Kelly's POVNagising ako dahil sa paulit ulit na pag tunog ng cellphone ko, kinapa ko si george sa higaan ko pero laking gulat ko na wala ito. bumangon nako at kinuha cellphone ko, nakailang missed call na si kuya. Ano naman problema nito? Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng makita ko na natawag si kuya.
"Hoy luis wala kabang balak bumaba at kumain ng umagahan ha?!" nailayo ko nalang ang cellphone ko dahil sa sigaw ni kuya.
"kalma boss pababa na, ay bastos" hindi pa ako natatapos sa pag sasalita pinatayan agad ako. o diba nasa baba lang siya pero imbis na katukin ako eh tatawag nalang, kakaiba.
bumaba na ako bago pa mahighblood si kuya, naabutan ko siya sa kusina at nakasimangot ito.
"goodmorning my handsome kuyaaa" sabay kiss ko sa pisngi nito, galit kasi siya. Tuwing galit siya lagi kong kinikiss pisngi niya o niyayakap siya. Ganon kami ka close.
"goodmorning mo muka mo! kain na" asar na saad niya at pinunasan ang pisngi niya, Hahaha ano bang inaarte ng kapatid ko, umupo na ako at napangiti sa nakahaing na pagkain sa harapan ko. Nakakatikim lang kasi ako ng lutong bahay kapag nandito si kuya, pag wala siya laging instant noodles kinakain ko at hindi nga ako maalam magluto.
"pinapasabi ni george na may pupuntahan lang daw siya" sabi ni kuya habang nakain. sino naman pupuntahan niya? hindi ko na yon inisip, kumain nalang ako at ninamnam ang masarap na luto ng kapatid ko.
tapos na kaming kumain at pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto, hanggang ngayon iniisip ko padin yung tao na pakiramdam ko na nagmamasid sakin. o baka napapraning lang ako?
pero baka mamaya kasabwat yon ng sinasabi ni kuya na may kagagawan sa pagkawala nila nanay?
argh! tatanungin ko nalang si kuya.
bumaba na ako papunta sa may sala at sakto nandon si kuya. tumabi ako dito at huminga ng malalim.
"kuya, may tanong ako" seryosong saad ko.
"ano yon bunso?" lumingon ito saglit at ibinalik ang tingin sa tv.
"kuya patay naba talaga sila nanay?" nanlaki naman ang mga mata nito tila ba hindi inaasahan na itatanong ko yung bagay na yon. Pakiramdam ko talaga may mali.
"hays, siguro hindi kona din matatago sayo lalo na't napaka matanong mong bata ka" saad ni kuya kaya lalo akong nagulugan
"Simula nung binalita na may aksidenteng nangyari dun sa bus na sakto na pauwi sila nanay at tatay nagtaka na ako, Una hindi natin sigurado na nag bus ba sila pauwi, Pangalawa hindi natin nakita yung katawan nila nanay, sabi nila sampu ang namatay and the rest of the passengers are safe pero may mga galos. Hindi ba nakakapagtaka? kung doon nga sumakay sila nanay at tatay edi sana makikita natin sila kung hindi man sila nasawi, makikita natin sila na nagalusan. Pero wala kelly! kaya nag decide ako na kumilos, nag paimbestiga ako kung, inalam ko kung sumakay ba talaga sila sa bus, pero sabi ng inutusan ko, base sa mga nakakita kela nanay hindi daw sila nag bus, may kotse daw na sumundo sa kanila" para akong batang nakikinig sa paliwanag ni kuya, kahit mahirap isaksak sa utak ko mga sinasabi niya eh pinipilit ko padin na intindihin.
"y-you mean buhay pa nga sila? pero bakit hindi sila nagpapakita kuya? may nagawa ba tayong mali para hindi nila tayo uwian? kuya tell me why" hindi kona kinaya, tuluyan na akong naiyak. Bakit hindi sila nagpaparamdam? magtext man lang. ano bang problema nila nanay, nakaka tungina naman eh.
"kelly, wala ka ba talagang maalala? hindi mo ba na aalala na matapang sila nanay at tatay? hindi mo ba na aalala kung paano nila tayo protektahan nung may mga taong nagtangkang sugudin tayo dito sa bahay? b-bunso wala kaba talagang ma-alala kung anong trabaho nila nanay?" naiiyak na din si kuya, Wala akong maalala! hindi ko alam bakit! pero wala akong maalala.
BINABASA MO ANG
Love Kelly
БоевикPaano kung isang araw malaman mo na hindi pala imposible yung mga bagay na akala mo hindi mangyayare? may crush ka pero hindi ka crush? malay mo palihim siyang sumusulyap sayo, hindi mo din masasabi kung inaantay niya lang yung tamang oras para sa...