Chapter 40

12 2 2
                                    


Kelly's POV

"hello ruiz? yeah we're on our way, okay okay i'll call you later, okay bye" sabi ni kuya sa kausap niya sa telepono.

"bunso pack your things"

"naka ready na kuya, eto oh" sabay angat ko ng bag na dala ko, hindi naman ganon kabigat kaya keri lang.

"sure ka wala kang naiwan ha? your weapon is it in your bag? nag dala kaba ng extra tshirt incase na pawisan ka? jusko kelly mag dala ka, pati pants or short then mag dala ka ng tumbler mo okay? para pag nauhaw ka may iinuman ka" napapailing nalang ako sa kapatid ko, sure ba syang may laban kaming pupuntahan? akala ko kasi magka camping.

"kalma kuya, nandito na sa bag ko okay? tara na" tumango naman ito at umuna na siyang lumabas, sabi ko kasi tatawagan ko lang saglit si george, sigurado nasa byahe na sila ni tita.

"hello love? huhu love i miss youuuuu" napangiti naman ako sa malandi kong jowa, na-adopt niya na siguro ang ugali ng pagiging bakla niya noon. napaka clingy.

"hey, kamusta? nasa byahe naba kayo?"

"ayos naman ako love pero nalulungkot din ako syempre kasi hindi kita kasama, oo nasa byahe na kami ni mama"

"mag-iingat kayo ha? anong sasabihin mo kapag may lumandi sayo?"

"bawal akong landiin, may jowa ako nangangagat" rinig ko ang hagikgik niya.

"good, baka gusto mong putulin ko yang ano mo pag lumandi ka haha, osya ibababa kona to ha?"

"hala? ibababa agad? may pupuntahan kaba love?" nakaramdam naman ako ng guilt, hindi kasi alam ni george na may lakad kami ni kuya ngayon.

"ha? wala love. maglilinis lang akong bahay" sana makalusot.

"ah okay bye i love youuuu"

"i love you, mwah!" inoff kona ang call at pinatay kona din muna ang cellphone ko. lumabas na ako baka magalburoto na kapatid ko pag pinag antay kopa siya ng matagal.

nilock kona ang pinto namin at nag lakad papunta sa may gate namin, nahagip naman ng mata ko si kuya na nag sasalamin sa isang kotse na nakaparada sa may tabi.

"huy kuya, nakakahiya ka! halika na nga babyahe pa tayo" pag saway ko sa kapatid ko, nakakahiya kasi, baka mamaya nakatingin pala may ari tapos todo salamin siya don.

imbis na lumapit ito sakin, sumenyas pa ito na lumapit ako, ako naman ay sumesenyas na lumapit siya. parang tanga diba? Nagulat nalang ako ng pumasok ito sa kotse na pinag sasalaminan niya. Wtf? pinaandar niya ito at itinigil sa harapan ko, ibinaba niya ang bintana ng kotse at tumingin sakin.

"sasakay kaba o hindi?" ngumisi ito ng nakakaloko.

"saan mo kinuha yan? hala baka nakaw yan kuya ha?" nakakagulat kasi, wala naman siyang nababanggit na bumili o umutang siya ng kotse.

"okay iwan na kita dyan" inandar niya yung kotse at humabol ako, gago talaga tong kapatid ko. minsan sweet madalas gago!

"pota! seryoso kaba? iiwan mo talaga ako? gago ka din eh no, eto na sasakay na nga" napalitan kasi ng kunot na noo ang ekspresyon ni kuya dahil sa minumura ko ito kaya agad akong sumakay, gusto ko mamangha sa kotse, pero ayokong mamangha baka asarin ako ng kapatid ko.

"go on" sabi ni kuya kaya nalilito ako.

"anong go on ka dyan?" umira ako dito at nilagay ang bag ko sa backseat.

"go on, mamangha ka. Halata sa muka mo na gusto mo mamangha eh" hindi ko alam kung nag aasar ba siya o hindi. imbis na sagutin ko siya, pumikit nalang ako dahil sabi ni kuya dalawang oras bago makarating sa pupuntahan namin, hindi ko na din tinanong kung saan dahil tiwala naman ako sa kapatid ko, alam ko namang planado niya ang bagay bagay.

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon