas? di ba paborito mo yung apple? Teka ha ipagbabalat kit--"
"Enough, iwan mo muna ako" she said.
"a-ah o-okay love hehe siguro masakit pa ulo at katawan mo, nasa labas lang ako ha? tawagan mo--" hindi ko natapos sasabihin ko dahil tinignan niya ako kung saan walang ka emosyon emosyon ang mata nito. Hindi ba siya masaya dahil nakita niya ako? Kasi ako sobrang saya ko kasi nagising na siya.
"leave me alone george ...
leave me for good" halos mabingi ako nung sinabi niya na iwan ko siya. Hindi nag sisink-in sa utak ko ang sinabi niya kaya naman lumapit ako dito at hinawakan ang kamay niya.
"l-love muntik na akong m-maniwala don ha? i-ikaw talaga m-mahilig ka pa din mang prank no" pinilit kong wag umiyak pero hindi kona talaga mapigilan, oh god please' i can't leave her alone.
"it's not a prank, iwan mo na ako george" tumingin siya sa ibang gawi, iniwas niya ang titig niya sakin' hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para maiharap sakin, hagulgol na ang nagawa ko pero siya para na siyang bato' tangina epekto ba to ng pagkakabangga niya? wala akong naaalala na pag-aaway namin.
"l-love b-bakit? love may nagawa ba akong mali? please p-please tell me l-love" i cried so hard, hindi ko kaya tanggapin yung gusto niya. tangina naman oh! hawak ko padin ang pisngi niya.
"wala, i'm just tired" saad niya, agad ko siyang niyakap at sinubsob ang muka ko sa leeg niya.
"Love magpahinga ka, normal lang mapagod' napagod ka siguro kakatulog no? magpahinga kana ulit, baka wala ka lang sa mood" pilit kong iniiba ang topic namin' dalawa, tangina bakit ba ako umiiyak! baka mamaya prank niya lang to diba.
"tired of loving you" pagpapatuloy niya, para akong tangang umiiyak dito' tumayo ako para tignan ang buong Siya.
"ikaw ba yan kelly? fuck! pagod ka ng mahalin ako? b-bakit? hindi n-naman ako nambabae love ah? l-love please wag ka ng magbiro ng ganyan, please please nasasaktan ako sa biro mo!" napasigaw na ako dahil baka hindi pa nagana ng ayos utak niya, baka dala lang iyon sa aksidenteng nangyari. Tama, baka naalog lang utak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221242527-288-k834284.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...