Chapter 27

11 1 0
                                    

George's POV

nandito nako ngayong sa bar, kasalukuyang nakatungo na sila alex at chloe sa lamesa samantalang si kelly ay nag iinom pa,

"tama na yan kels" sabay pigil ko sa pag tungga niya.

"tss" yan lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya at nagpatuloy siya sa pag inom, binilang ko ang bote na ininom niya.

"ikaw ba lahat uminom niyan?" gulat na tanong ko, dahil sampu ang mga yon.

"obvious ba" saad nito

"kelly, tara na iuuwi kona kayong tatlo" at hinawakan kona si alex para alalayan, mukang lasing na lasing nanaman itong dalawang to hays, binuhat kona lang si alex at si kelly inakay si chloe, napangiti ako ng sumunod ito sakin.

nandito ako sa driver seat at si kelly ay katabi ko, samantalang yung dalawa ay nakahiga sa back seat.

"ah kelly kumain kana?" tanong ko habang nag mamaneho, ano bang tanong yan george, malamang kumain nayan tss.

"yeah" saad nito.

"kelly hindi kaba nahihilo?" nag aalala kong tanong, para kasing walang tama yung alak na ininom niya.

"hindi" tipid na sagot niya, at hinatid kona muna sila alex at chloe sa bahay nila tutal isang way lang yung samin ni kelly.

kaming dalawa nalang ang nasa byahe, pero hindi makabasag pinggan ang katahimikan, hindi ako sanay na tahimik si kelly.

"nandito na tayo" sabi ko kay kelly at bumaba naman na ito, napahinto pa siya sa pagbukas ng gate dahil andon padin mga regalo ni zeus, tsk.

kinuha niya iyon at inilayo ang bulaklak sa kanya pero kasama niya padin yon sa pagpasok, ako naman ay pumasok na din sa bahay namin para magpahinga at maghanda para bukas.

--

Kelly's POV

hindi pa din ako makatulog hanggang ngayon, tubig lang ata binigay saking inumin kanina eh tss.

tinignan ko ang bulaklak, chocolate at paperbags na nasa study table ko, nilapitan ko dito at humanap ng tanda kung kanino galing ito, pero wala naman nakalagay kung kanino galing to, nag kibit balikat nalang ako at kinuha phone ko at binuhay ito.

puro missed call ni zeus at text naman mula kay george, nakuha ng atensyon ko yung unknown number

from: 0915-------

see you tomorrow, luis

baka ibang number lang to ni kuya or nila george.

so kay zeus pala ng galing to, hindi paba siya matatapos sa pagbibigay ng regalo? tss.

nilayo ko ang bulaklak mula sa kwarto ko, dahil simula kanina nababahing nako, ayoko lang iwan to sa labas.

bumalik ako sa kwarto at tinignan laman ng paperbags, plural kasi madami. hindi ko alam pero pakiramdam ko nag aaksaya na si zeus ng pera niya, panibagong sapatos nanaman ang binigay niya sakin Oo mahilig ako sapatos pero kakabigay niya lang sakin, tatlong sapatos ito na nike ang brand.

si zeus talaga parang wala ng paglagyan ng pera eh.

kinabukasan

nagising ako ng masakit ang ulo, argh kala ko walang epekto sakin alak kagabi, bumaba nako at pumuntang kusina, syempre di ako maalam magluto kahit gustuhin ko mang mag soup, ang kinuha konalang ay cup noodles at nilagyan ito ng mainit na tubig.

tutal linggo ngayon mag ge general cleaning ako, masakit padin ulo ko pero uminom nako ng gamot para ma lessen yung pain.

binuksan ko ang cellphone ko at nagpatugtog para naman ganahan ako, tipong mapapasayaw sana ako? hahah

Love KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon