Hyejin's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at friday na agad. Lumabas na 'ko ng kwarto para mag-almusal.
"Goodmorning everyone" masiglang bati ko nang makarating sa kusina.
"Mukhang good mood ka ah" sabi ni Clint. Nandito na naman pala ang limang 'to. Dati ay si Lei lang ang bumubulabog sa umaga ko. Simula kasi nung Wednesday ay palagi na silang dito nag-aalmusal. Gusto daw kasi nilang sabay-sabay kaming pumasok.
"Medyo" sagot ko sa kanya. Nalaman na kasi namin ni lolo kung sino ang naglalabas ng pera sa kompanya. At sya na daw ang bahala don. Dinagdagan nya rin ang sweldo ko bilang reward. Lumalaki na ang naiipon kong pera.
"Goodmorning din, couz" bati ni Mayu at humalik pa sa pisngi ko. Nginitian ko lang sya at lumapit kay lola.
"Goodmorning, gorg" bati ko kay lola at hinalikan sya sa pisngi. "And goodmorning, handsome" baling ko naman kay lolo at kumindat pa. Himalang nandito sya ngayon.
"Kain na" sabi ni lola sakin. Pinag-usod naman ako ng upuan ni Marion.
"Thanks" pagpapasalamat ko sa kanya na nginitian nya lang.
"Bakit wala si Cayenn?" tanong ni lolo.
"Sa ibang school naman kasi napasok ang isang yon." sagot ni lola kay lolo.
"Bakit nga ba humiwalay ang batang yon?" nagkatinginan naman kaming magpipinsan dahil sa tanong ni lolo.
"Pftt" rinig ko pang pagpipigil na tawa ng kambal. Nagbaba naman ng tingin si Mayu para hindi matawa at nakangiti lang si Marion.
"Bwahahahaha" what the f?! Kilala nyo na kung sino yang tumawa. Tsk.
"Bakit ka tumatawa, Archangel?" tanong ni lolo na ikinasimangot ni Lei. Kami namang magpipinsan ang tumawa maliban kay Lei.
"Lolo naman" nakangusong sabi nya.
"Aba, bakit?" tanong ni lolo.
"Wag nyo nga po akong tawagin sa buong pangalan ko. Lei na lang" ungot nya pa. Natawa lang si lolo sa kanya.
"Iniiba nyo ang usapan. Sagutin nyo ang tanong ko. Bakit humiwalay si Cayenn?" pag-uulit ni lolo. Nagtinginan naman sakin ang lima. Bakit ako?! Napatingin din tuloy sakin si lolo. Great.
"Wala ako sa pwesto para sabihin yon pero dahil si lolo ang nagtanong ay pakisabi na lang kay ate Cayenn... Goodluck." sabi ko sa lima na ikinahagalpak ng tawa nila. "Sinundan po yung first crush nya. Mula yata elementary ay may gusto na sya don sa lalaking yon." baling ko kay lolo. Tumaas naman ang kaliwang kilay nya.
"Sino?" tanong ni lolo. Tumingin ako sa lima at ang mga loko nagkibit-balikat lang sakin.
"Ruzzel Carlos" sagot ko.
"Ang unico hijo ng mga Carlos?" paninigurado ni lolo. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. "Hmm, ayoko sa kanya." sabi ni lolo. Narinig ko namang tumawa ang boys.
"Ayaw rin namin sa kanya para kay ate." sagot ni Clint at nakipag-apir pa sa kakambal nya.
"Same" sabi rin nina Mayu, Marion, at Lei. Tumingin naman sakin si lolo at lola. Mukhang hinihintay ang sasabihin ko.
"Ayoko rin sa kanya" kibit-balikat na sabi ko. Ngumiti naman si lolo sa naging sagot ko.
"Kung ganoon ay ayoko rin sa kanya para sa apo ko." sabi naman ni lola.
