Hyejin's POV
Ilang minuto na ba kong nakasandal dito sa paborito kong puno ilang metro lang ang layo sa bahay namin. Scratch that, sa bahay pala ni papa. Hindi ko naman gustong pumunta pa rito, tinitingnan ko lang ang lagay ng mommy at ng kapatid ko.
*Sigh*
"Ate?" napaigtad ako dahil sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.
"Hera" banggit ko sa pangalan ng kapatid ko.
"Pambihira ka ate! Saan ka ba nagpupupunta at ilang araw ka ng wala sa bahay?" nakapamewang pang tanong nya sakin.
"Huh? Hindi mo ba alam?" nagtatakhang tanong ko sa kanya.
"Ang alin?" nalilitong balik-tanong nya naman.
"Pinalayas ako ni papa" napapabuntong hiningang sabi ko.
"Anong sabi mo? Bakit?!" OA na naman to. Tsk.
"He found out na bisexual ako at ayon... tinakwil ako." plain na sabi ko.
"Anong sabi ni mommy? Bakit sya pumayag? At bakit hindi nila sinabi sakin?" sunud-sunod na tanong nya.
"Hinay-hinay lang, mahina ang kalaban." nakasuko pa ang pareho kong kamay. "Wala naman magagawa si mommy dahil nakapagdesisyon na si papa. At isa pa ayoko rin namang manatili sa iisang bahay kasama ang taong hindi ako tanggap." bumuntong hininga ulit ako. "Hindi ko rin alam kung bakit hindi nila sinabi sayo. O baka wala na talagang pakialam sakin si papa at pinagsabihan nya si mommy na wag na akong pag-usapan pa." walang ganang sabi ko.
"Saan ka umuuwi ngayon?" nag-aalalang tanong nya.
"Kina lolo" nakita ko namang napanatag ang ekspresyon ng mukha nya sa naging sagot ko.
"Pinilit ka noh?" natatawang tanong nya.
"Hindi naman, pero sabi ko ay sa kanila ako titira kung papayag syang magtrabaho ako." sabi ko.
"Ano pa nga ba? Ikaw yan eh hahaha. May bago pa ba don? Masyado kang matured mag-isip, ate." naiiling na sabi nya. "At lalong mataas ang pride mo." dagdag nya pa bago humagalpak ng tawa.
"Hindi ako ma-pride, ayoko lang talaga umasa sa kanila o sa kahit na sino. Alam mong hindi ko ugali yon." pagpapaliwanag ko pa.
"I know, I know, nagbibiro lang naman ako" natatawa pa rin ito.
"Alis na ko. Sumilip lang talaga ako para tingnan ang kalagayan nyo. Bantayan mo si mommy at 'wag kang magpasaway. Balitaan mo na lang ako. Bye" pagbibilin ko pa sa kanya bago sya talikuran.
"Okay!" rinig ko pang sabi nya. Kinawayan ko lang sya ng nakatalikod habang patuloy pa rin sa paglakad.
.....
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Napasimangot ako nang makita ang oras.
Tsk, alas diez na pero wala manlang gumising sakin.
Nagtungo ako ng banyo at ginawa ang morning routine ko. Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakita ko si lola sa salas habang nanonood ng tv. Pinapanood na naman nya ang paborito nyang drama.
"Goodmorning, lola" bati ko nang makalapit at humalik sa kanyang pisngi. "Bakit 'di nyo 'ko ginising?" nakangusong himutok ko pa.
Marahang tumawa muna sya bago nagsalita. "Goodmorning din, apo. Masyado ka kasing napagod kahapon kaya hinayaan kitang matulog ng mahaba." nanatili akong nakanguso sa kanya. Pabirong ginulo nya ang buhok ko dahil sa pagkatuwa sa hitsura ko. "Mag-almusal ka na dahil malamang ay gutom ka na." tumango lang ako sa kanya at nagtungo sa kusina para mag-almusal.
