Chapter 34

129 5 0
                                    

Hyejin's POV

Pasulyap-sulyap ako kay Zeyn na nakaupo sa passenger seat. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Matapos ko kasing sabihin sa kanya kanina na mahal ko rin sya ay natahimik sya bigla. Akala ko ay may sasabihin sya pero nanatili lang syang tahimik hanggang sa matapos kaming kumain. Nag-aya nga agad syang umuwi eh, sinabi nya rin na sa bahay na lang nila ko sya ihatid. Bukas na lang daw nya kukunin yung kotse nya.

Bumaba agad sya ng sasakyan nang makarating kami. Pagbubuksan ko pa naman sana sya ng pinto. Dali-dali na rin akong bumaba at sumunod sa kanya.

"Zeyn" tawag ko sa kanya. Napatigil naman sya at lumingon sakin. Napalunok ako nang makitang seryoso ang mukha nya. "A-ahm" nasabi ko na lang at lumapit sa kanya.

"What?" tanong nya.

"Yung kanina..." pabitin na sabi ko. Tumaas naman ang isang kilay nya. Hot. "I really mean it, mahal din kita" nakatitig sa mga mata nyang sabi ko. Pinanood ko kung paanong dahan-dahan nyang ibinaba ang mga pinamili nya sa gilid ng gate nila. Napalunok ako ng mabilis syang naglakad palapit sakin. Nakakakaba yung seryoso nyang mukha. Sasampalin nya ba ako?

Pero nagkamali ako nang naisip. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod nyang ginawa. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng labi nya. Hinalikan nya ako. H-hinalikan nya ako!

Napapikit na rin ako nang magsimula nyang igalaw ang labi nya. Niyakap ko sya sa bewang at agad na tumugon sa halik nya. Ang lambot, ang sarap sa pakiramdam ng halik nya.

"I love you" sabay naming sabi nang magbitaw. Parehas pa kaming habol ang hininga. Napangiti ako at hinawakan ang kaliwang pisngi nya.

"Kinabahan ako sayo kanina" sabi ko. "Akala ko hindi ka natuwa sa pag-amin ko." nakangusong sabi ko na. Napangiti naman sya at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi nya.

"Bakit mo naman naisip na hindi ako natuwa?" tanong nya.

"Ang seryoso mo kasi tapos ang tahimik pa. Medyo naging ilap ka pa sakin." sagot ko. Lalo naman syang napangiti.

"Paano ba naman, nabigla ako sa pag-amin mo. At saka pinipigilan ko kasi yung sarili kong lapitan ka para halikan. Mahirap na, nakakahiya naman kung hahalikan kita sa harap ng maraming tao. Agaw eksena yun" natatawang sabi nya. Napailing ako at niyakap sya. Naramdaman ko namang niyakap nya rin ako at hinaplos-haplos pa ang likod ko. Parang na-relax naman ang katawan ko sa ginawa nya.

"Nandan ba sa loob ang mom mo?" tanong ko sa kanya habang yakap pa rin sya.

"Hmm, wala po. Sa isang araw pa ang balik nya, why?" sagot naman nya.

"Balak ko sanang magpaalam na liligawan kita." sagot ko.

"What?" gulat na tanong nya at napabitaw pa sakin.

"Ayaw mo?" tanong ko. Napailing naman agad sya. Kita ko pa ang biglaang pamumula nya. Natatamaan kasi ng liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw ang mukha nya.

"G-gusto, nabigla lang ako" sagot nya at nag-iwas ng tingin. Napangiti naman ako at hinila ulit sya palapit sakin. Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya. Sinalubong naman nya ang tingin ko.

"I want to court you, papayag ka ba?" masuyong tanong ko.

"Oo naman" nakangiting sagot nya.

"Pupunta ulit ako dito kapag nakauwi na ang mom mo, huh? Magpapaalam ako sa kanyang liligawan kita." sabi ko.

"Okay" nakangiting sabi nya. "Kay dad, hindi ka magpapaalam?" tanong nya pa. Umiling naman ako.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon