Paano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare?
may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...
HAPPY 137 READS SATIN! masayangmasaya po talaga ako dahil may nag babasa ng storya na ginagawa ko 😭 nakakatuwa lang po talaga hehe, guys pag bet niyoifollowniyo din po ako then kung bet niyo din paki pindotnadin ang vote hehe yun lang thankyouuuu!!!
ps. kung may suggestion po kayo pwede kayo mag comment, sorry din kung may mga typo.
--
George's POV
"george thankyou!" at biglang yumakap sakin si kelly, gets ko naman kung ano ang nangyayari. masaya ako para sa kanya.
masaya nga ba ako?
"salamat kasi hindi moko iniwan, salamat kasi kahit lagi kitang kinukulit noon eh naging magkaibigan padin tayo, salamat george kasi hindi moko minahal" sabi ni kelly habang nakayakap sakin at patuloy pading naiyak, ako naman nakayakap din sa kanya at tinatapik ang kanyang likod.
pero napaisip ako sa huling sinabi niya,
hindi ko nga ba siya minahal?
"sige na kelly, inaantay kana ni drake" sabi ko sa kanya.
"teka, pano mo nakilala si drake? hindi kopa naman siya pinapakilala sayo o kahit kela alex ah?" sabi nito at agad akong nataranta, umiisip ako ng palusot kasi matanong tong loka lokang to eh.
"gaga! narinig kaya kita kanina psh" pagpapalusot ko, muntik nako don ah.
"ah sabagay, napalakas ata boses ko hehe. osiya kita kits nalang bukas ah? goodnight!!!!" umalis na si kelly at bumalik na sa bahay nila, tumingin ako sa gawi ni drake at tinanguhan ito, inakbayan na ni drake si kelly papasok sa bahay nila kelly.
ang pangit naman ng view :/
--
"sky kamusta si kelly?" tanong sakin ni drake.
"okay lang naman siya, lagi niya akong kinukulit ewan ko ba don" saad ko.
"pag pasensyahan mona, deep inside she's sad" at nakita ko ang lungkot sa mata ng pinsan ko, mag ka video call kami ngayon ni drake sakto kakauwi ko lang galing school.
"bakit ba kasi kailangan kong magpanggap drake? pwede naman iba gawin ko ah? bakit mag bakla baklaan pa?" tanong ko kay drake.
oo malaki utang na loob namin ni mama sa pamilya nila drake, pinsan ko kasi si drake tapos nung time na namatay si papa, nagkasakit din si mama gawa ng di kinaya pag kawala ng padre de pamilya namin, syempre malaking responsibilidad ang haharapin ni mama at solo niya na akong bubuhayin, kaya naman nung kinailangan namin ng pera pang gamot ni mama eh tumulong si tita crisha, nanay ni drake. kaya ganon nalang kalaki utang na loob namin sa kanila, kasi kung hindi nila kami tinulungan baka si mama eh nawala nadin sakin.
"para mabantayan mo siya, pasensya kana sky ikaw lang kasi mapag susuyuan ko sa kanya. aware naman ako kung mag kakagusto sayo si kelly, ang importante lang sakin maging okay na siya, maging okay pakiramdam niya, ayokong ma stress siya dahil sa umalis ako, bro i love her so much, please take care of her" ayokong nag mamakaawa sakin si drake, pero wala nako choice kundi sundin ang pakiusap niya.
"wag ka mag alala, hindi ko siya mamahalin" sabi ko sa kanya, hindi ko naman magugustuhan si kelly, at isa pa ngayon ko lang naman siya nakilala kasi magkaklase kami ngayong senior high school at pareho kaming STEM.
"you'll never know, kahit anong mangyare tatanggapin ko, tutal ako ang may pakana nito, salamat sky" sana lang mag work tong gusto niya, ang hirap kaya mag panggap na bakla.
--
na aalala ko yung panahon na humingi sakin ng pabor si drake, ganon lang talaga kalaki utang na loob ko sa pamilya niya. kaya simula din non hindi ako nag ka girlfriend dahil iniisip nga nila na bakla ako. Pinag aralan ko mag make up, nag search ako kung pano yung mga lengwahe ng mga bakla, pano kilos nila at mga hilig. ginawa ko yon para hindi ako mahalata ni kelly, in short cinareer ko ang pag papanggap na bakla.
kung iisipin ng iba, napakababaw ko at ginawa ko yon dahil lang sa utang na loob, ginawa ko din yon dahil may part ko na gusto ko yung kinukulit ako ni kelly kasi nga akala niya bading ako,
tumagal din ng mag li limang taon ang pag papanggap ko kasama yung ngayon, hindi naman naging mahirap sakin ang magpanggap dahil nung 1styear kami, naging kaklase namin si alex at chloe, mga kalog at fashionista din kaya naman nakakakuha ako idea sa kanila, pero alam nilang dalawa na nagpapanggap lang ako, ang hindi lang nakakaalam ay si mama at si kelly.
ang iniisip ko ngayon, pano kung malaman ni kelly ang totoo? magagalit ba siya sakin? hays life.
pumasok nako sa loob ng bahay at umakyat papunta sa kwarto ko, kinuha ko ang picture frame na nasa tabi ng kama ko,
litrato namin ni kelly nung grade 11 namin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.