Kelly's POVpumasok na kami ni kuya dun sa secret wall na yon, hindi ko alam ang tawag kaya secret wall muna pansamantala.
"young master, pinapatawag po kayo ni master" sabay yuko ni kalbo sa amin, yumuko din ako pero binatukan lang ako ng kapatid ko.
"what? ginaya ko lang naman siya ah tss!" lumakad na si kuya at ngumiti sa akin si kalbo, nginitian ko din ito.
"mga anak ko" saad ni tatay habang nakabuka ang kanyang mga kamay, hudyat na yakapin namin siya. Lumapit kami dito at nagpayakap.
"si tatay naman parang timang, kakakita mo lang samin kanina eh, aray naman kuya!" nakaka-ilang batok na ba tong kapatid ko? nabobobo na ako.
"trevor!" saway ni tatay kay kuya kaya naman dinilaan ko si kuya trevor hahaha, di hamak na mas lab ako ni papa kaysa sa kanya.
"bunso miss lang kayo ni tatay ha? pasensya na kung kinailangan naming hindi magparamdam sa inyo ng kuya mo ha?" pagpapaliwanag ni papa, kumalas na kami sa pagkakayakap at sinabi niya na ililibot niya daw kami sa lugar na to.
habang nag lalakad kami sa hallway, pinapaliwanag ni papa ang bawat weapon na nakalagay sa glass tube? o glass box? haha aba ewan ko ba dito basta parang nasa museum.
"itong espada na ito, ayan ang sa lolo niyo" sabay turo ni tatay sa mahabang espada pero hindi malapad. mukang magaan lang ito, pinaliwanag pa ni tatay ang iba pang kagamitan dito. Napatingin muli ako sa knife na kagaya nung nasa bag ko.
"you like that?" sabay turo ni tatay sa knife. tumango naman ako dito.
"bunso kagaya nung dala mo ah? mas maganda nga lang yan" tama si kuya. Mas maganda ito.
"sabagay mahilig ka naman talaga sa mga ganyang weapon, hindi basta basta yan anak. Masyado yang delikado dahil may dumadaloy dyang kuryente" namangha naman ako sa nalaman ko. ibig sabihin kapag sinaksak ko sa kalaban makukuryente sila?
"base sa expression mo anak, nasa isip mo na makukuryente ang madadampian nito. Oo anak, ihiwa mo ito sa kalaban tiyak na mangingisay na agad ito. Yan ang bagong labas na weapon dito ngayon" napa wow nalang ako.
natapos ang pag tour sa amin ni tatay sa mga weapon na naandito. Sinabi niya na uuwi kami sa bahay ngayon kaya lumabas na kami ni kuya trevor at inaantay sila tatay. sumenyas si tatay na sundan namin siya, kaya sumakay na kami ni kuya sa kotse niya.
"matulog ka muna bunso" tumango nalang ako kay kuya at pumikit.
"baka makita tayo ng girlfriend mo hihi" pinulupot ng babae ang kanyang kamay sa beywang ng isang lalaki.
"hindi yan, halika na dito" sabi nung lalaki at hinapit ang babae.
"ako nalang kasi" saad ng babae, at unti unti niyang nilapit ang muka niya sa lalaki at naghalikan ito.
"george ah sige pa uhhh" saad ng babae, kitang kita ko na nagugustuhan din ni george.
"ibebreak ko na si kelly para sayo, sarap mo bEh" at pinag patuloy nila ang karahasan nila.
"WAAA PUTANGINA MO GEORGE!!!!" napabalikwas ako sa pag kakahiga ko, nauntog naman ako dahil nasa kotse pa pala ako.
"aray!"
"bunso? bakit mo minumura si george?" tanong ni kuya sa akin habang nagmamaneho.
"ah, panaginip lang pala hehe" napakamot nalang ako sa ulo ko, jusko po! akala ko ay niloloko na ako nung lalaking yon. nako puputulin ko talaga ano niya.
"nandito na tayo" sumilip ako kung nasan na kami, napaka laking bahay naman nito.
"dyan ba talaga kuya?" tanong ko dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/221242527-288-k834284.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Kelly
ActionPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...