Chapter 11

196 4 0
                                    

Hyejin's POV

Pupungas-pungas ang matang naglakad ako papasok sa banyo. Ginawa ko ang morning routine ko at pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto.

"Goodmorning" bati ng taong nakasalubong ko.

"Yeah, morning" bati ko rin pabalik. Eh? Wait... Napalingon ako sa taong nakasalubong ko. "Hey! Who are you?" tawag pansin ko sa kanya. Tumigil naman sya sa paglalakad at humarap sakin. Ngumiti sya.

"Harry" pakilala nya at naglakad palapit sakin. "Harry Lorenzo. Anak ako ng ka-business partner ng Senior. I'm here para dalhin sa kanya 'tong papers." isinenyas nya pa ang mga files na hawak nya. "Nasa library ba sya?" tanong nya. Mukhang madalas sya rito dahil alam nyang nasa library ang opisina ni lolo.

"Wala dito si lolo eh, maagang umaalis. Nasa school sya ngayon, may sinamahan." sabi ko pa.

"Ganon ba? Akala ko kasi ay nandito sya. Wala kasi sya sa kompanya." napapakamot sa ulong sabi nya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"I can take it. Ako na lang ang mag-dadala sa opisina nya. May ipasasabi ka ba?" sabi ko.

"Ahh, wala naman" inabot nya sakin ang mga files. "Thank you" pasasalamat nya.

"No prob" nakangiting sabi ko.

"Sige, una na ko" sabi naman nya.

"Hatid na kita sa labas" sabi ko pa.

"Okay, thanks" nagsimula na kaming maglakad pababa ng hagdan. "I think I saw you before." biglang sabi nya pa.

"Really? Saan naman?" tanong ko. Mukhang napaisip naman sya.

"Ah! Naalala ko na. Sa company, nasa finance department ka non." sabi nya pa.

"Ahh, yeah. I'm working there." sagot ko.

"Eh? Working?" takhang tanong nya. "Mayaman naman kayo bakit nagtatrabaho ka na? At saka bakit ang baba ng posisyon mo? Apo ka ng may-ari, diba?" sabi nya pa.

"Hmm, hindi yon alam ng ibang empleyado. 'Wag mo ring sasabihin sa kanila. Ayoko ng atensyon." sabi ko pa.

"Okay, I get it. Pero kung titingnan ay mukhang bata ka pa. Ang aga mo namang nasabak sa trabaho." nakangiting sabi nya.

"Hmm, ayoko kasi ng masyadong umaasa sa kanila. Saka mas ayos ng maaga akong mamulat sa ganito." sabi ko naman.

"Kung sabagay" tumatangong sabi nya. "Ilang taon ka na ba?" tanong pa nya.

"Nineteen" sagot ko.

"Mas matanda lang pala ako sayo ng tatlong taon." sabi naman nya.

"Hindi halata sayo" sabi ko. Nagtakha naman sya. "Akala ko kasi ay kaedad lang kita." sabi ko pa. Natawa naman sya.

"Mukha ba akong mas bata sa edad ko?" tanong nya. Tumango lang ako na ikinailing nya. "Salamat sa paghatid dito" sabi nya pa. 'Di ko namalayang nasa labas na pala kami.

"No prob" sabi ko.

"Alis na ko" sabi nya at sumakay ng kotse.

"Hmm, ingat" sabi ko. Tumango lang sya at pinaandar na ang sasakyan paalis.

Papasok na sana ako ng mansyon ng may humila sakin. "Fvck!" napamura ako sa gulat. Narinig ko naman ang pagtawa nila. Wait nila? Nilingon ko ang humila sakin. "Gago talaga kayo" sabi ko nang makita ko si ate Cayenn, Mayu, at Lei.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon