Chapter 29

110 3 2
                                    

Hyejin's POV

Nakausap ko na kahapon si Rafa. Napag-usapan namin na bukas na bukas ay sisimulan na namin ang project. Dapat ay ngayon na kaso sabi ko ay may aasikasuhin muna ako. Pumayag naman sya.

"Ate, aalis ka na naman?" tanong sakin ni Hera. "Bukas pa ang simula nyo ah. Saan ka pupunta?" tanong nya pa.

"May imi-meet ako ngayon. Kakausapin ko about business" sagot ko. Napansin ko namang bihis na bihis din sya. "Ikaw, bakit ganyan ang suot mo? May lakad ka rin?" tanong ko naman.

"Yup, maggagala kami ni Jessy. Busy yung boys kaya kami munang dalawa" sagot naman nya.

"Good, akala ko ay aalis kang mag-isa eh. Malalagot ka talaga sa akin" sabi ko sa kanya.

"Makakatakas ba naman ako, ang higpit ng bantay nyo" nakasimangot na sabi nya. Napailing ako. Ang batang ito, ang laki na rin ng pinagbago.

"Aalis na ako, mag-iingat kayo" sabi ko pa.

"Ikaw rin, ate. Bye" sabi nya. Tumango lang ako at umalis.

Nang makarating sa pupuntahan ay bumaba na ako ng kotse. Pumasok ako sa loob ng restaurant na pagkikitaan namin. Napagdesisyunan kasi namin na mananghalian na rin habang nag-uusap. Nakita ko naman syang nakapwesto malapit sa dulo.

"Sorry, I'm late" bungad ko nang makalapit sa kanya.

"No, it's okay. Halos kararating ko lang din" sabi naman nya. "Have a seat" sabi nya pa. Naupo naman ako sa harap nya.

"So... kumusta po, Sir Gabriell?" tanong ko sa kanya.

"Maayos naman, ikaw ba?" tanong nya rin.

"Ayos lang din po" sagot ko. "Napag-isipan na po ba ninyo ang alok ko?" tanong ko.

"Yes, nakakahiya man ay kailangang kailangan ko talaga ng tulong ngayon." sagot naman nya. Napangiti ako.

"Balak ko po sanang bilhin ang dating shares ni Mr. San Antonio." sabi ko. Natigilan naman sya. "Nasabi po ninyo sa akin sa telepono nung nakaraan na unti-unti nang nalulugi ang kompanya nyo. Nakaragdag pa roon ang pag-pull out nya ng shares sa kompanya. Naisip kong bilhin ang shares nya para naman mabawasan ang problema." mahabang sagot ko.

"Pero hindi ba parang sobra-sobra naman iyon? Malaki ang shares nya, malaking pera din ang ilalabas mo. Nakakahiya naman" sabi nya. Umiling-iling ako.

"No, Sir. Ayos lang po yon" sabi ko naman. "Malaki man po ang perang ilabas ko ay kikita naman ako kapag kumita ang kompanya. At dahil malaki ang shares ko ay malaki rin yon. It's a win-win situation for us" nakangiting sabi ko. Matagal syang tumitig sakin bago nagsalita.

"'Wag mo na akong tawaging sir, tito na lang" nakangiting sabi nya. Sa tagal ng pagtitig nya ay ayun lang ang nasabi nya. Natawa ako sa isip.

"Okay po, tito" sabi ko na mas ikinangiti nya.

"Payag na ako" sabi nya bigla.

"That's good" masayang sabi ko. "Also, marami po akong kilalang investors. Pwede ko pong i-recommend ang company nyo sa kanila. Siguradong aangat ulit ito" dagdag ko pa.

"Maraming salamat, hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan ng sobra. Napakalaking tulong nito" emosyonal na sabi nya. Napangiti naman ako.

"No, tito. Sa tingin ko po ay deserve nyo ang matulungan. Alam ko pong sobrang laki ng naging sakripisyo nyo para lang maisalba ang kompanya. At alam kong ginagawa nyo ito hindi lang dahil sa sarili nyo kundi para rin sa pamilya nyo at mga empleyado." nakangiting sabi ko. Hindi nya na napigilang umiyak. Hinayaan ko lang sya dahil alam kong doon gagaan ang loob nya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon