Chapter 47

11 1 0
                                        


Nakatitig pa din ako sa monitor kung saan na'ndito ang CCTV footage nung nangyari ang barilan.

"ibalik mo" sabi ni kuya sa tauhan ni tatay "stop, izoom mo nga" utos ni kuya.

"it can't be" hindi makapaniwalang saad ni tatay, naandito kami ngayon sa office ni tatay' may office din pala siya dito sa bahay, ngayon ko lang nalaman dahil ilang araw palang naman kami dito.

inutos ni tatay na kunin yung copy sa cctv  dahil may gusto sila ikumpirma, Si nanay ayos naman siya ngayon' kinwento ni namay kung bakit nahuli si george, Pumunta pala si nanay sa secretwall para makalabas sila ng mansyon, sakto daw nakita nila si drake, kilala naman 'yon ni nanay dahil naging nobyo ko ito no'n, ayon akala nila kakampi bigla nalang daw hinigit si george at tinutukan ng baril, wala naman magawa si nanay dahil hindi siya mahilig makipaglaban gaya namin nila tatay.

Si george naman ay nasa kwarto niya ngayon, pinatulog ko muna siya kanina bago ako pumunta dito sa office ni tatay. Pumayag si tatay na pumasok ako sa kwarto ni george dahil naiintindihan niya naman daw.

balik sa usapan' drake isa siya sa tauhan ng kabilang organisasyon, pinaliwanag din sa'min ni tatay kung ano ba talaga nangyayari at kung ano yung mga organisasyon na tinutukoy nila.

~

"Alam ko naman na hindi mo sasabihin ang pakay mo bata " tanong ni tatay kay drake, pinadala ni tatay si drake dito sa basement. Na'ndito kami sa malawak na silid kung saan walang kalaman laman, nakatali lang ang kamay ni drake habang nakaluhod ito sa sahig.

"gusto ko lang makita si kelly" sagot nito habang nakatingin sakin. Hindi ko inaasahan na ganito pala siya.

"Anong grupo pinaglilingkuran mo bata?"-tatay

"King of Spade" tipid na sagot nito, puro dugo ang muka nito dahil bukod sakin, sinuntok din siya ni kuya trevor' ang lakas nga ng loob niya pagtangkaan buhay ni george gayong siya nalang pala natitirang nakatayo kanina, lahat ng kasamahan niya ay napabagsak na namin.

"i see" sabay tango ng tango si tatay tila ba may naglalaro sa kanyang isipan, nakakatakot ang ngiti niya ngayon hindi ako sanay.

"How dare him to interupt my party tss, trevor tanggalin mo na ang nakatali sa kanya" nagtaka naman kami ni kuya dahil papakawalan namin si drake, seryoso ba si tatay? pero never naman nagloko si tatay kaya sinunod na din ni kuya. Tumingin ako kay drake na pati siya mukang naguguluhan sa nangyayari.

"I'll give you chance to live kid, but in one condition" seryosong saad ni tatay kay drake, Kaming apat lang ang tao dito sa silid. Lumapit si tatay kay drake at may binulong ito' nanlaki ang mata ni drake para bang may nakakatakot na binulong si tatay.

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon