Hyejin's POV
Ngayon ang victory party ng sports fest namin. Nakabihis na ako at nagre-retouch na lang bago umalis. "Ate, mauuna na kami ni ate Lei." sabi ni Hera pagkapasok ng kwarto ko.
"Hmm, mag-iingat kayo" sabi ko habang sa salamin pa rin nakatingin.
"Okay, ikaw din" sabi nya pa bago lumabas ng kwarto. Maya-maya lang ay narinig ko na ang tunog ng makina ng sasakyan ni Lei.
Matapos mag-ayos ay kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas ng kwarto. "You're gorgeous" salubong sakin ni mommy nang makababa ako. Humalik naman ako sa pisngi nya.
"Thanks, mom" nakangiting sabi ko. "Ang aga nyo po atang umuwi?" tanong ko pa sa kanya.
"Nah, babalik din ako. I just want to see my two daughters wearing their dresses." nakangiting sabi nya rin. "Ang lakas talaga ng genes ko" pareho kaming natawa sa sinabi nya. Yeah, magkamukha naman talaga kami.
"Alis na din po ako, mom. Dadaanan ko pa si Zeyn." sabi ko pa sa kanya.
"Is she your girlfriend already?" tanong ni mommy. Agad naman akong umiling.
"We're just friends" sagot ko. Mukhang hindi naman sya naniwala kaya napailing ako. "Alis na po ako, bye." sabi ko pa at lumabas ng bahay.
Nagsimula na akong magmaneho patungo sa bahay nila Zeyn. Bumusina lang ako nang makarating na sa tapat ng bahay nila. Nakita ko naman syang lumabas ng bahay kaya lumabas din ako ng kotse. Natulala man ay hindi ko yon pinahalata. She's stunning.
"Mas gumanda ka" sabi nya sakin nang makalapit.
"I know" napairap naman sya sa sagot ko. "Ikaw din, nagmukhang tao" sabi ko pa. Hinampas nya naman ako sa braso at sinamaan ng tingin.
"Ang sama mo talaga" nakasimangot na sabi nya. Tumawa lang ako at pinagbuksan sya ng pinto.
Nang makasakay na rin ako ay pinasibat ko na ang sasakyan paalis. Mabilis lang kaming nakarating sa school dahil malapit lang naman ito sa kanila. Nang makababa ng sasakyan ay ikinawit nya ang kamay sa braso ko. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"What? Hanggang sa makapasok lang naman tayo. Hihiwalay din ako sayo, pupuntahan ko sila Vince." sabi nya pa. Vince is her cousin. Nang makapasok sa loob ay tinanggal na nga nya ang pagkakakapit sakin. "Tawagan na lang kita mamayang uwian" sabi nya pa. Tinanguan ko lang sya. Umalis na sya at hinanap sila Vince. Ako naman ay hinanap ang table ng mga pinsan ko.
"Hey hey hey" nakangising sabi sakin ni Clint. "Ganda natin ah, bibihira lang kitang makitang nakasuot ng dress dahil masyado kang boyish. But look at you, too gorgeous" namamanghang sabi nya pa.
"Clint kung gusto mo nitong dress ko ay sabihin mo lang. Ibibigay ko naman sayo pagkatapos" pang-aasar ko sa kanya.
"Tingnan mo 'to ginawa pa akong bakla. Ikaw na nga pinuri nang-aasar ka pa" nakasimangot na sabi nya. Nagtawanan naman ang lima.
"Hoy, Hera" tawag ko sa kapatid ko.
"What?" nagtatakhang tanong nya.
"Nasaan ang date mo? Nasaan si Aydi?" tanong ko. Agad namang namula ang mukha nya kaya nagtawanan ang mga tukmol.
"Wala pa eh, pero mamaya nandito na yon" sabi nya. Tumango naman ako.
"Sinagot mo na ba?" tanong ni Lei. Nahihiyang tumango naman ito.
"Woah, naunahan mo pa kami" sabi ni Marion.
"Torpe kasi kayo!" sabi ni Lei. Nagsalita ang hindi. "Nasaan ang mga date nyo?" tanong ni Lei sa boys.