Chapter 12

189 6 0
                                    

Hyejin's POV

"Hera! Ang tagal mo dyan, kanina pa sila naghihintay sa baba." katok kong muli sa pintuan ng kapatid ko. Napakabagal talaga kumilos ng batang 'to.

"Tara na!" hyper na sabi nito pagkabukas ng pinto. Hinila ko na sya pababa ng hagdan kung saan naghihintay ang mga pinsan namin.

"La, alis na po kami" paalam ko kay lola.

"Aba'y hindi pa kayo nag-aalmusal" sabi ni lola.

"Sa school na lang po, la. May general assembly ngayon kaya kailangan naming pumasok ng maaga." sabi ko pa na sinang-ayunan naman ng mga pinsan ko.

"Oh sya, sige. Basta kakain kayo huh. Mag-iingat" bilin nya pa at umalis na kaming pito.

Nang makarating sa school ay nagderetso muna kami sa cafeteria at bumili ng pagkain. Nang makabili ay nagtungo na rin kami sa gymnasium. Naghanap kami ng mauupuan at nang makaupo ay nagsimula nang kumain.

"Hindi ka naman nahihirapan makipag-socialize sa mga kaklase mo?" rinig kong tanong ni Clint kay Hera.

"Medyo po. Mahigit isang buwan na simula nung mag-transfer ako pero naninibago pa rin ako." sagot naman nito.

"Masasanay ka rin" nakangiting sabi ni Clint. Nakangiting tumango lang sa kanya si Hera.

"Goodmorning everyone" natuon ang pansin namin sa nagsalita sa unahan. Nakita kong nakatayo ang dean sa stage kasama si tito lolo at ibang teachers. "Kaya ko kayo pinatawag dito ay dahil gusto kong sabihin na malapit na ang sports fest ninyo. Sabay-sabay ang sports fest ng junior high hanggang college. Tapos na ang sa elementary, diba?" sumang-ayon naman ang iba. "Isang buwan ang itatagal non dahil marami kayo. Ilang section ang meron sa bawat baitang at ilang department ang meron sa college. Ngayong week ay wala na kayong klase dahil magsisimula na kayo para sa preparasyon. At next week na ang simula ng sports fest." sabi pa ng dean. Naghiyawan naman sa tuwa ang mga estudyante. Kasama na kami don syempre.

"Makakapagpahinga rin tayo" tila nakahinga ng maluwag na sabi ni Clint.

"Isang buwan tayong mage-enjoy. Mabuti na lang at pinagsabay-sabay nila ang sports fest natin. Bakit hindi nila naisip yon noon?" sabi naman ni Timothy.

"Tama ka dan, Thy. Pero buti na lang talaga at ganon ang napagdesisyunan nila ngayon." sabi naman ni Mayu.

Tiningnan ko ang mga kasama ko. Hindi ko ata naririnig si Lei. Napataas ang kaliwang kilay ko nang makitang hindi sya gumagalaw sa pwesto nya. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nya. Si Devon. Napapangiting kinulbit ko si Mayu na katabi ko lang. Takhang tumingin naman sya sakin. Nginuso ko si Lei. Napa-ow naman sya nang makitang titig na titig ito kay Devon.

"Looks like someone's in love" sabi ni Mayu habang nakatingin pa rin kay Lei.

"Hmm, I agree" nag-apir pa kaming dalawa bago naghagikhikan.

Sa totoo lang ay napapadalas na ang pagiging tahimik ni Lei. Nagsimula yan nung nakita namin si Devon na may kasamang lalaki sa mall. Tama nga si ate Cayenn, may magbabago sa isang 'to. Madalas ko na rin syang nahuhuling nakatingin kay Devon. At kahit pa nagkakasalubong sila sa daan ay hindi na nya ito pinapansin. Hindi katulad ng dati na palagi syang nakikipagbangayan dito.

Kumindat muna ako kay Mayu bago nakipagpalit ng pwesto kay Hera. Katabi kasi nya si Lei. Mukhang hindi manlang nito naramdaman na nagpalit kami ng upuan ng kapatid ko.

Dahan-dahang kong inilapit ang bibig ko sa tainga nya. "Boo!" panggugulat ko sa kanya.

"Shit!" natawa ako ng muntik na syang mahulog sa kinauupuan nya. "What the fvck, Jin?!" nakakunot ang noong sabi nya. Nginitian ko lang sya ng pagkalaki-laki.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon