Cayenn's POV
Kanina pa ako nakasimangot dito sa isang tabi. Pasimpleng sumisilip sa dalawang naghaharutan.
"Psh, pa-cute. Akala mo naman nakakatuwa ang itsura nya." bubulong-bulong na sabi ko.
"Pinabibigay nga pala ni mama. Salamat daw kasi bumisita ka kagabi." sabi pa nung unggoy kay Andrea matapos iabot ang paper bag.
"Salamat, Alex. Pakisabi kay tita na salamat din at nag-enjoy ako kagabi." nakangiting sabi naman ni Andrea. Napa-make face naman ako.
"Matagal pa ba kayo dan?" inip na tanong ko sa kanila. "Sabihin nyo lang para ako na ang mag-adjust." sarkastikong sabi ko pa.
"Ah no, tapos na sorry" sabi sakin nung unggoy. Napairap naman ako. "Sige Andrea, mauna na ako" sabi nya pa bago umalis.
"Psh" umirap ako ulit.
"Nakasimangot ka dan? Agang aga high blood ka. Nag-almusal ka ba?" tanong sakin ni Andrea.
"Paki mo?" sabi ko at nagsimulang maglakad. Sumakay ako ng elevator at sumunod naman sya.
"Ang sungit mo na ngayon. Parang dati lang hindi ka pumapayag na umuwi ako hangga't hindi kita kini-kiss sa cheeks." nang-aasar na sabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Dati yon" masungit na sabi ko. Napailing naman sya.
Naglakad na ako palabas ng elevator at sumalampak sa sofa nang makarating sa office nya.
"Oh" sabi nya sakin. Nilingon ko naman sya, inaabot nya sakin ang isang mansanas. Tinaasan ko sya ng isang kilay.
"Saan galing yan?" masungit na tanong ko.
"Sa mama ni Alex, baka kasi nagugutom ka. Oh, kunin mo na" sagot naman nya.
"Ayoko" sabi ko at tumayo.
"Ang arte mo" inirapan ko lang naman sya. "Hey, saan ka pupunta?" tanong nya nang maglakad ako palabas.
"Dan lang, babalik din ako agad" sabi ko.
Lumayo pa ako ng kaunti nang makalabas ako ng opisina. Naglakad ako palapit sa malaking bintana dito. Tinanaw ko ang mga taong dumadaan at nakatambay sa harap ng company building. Napabuntong-hininga ako bago ilabas ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Jin.
"Hello?" sagot nya sa tawag.
"Nasaan ka?" tanong ko.
"Nasa bahay pero pupunta ako ng mall para bumili ng susuotin ko mamaya." sagot naman nya.
"Ngayon ka pa lang talaga bibili eh mamaya mo na gagamitin." napapairap na sabi ko. Narining ko naman syang tumawa. "May ipapasuyo sana ako sayo." sabi ko pa.
"Ano yon?" tanong nya.
"Ibili mo ako ng isang bouquet ng white rose. Bukas ko babayaran sayo, ipa-deliver mo dito sa company. Ipangalan mo kay Andrea" sabi ko pa.
"Woah, don't tell me manliligaw ka na? Akala ko ba ay hindi ka marunong?" pang-aasar nya.
"Hindi nga, kaya nga ipapadala mo lang eh. 'Wag mong palalagyan kung kanino galing." sabi ko pa.
"Okay, pero bakit naisipan mong padalhan ng bulaklak?" usisa nya pa.
"Naaalibadbaran ako kay unggoy eh. Baka sakaling tumigil kapag may nagpadala ng bulaklak kay Andrea." sagot ko.