Chapter 22

123 4 0
                                    

Hyejin's POV

Saturday ngayon pero wala akong pasok sa trabaho. Ewan ko ba kay lolo, pero dadaan ako sa company para bisitahin sila.

"Oy, kayong dalawa" tawag ko kay Adrienne at Hera. Nandito kasi sa mansyon si Adrienne. "No monkey business, saka na 'pag eighteen na kayo." sabi ko pa sa dalawa. Agad naman silang namula kaya natawa ako. Nagpaalam na ako sa kanila at umalis.

Nang makarating sa company ay pumasok agad ako sa loob. Dederetso na sana ako sa elevator nang marinig ko ang boses ni ate Cayenn. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses. "So anong gusto mong iparating?" sarkastikong sabi nya sa kausap. Nakapamewang pa ito at ang lakas ng boses. Kahit kailan talaga ay takaw-gulo ito.

"Look, gusto ko lang namang sabihin na hindi ko sinasadyang matapunan ang damit mo. Hindi ko sinasabing kasalanan mo dahil nakaharang ka sa daan ko." sabi naman ng kausap nya. Teka, kilala ko ang boses na yon. Hindi ko kasi makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa gawi ko.

"Sa sinabi mo ay parang sinisisi mo nga ako!" sigaw ni ate Cayenn. Napa-face palm naman ako.

"Hey, what's happening?" tanong ko sa dalawa. Sabay silang lumingon sa akin. "Harry?" banggit ko sa pangalan ng lalaki. Napangiti naman sya.

"Hey, ikaw pala. What's up?" sabi nya sakin.

"Magkakilala kayo?" tanong ni ate Cayenn.

"Not really" sagot ni Harry. Napakunot ang noo ko. "Hindi ko kasi natanong ang pangalan mo last time." nakangiting sabi nya sakin.

"Ahh, yeah" sabi ko nang maalala. "I'm Jin" pakilala ko. Tumango naman sya at ngumiti. "Bakit ka sumisigaw?" baling ko kay ate Cayenn.

"Tingnan mo ang damit ko" inis na sabi nya. Tiningnan ko naman ito at nakitang may mantsa.

"I already said sorry and hindi ko nga sinasadya" sabi ni Harry kay ate Cayenn. Magsasalita pa sana si ate Cayenn nang pigilan ko sya.

"Nag-sorry naman na pala, hayaan mo na. Magpalit ka na lang ng damit. May extra ka naman siguro sa taas." sabi ko pa.

"Yun na nga ang problema eh. Wala akong extra!" iritang sabi niya. Napailing naman ako.

"I have some" napalingon kami sa nagsalita.

"Oh, meron pala si ate Drea eh. 'Wag ka nang mag-alburoto dan." sabi ko kay ate Cayenn. Napairap naman sya. "Tama na ang pagsusungit baka maisip kong type mo si Harry kaya ka ganan." pang-aasar ko.

"Excuse me?" maarteng sabi naman ni ate Cayenn. Natawa kami ni Harry.

"Dadaan ka?" tanong ni Harry. Sinamaan naman sya ng tingin ni ate Cayenn. "Woah" napataas ang dalawang kamay nya. "Just kidding" natatawang sabi pa nito.

"Nakakatuwa" sarkastikong sabi ni ate Cayenn. Napangisi naman ako.

"Baka type nyo ang isa't isa huh? Dan nagsisimula ang lahat, sa pagiging aso't pusa." sabi ko pa. Napangiti lang si Harry at ngumiwi si ate Cayenn. Natawa naman ako.

"Tama na yan, tara na sa taas" sabi ni ate Drea bago hawakan sa kamay si ate Cayenn. Nauna na silang maglakad paalis.

"Oops" nasabi ko na lang. Something's fishy...

"Sila ba?" tanong sakin ni Harry. Pareho kaming nakatanaw sa dalawang papalayo.

"No?" patanong na sagot ko. Natawa naman sya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon