Chapter 2

322 7 0
                                    

Hyejin's POV

Humihikab akong tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Pang sampung beses na ata iyon magmula nung umalis kami ng mansyon. Maaga akong ginising ni lolo para maghanda dahil mas ayos daw kung maaga akong makakakuha ng scholarship exam. May pupuntahan din daw kasi kami mamaya at hindi ko alam kung saan.

"Nandito na po tayo, Senior" pag-aanunsyo ng driver, tumingin pa ito kay lolo at pagkatapos ay sakin. "Young lady" magalang na sabi din nito sakin. Kinikilabutan talaga ako kapag tinatawag nila akong ganon. Unang una ay hindi ako sanay at pangalawa ay ayoko talaga.

*Sigh*

"Halika na, apo" sabi ni lolo at nauna nang bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko ay nakita ko itong nakatayo sa may gilid at hinihintay ako. Sinenyasan nya akong sumunod sa kanya nang makitang nakababa na ako. Kahit apo ako ng may-ari ay hindi pa ako nakakapunta rito at lalong hindi ako rito nag-aral noon.

Wow. Yan ang salitang unang pumasok sa isip ko nang makita ang gate ng paaralan. May malaking letter H na nakapinta dito at ang ganda ng font. Sa ilalim naman non ay may University na nakaukit. H University. Yan ang pangalan ng school ni lolo. Ewan ko nga kung bakit H at kung may ibig sabihin ba yon. Bumukas ito at nakangiting sinalubong kami ng guard. Tinanguan naman namin sya.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang scholarship building. Dito nagtetake ng exam ang mga gustong makakuha ng scholarship. May sariling headquarters ang mga scholar dito sa school ni lolo. Kalimitan kasi ay sila ang pinadadala sa ibang school kapag kailangan ng representative. Masasabi kong may special treatment ang mga scholar sa school na to. Well, sila kasi ang kalimitang nag-uuwi sa skwelahan ng mga parangal mula sa iba't ibang larangan. Nakapagtatakha ba kung bakit sila ang ipinadadala at hindi ang mga estudyanteng anak mayaman at nagbabayad ng mahal na tuition fee sa school na to? Yun ay dahil, well, hindi ko naman nilalahat pero hindi ko rin ipagkakaila na may pagka-spoiled brat ang ibang nag-aaral dito dahil nga sa mayayaman. Kaya mas ipinagkakatiwala ng school ang mga bagay-bagay sa scholars dahil mas matino sila kung susumahin.

Kumatok ng dalawang beses si lolo sa pintuan bago ito binuksan.

"Ikaw pala yan, Marshall" masayang bungad ng isang may edad ng lalaki. Sa tantya ko ay nasa 60's na ito katulad ni lolo. "Maupo ka" kaswal na sabi pa nito na agad namang ginawa ni lolo. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" pagpapatuloy nito. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto. Mukhang hindi pa ako napapansin nito.

"Narito ako dahil may gusto akong ipakilala sa iyo. Gusto ko sanang mag-take sya ng scholarship exam. At ngayon na mismo." nagulat naman ako sa sinabi ni lolo. Agad-agad? Hindi ba pwedeng magpahinga muna? Napanguso na lang ako.

"Ganoon ba? Sige, kukuha lang ako ng test paper para makapag-take na sya." sabi nito at tumayo para kumuha ng test paper mula sa cabinet sa likuran nya. "Nasaan na ba sya?" tanong nito nang makaupo ulit. Hawak-hawak na niya ang mga papel. Masyado atang marami?

"Ayon sya" sabi ni lolo at tinuro pa ako gamit ang hinlalaki. Mukhang sa kanya ko namana yon. "Hyejin Alvarez" pagpapakilala nya pa sakin.

"Oww" gulat na napatingin naman sakin ang lalaki. Mukhang hindi nya nga ako napansin kanina. Ngumiti ito bago tumayo at muling nagsalita. "Sagutan mo ang mga ito at ngayon din yan tsetsekan para malaman nyo agad ang resulta." nakangiting sabi nya, inabot nya sakin ang test paper at answersheet. Tinanguan ko lang sya at naglakad palapit sa nakita kong upuan na may lamesa sa gilid.

Narinig ko pa itong tumawa. "Mukhang may pagkasuplada ang apo mo, Senior." narinig ko pang sabi nito bago ko simulang sagutan ang exam. Paano nya nalamang apo ako ng Senior?

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon