Introduction

3.5K 74 14
                                    

Sino ba'ng may gusto ng malungkot na buhay?

O, ng malungkot na bahay?

Meron ba?

Wala naman siguro, 'no?

Kung pwede nga lang masaya nalang palagi, 'di ba?

'Yong walang iniisip na problema... 'yong chill lang tayong lahat. Sarap isipin no'n.

Pero hindi gano'n ang reality.
Dahil ang reality ay hindi perfect.

Well, hindi ka tao kung perfect ka. Kung sa tingin mo naman ay perfect ka, sampalin mo sarili mo, baka nananaginip ka lang.

Walang buhay na perpekto at lalong walang taong perpekto. Lahat may pagsubok whether we like it or not.

Minsan nga kapag may dinaramdam tayo, umiiyak nalang tayo mag-isa. Ang emo no'n... pero totoo, 'di ba?

Kunwari matapang. Sus. Kahit gaano ka pa katigas, dadating at dadating 'yong time na kakailanganin mo ding umiyak para mailabas mo 'yong mabigat sa loob mo, 'yong nagpapahirap sa 'yo.

Parang si Anya.

Ayaw niyang nakikita ng ibang tao na umiiyak siya. Very optimistic. Palaging naka-smile. Kahit malungkot siya ay nagagawa niya pa ding pasayahin 'yong mga taong nasa paligid niya. Kahit mahirap ang kinagisnan niyang pamumuhay ay 'di siya nawawalan ng pag-asa. Ampon, ulila, pinapahirapan pero kung titignan mo, parang walang problema. Lagi kasing naka-tawa.

Mula nang mamatay sa panganganak sa kanya ang mama niya, hindi na siya inintindi ng papa niya. Well.. kahit naman siguro buhay ang mama niya wala pa ding pakialam sa kanya ang papa niya. 'Yon ang sabi ng mga kinalakihan niyang pamilya kaya 'yon ang pinaniwalaan niya. Palibhasa raw kasi, ayaw ng pamilya ng papa niya sa mama niya dahil mahirap lang daw sila. Malayong-malayo sa estado ng buhay ng mga Maux na parang ginagawa lang kapit-bahay ang iba't ibang bansa dahil sa mga negosyo nilang kailangan nilang atupagin. Money matters 'ika nga.

Half-French ang papa ni Anya. Ang huli raw balita ay nasangkot sa isang aksidente si Hugh Maux kaya hinihinalang patay na raw siya. 'Yon ang sabi ng yumaong lola niya, ang nag-iisa niyang kakampi. Nang mamatay din ang lola niya, ipinaubaya nalang siya sa nag-iisang kapatid ng mama niya. Si Tita Shirley niyang sugalera, maldita, intrimitida at insekyora. 'Yon ang naging simula ng kalbaryo sa buhay niya. Dagdag pa natin 'yong pinsan niyang inggitera.

At bakit kaya merong mga taong mahirap intindihin? 'Yong tipong nasa kanila na nga ang lahat pero hindi pa rin sila masaya. Magandang buhay, magandang bahay, madaming pera, magandang itsura, magandang katawan, magandang boses, bully, mapanlait, masungit--Ay! wag niyo pong isama 'yong tatlong nahuli. Hindi po maganda 'yon, na-carried away lang po ako, pero totoo 'yon. Oo, salbahe siya. I mean, I'm talking about a specific person.

He's the great Lyndon Montemayor III or simply Lee.

Hindi marunong ngumiti! Ewan! Baka nung nagsabog si Lord ng happiness, naka-payong siya! O kaya naman baka nakahilata siya, baka nga naghihilik pa. O 'di kaya naman, baka dahil sa hindi buo ang pamilya niya at nang minsang nagmahal siya ng sobra ay niloko siya.

Basta! Para siyang may sariling mundo, alien? Gwapong alien!

Ano kaya ang mangyayari 'pag nag-krus ang landas ni Anya at ni Lee?

Talakan overload?

Excited na kong malaman, kayo ba?

Alamin na natin! Masaya 'to! TARA!

Enjoy reading!

-doyouknowabby

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon